***
Maaga akong nagising dahil sabi sakin kagabi ni Manang Tess ay kailangan ko raw sumama sa mga taping at shooting ni Alden. Matagal na rin naman ako sakanila pero ngayon palang ako sasama sakanya. Pinilit pa kasi sya ni Manang Tess. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na isang artista ang boss ko.
"Dalhin mo lahat ito."- turo nya sa limang jansport bag na nakapatong sa kama nya.
"What? Are you kidding me?"
"No, I'm not."
"Sayo yung tatlo, sakin naman yung dalawa."- sabi ko.
"Binabayaran ka dito, diba? P.A kita kaya ikaw ang magbuhat nyan."
No choice. Ako talaga ang nagbuhat ng lahat ng bag nya papunta sa sasakyan. Wala talaga syang konsensya! Nakakainis!
"Bilisan mo naman!"
"Eh kung tinulungan mo kaya ako? Baka napabilis pa ko."
"Nagrereklamo ka?"
"Naku, hindi ako nagrereklamo, Alden."- inirapan ko sya.
"Sir Alden ang itawag mo sakin."- sabi nya sabay sakay kotse.
Sumakay na rin ako sa may tabi nya.
"What do you think you're doing?"
"Diba nagmamadali ka? Let's go!"
"Baba."
"Why?"
"Anong why? P.A ka dito diba kaya sa likod ka maupo."
Tinamaan ako sa sinabi nya. Napikon ako sa pagkakasabi nya ng P.A. Kapal naman ng mukha nya. Baka nga mas mayaman pa ko sakanya eh. Bumaba ako at lumipat sa likod.
After 30 minutes nakarating na kami sa set. Nawala ang badtrip ko. Ngayon lang kasi ako nakapunta sa set ng mga artista. Sobrang dami pa ng taong nanonood. Nakakaaliw.
Bumaba na si Alden kaya naman sumunod na ko sakanya bitbit ang mga gamit nya. Ang daming sumigaw ng bumaba sya sa kotse. No wonder, sobrang sikat nya talaga. At hindi rin naman maikakaila na gwapo sya. Pero kung kayo ang nasa katayuan ko? Aayawan nyo ang ugali nya. Hmp. >_<
Sa isang tent kami nakapwesto ngayon. Naupo ako sa isang monoblock.
"Alden ready ka na?"
"Yes, direk."
Naglakad na sya papunta doon sa may tapat ng camera. Ang galing nya. Puro tag-iisang take lang ang ginawa nila. Nagpalakpakan naman ang mga fans. Palapit na sya sakin kaya naman ni-ready ko agad ang mineral water nya.
"Sir, Alden."- abot ko sakanya ng tubig pero tinitigan nya lang ito.
"Ayoko nyan. Brought me Ice cream. Chocolate flavor."
"Huh?"- nagtaka pa ko nyan.
"Go."
Mabilis naman akong tumakbo at naghanap ng store na mabibilihan ng Ice cream.
Nang makabili ako kay bumalik ako agad.
"Here."
"Ayoko na pala nyan. Nakakasira ng diet."
"Okay fine, ako nalang ang kakain ni--."
"Brought me orange juice. Faster."
Tumakbo na naman ako at sa ibang tindahan naman bumili. Tumakbo ulit ako pabalik.
"Heto na Sir Alden."
"Sabi ko pomelo juice hindi orange juice."
"Huh? Ang rinig ko kasi------."
BINABASA MO ANG
"Ang Boss Kong Artista"
RandomHi and Hello po sa lahat ng ALDUB Fans. This is just a short story lang for them dahil sobrang SUPER FAN ako ng loveteam nila. Likha lamang po ito ng malikot kong imagination kaya sana po kung may free time kayo ay basahin nyo po and sana suportahan...