Chapter Five

3.2K 123 10
                                    

***

Matapos ang mainit na sandaling naganap samin ng araw na yon ay hindi ko na sya pinansin pa pagkauwi namin. Gayundin sya sakin. Pareho pa kaming nilagnat pagsapit ng kinagabihan. Ilang araw ang lumipas na nag-iiwasan kami na magkasabay sa hapag-kainan.

Kapag naman tinatanong ako ni Tito Albert at Manang Tess ay sinasabi ko nalang na hindi pa ko gutom o kaya naman ay sa labas ko gustong kumain. Feeling ko nga nahahalata naman nila kami eh. Ayaw nalang nilang mag-usisa pa.

At kung tatanungin nyo naman ang braso kong napaso? Okay na sya. Dinala naman kasi ako ni Alden sa hospital bago kami umuwi ng araw na yon. Medyo nakarecover na yung skin ko. Hindi naman masyadong malala ang lapnos.

I deeply sighed ng pumasok na naman sa isip ko si Alden. Sa tingin ko may mali na sakin. Hindi na tama itong nararamdaman ko.

Binuksan ko nalang ang TV sa sala at nagsimulang maglipat ng channel. Napahinto ako sa pagpindot ng remote ng makita kong nakaflash sa screen ang mukha ko at mukha ni Alden. Nandoon din yung...

Kiss namin sa High way.

"Dorris, anong masasabi mo sa picture na lumabas? Totoo ba na ang babae sa picture ang dahilan ng break up nyo?"

"Hindi ko akalain na magagawa ito sakin ni Alden, maayos naman ang relasyon namin eh. Hanggang sa dumating ang babae na yan. Sya nga ang dahilan. Sya yung new P.A ni Alden, naging mabait pa naman ako sakanya pero anong ginawa nya? Nagtake advantage sya! What a gold digger! Social climber!

Biglang namatay yung TV.

Napatayo ako. Hindi totoo lahat ng yon! Sobrang kasiraan naman kasi sakin non!

"Wag mong patulan ang mga balita na hindi naman totoo."

"Hindi nga sya totoo. Pero nasiraan nya na ko. Kailangan kong linisin ang pangalan ko."

Nagsimula akong maglakad pero humarang sya sa daan ko.

"Ano ba? Kung sayo wala lang yon, sakin malaking bagay yon! Get out of my way!"

"I'll go with you."

"Ano?"

"Ang tanga mo na, Ang bingi mo pa. Let's go."

Wala na kong nagawa ng hinila nya ko. Sumakay kami sa kotse nya at nagdrive sya papunta sa station.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami. Hindi ko maiwasang maconscious. Alam kong ang tingin ng ilan sakin ay malandi at mang-aagaw. Pero hangga't alam ko ang totoo ay hindi dapat ako magpaapekto. Malapit na kami. Nagsimula na kong kabahan. Nanginginig ang kamay kong nakakapit sa braso ni Alden.

Hinawakan nya ang kamay ko at bumulong. "Wag kang matakot. Alam mo at alam ko kung ano ang totoo. Hangga't nandito ako sa tabi mo walang mangyayaring masama sayo. Poprotektahan kita. Pangako yan."- nabigyan nya ko ng relief sa mga sinabi nya. Matipid akong ngumiti sakanya. Magkahawak kamay kaming pumasok sa news station.

Sinalubong agad kami ng mga reporter pero sa mismong news anchor kami lumapit at ipinaliwanag nya ang buong pangyayari na dapat nilang malaman. Nasalubong pa namin si Dorris pero hindi naman maipinta ang mukha nya sa labis na kahihiyan.

Ngayong nakauwi na kami ay hindi pa rin ako makamove on sa sinabi nya. >____<

FlashBack...

"Hindi kami nagkaroon ng relasyon at kahit kailan ay hindi naging kami. Kaya please lang Dorris... Wag mong siraan si Nicomaine sa harap ng maraming tao...

Wag mong siraan ang babaeng mahal ko...

--

"Ang buhay talaga. Hindi mo masasabi kung anong pwedeng mangyari sayo sa bawat araw na dadaan."- sabi nya.

"Oo nga."

"Everything happened for a reason talaga."

"Tama. May point ka dyan. May reason din kaya tayo nagkakilala."

"Malay mo tayo pala ang destiny?"

Natawa ako ng mahina sa sinabi nya. "Malabo yan."- napatingin naman sya sakin.

"Bakit naman?"

"I'm no longer available, Sir Alden."

"Married ka na?"

"Single."

"How come na hindi ka na available?"

"It's complicated."

"Gusto mong pag-usapan? I pressumed big problem yan. Kaya ka rin siguro napadpad dito. Family issue?"

"Manghuhula ka ba? Ang galing mo naman."

"So, tama ako?"

"Yeah. How did you know?"

"Kasi I have my own issues too."

"But I'm sure na mas matindi ang problema ko kesa sayo."

"I bet, mas matindi ang sakin."

"Wag na nga nating pag-usapan yon."

"Well, pwede ko bang malaman?"

"Sorry, Sir Alden pero masyadong personal and ayokong ishare. Ayoko ngang maging masyadong close sayo."

"Bakit sa tingin mo ba hindi pa tayo close sa lagay na ito? Pero kung ikaw rin ang magtatanong yan din ang isasagot ko."- sabay kaming napatawa. Pagkatapos ay isang mahabang katahimikan. Nagsalita muli ako.

"Kailan pa?"

"Ang alin?"- tanong nya.

"Kailan mo pa narealized na... mahal mo pala ako?"

"Uhm. Kelan nga ba?"- nag-isip sya. "Yung time na ginamot ko yung sugat mo sa daliri."

"Really?"

"Yeah. I thought wala lang ito kaya binalewala ko pero natutuwa ako sa presence mo. Kapag wala ka hinahanap-hanap kita. Natutuwa akong pinahihirapan at inaasar ka. I guess love at first sight ang tawag dito. Sa tingin ko nga matagal na kitang kilala eh."- sabi nya. "Sorry nga pala doon sa nangyari sa set nung nakaraan. Wala akong nagawa para ipagtanggol ka kay Dorris. Nahihiya pa ko nun sayo eh."

"Ikaw ba yan Alden Richards? Bakit hindi ka na masungit?"

"Gusto mo magsungit ulit ako?"

Natawa ako sa tinuran nya. "Biro lang. Kalimutan mo na yon. Wala na yun sakin."

"Eh ikaw?"- tanong nya.

"Anong ako?"

"Mahal mo rin ba ako?"

Hindi ako nakasagot sa tanong nya. Bigla kong naalala si Lola Natasha. Bigla ko ring naalala ang pagpapakasal ko sa apo ng bestfriend nya.

"Bakit natahimik ka? Mukha kang nalungkot sa tanong ko ah."

"Sorry, Sir Alden bigla kasing pumasok sa isip ko ang problemang ayaw ko sanang isipin.

"I knew it. Okay lang. Hihintayin ko nalang kung kelan ka sasagot sa tanong ko.

I slightly smiled then I hugged him.

Sana ganun nalang kadali ang lahat para satin.

***

VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE

FB: marimarbelenario@yahoo.com

IG: @marimaraaww

TWITTER: @marimaraaww

&quot;Ang Boss Kong Artista&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon