***
Napagdesisyunan ko ng umuwi samin. Ang tagal ko na ring walang contact kina Mommy. Hindi ko naman sila matawagan dahil nga iniwan ko yung phone ko samin. Siguradong katakot takot na sermon ang aabutin ko. Galit kaya sila sakin? Haaaay... Ngayon ko lang napagtanto na ang layo pala ng bahay ko mula sa bahay nila Alden. Laguna to Bulacan.
Sumakay ako sa bus. Umupo ako sa may pinakadulo. Muling namutawi ang luha sa aking mga mata. Bakit ba ganito ako? Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak sa tuwing naiisip ko sya. Sa sandaling panahon na nagkasama kami ang dami kong narealized. Noong una gusto ko lang syang turuan kung paano makitungo ng maganda sa iba. Maalis yung pagiging badboy nya pero nag-iba yung ihip ng hangin. Hindi ko napigilan ang damdamin ko at unti-unti akong nahulog sakanya. Minahal ko sya... Minahal ko sya kahit alam kong hindi na pwede. Kahit alam kong masasaktan lang ako dahil hindi naman kami ang para sa isa't-isa. Ganito pala talaga ang nagmamahal. Kahit alam mong sobrang sakit ay wala kang magagawa kung hindi magparaya. Ang sakit. Ang sakit sakit.
"Miss' bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?"
Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalakeng naka-white polo. Ang linis nya at mukhang mabango. >_____< Wag kayong green ah! Nasa mid-50's na yata sya. Pinahid ko ang luha ko. Ngumiti ako ng pilit sakanya.
"Wala po. May naalala lang po ako."
"Minahal? Mahal? Mamahalin?"- sabi nya.
"Hindi ko po kayo maintindihan."
"Ang dali mo kasing basahin."- tapos ngumiti sya. Muli na namang tumulo yung luha ko. Ano ba namang klaseng mata meron ako? Unlimited tears. Kainis! "Alam mo kung talagang mahal mo sya at mahal ka nya darating din ang tamang panahon para sainyong dalawa pero siguro sa ngayon hindi muna pwede."
"Hindi naman po talaga pwede at kahit kailan hindi na po mangyayari yon."
"Ganun ba?"- tapos parang nag-isip sya. "Don't lose hope. Malay mo may plano pala si God para sainyo."- huminto yung bus at bigla syang tumayo.
"Iha, mauna na ko sayo."
"T-teka po. Ano pong pangalan nyo?"
"Tawagin mo nalang akong Dr.Love.
Doktor ako sa puso."- muli syang ngumiti pagkatapos ay bumaba na.
Pinilig ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan.
"Miss gising. Nagbabaan na lahat."
Naramdaman ko ang pagtapik sa braso ko. Napamulat ako ng aking mata. Nakatulog pala ako. Nagbayad ako at bumaba na agad. Hinila ko ang aking maleta sa isang tabi. Nag-abang ako ng taxi. Mga 5 minutes pa siguro bago may tumigil sa harap ko. Sinakay nya ang maleta ko sa compartment bago ako pumasok sa loob.
"Saan po tayo, Mam?"- tanong nya.
"Sa Sta. Maria po tayo, Manong."
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sobrang namiss ko ang Bulacan. Heto na naman ako, naluluha na naman ang mga mata ko. Peste! Bakit ba ayaw nilang tumigil?
"Mababangga tayo!"- sigaw ni Manong bago ako napatingin sa kabilang gilid namin.
And then everything went black...
--
Lola, nandyan po si Dingding at ang mommy nya. Magshashopping daw po kami.
-
Apo, wala na si Dingding. "Bakit po Lola sino po ba sya?"
-
Wala na rin ang Mommy nya.
-
Lola, sino si Dingding? Anong nangyayari? Bakit wala akong matandaan?--
Nagising ako dahil sa panaginip na yon. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Ang daming nagpa-flashback sa utak ko. Anong ibig sabihin nun? Tumingin ako sa paligid. Puro puti ang nakikita ko. Teka? Nasaan na ba ko?
"Apo, finally you're awake."- niyakap nya ako ng mahigpit.
"Lola? Bakit po ako nandito? Ano pong nangyari?"
"Apo sa susunod ko nalang ikukwento sayo ang lahat. Ang mabuti pa'y magpahinga ka muna ng makabawi ka ng lakas."
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Mommy at Daddy kasama ang isang Doctor at isang nurse.
Niyakap nila ako pareho ng mahigpit. Bakit ganito sila? Parang ang tagal naming hindi nagkita.
"Anak miss na miss ka namin ng Daddy mo. Mabuti naman at nagising ka na."- sabi ni Mommy habang naiyak sya.
"Mommy, don't cry. I'm fine."
"Mabuti naman at ayos ka na, Maine."
"D-dr. Love?"
"Ako nga." He smiled at me.
"Magkakilala kayo?"- tanong ni Lola.
"Sa tingin ko po magkakilala kami pero hindi ko alam kung paano at saan."
Napahawak akong muli sa ulo ko. "Aaaargh, ang sakit ng ulo ko."
Hinawakan naman ako ni Lola sa aking braso.
"Lola, si... si Dingding po? Nasaan sya? Bakit wala sya dito?"
Nagkatinginan si Lola at ang parents ko. So, what does that mean?
"Anak, don't push yourself that much to think all the things that you don't remember. Maalala mo rin yon."
"But from now, you need to take some rest."- sabi naman ni Dr.Love. Binigyan ako ng pain reliever ng nurse na kasama nya at muli akong nagpahinga kagaya ng sinabi nila.
***
VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE
FB: marimarbelenario@yahoo.com
IG: @marimaraaww
TWITTER: @marimaraaww
BINABASA MO ANG
"Ang Boss Kong Artista"
De TodoHi and Hello po sa lahat ng ALDUB Fans. This is just a short story lang for them dahil sobrang SUPER FAN ako ng loveteam nila. Likha lamang po ito ng malikot kong imagination kaya sana po kung may free time kayo ay basahin nyo po and sana suportahan...