Chapter Three

3.3K 132 4
                                    

***

Naalimpungatan ako at napabangon. Tumingin ako sa paligid. Teka? Nasaan ako? Pinikit pikit ko pa ang mata kong pupungas pungas. Oo nga pala. Nandito ako sa bahay ng amo ko.

Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa wall. 6:30 na pala? Ang haba ng tulog ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas.

Napansin kong nakaawang ang pinto ng kwartong nasa harap ng kwarto ko. Sumilip ako. Walang tao. Dahan dahan akong pumasok sa loob. Tinignan ko ang paligid. Puro shades of black, gray and white. Ang lungkot ng mga kulay.

Nagawi ang tingin ko sa mga picture frames. May nakita akong isang batang babae at isang batang lalake na masayang magkaakbay sa litrato. Napatingin pa ko sa isang frame ng lalake. Wait... Pamilyar ang mukha nya. Saan ko ba sya nakita?

"Who are you and what are you doing inside of my room?"

Nagulat ako sa boses nya kaya naman nabitawan ko ang frame at nasanggi ko pa ang frame ng dalawang bata na magkaakbay sa picture, nabasag ang mga ito. Dyusko! Kill me now! Kill me now!

"Bakit mo binasag ang picture namin ni Mingming!"- sigaw nya.

"S-sorry... Hindi ko sinasadya."- sabi ko habang nakatungo at pinupulot ang mga basag na salamin.

Napatigil ako dahil may mga tubig na pumapatak sa sahig. Saan galing yon? Unti-unti kong inangat ang tingin ko sakanya at halos manigas ako sa pwesto ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH! Bastos! Bastos! Maniac! Pervert!"- sabi ko habang pinaghahampas sya sa braso. Paano ba naman nakatopless sya. Yung tuwalya nakapulupot lang sa bewang nya.

"O-ouch... Stop it... Stop... Ano ba? Tumigil ka na!"- hinawakan nya ko sa magkabilang braso ko. Napatitig naman ako sakanya. Namesmerized yata ako sakanya. Saan ko ba nakita ang lalake na ito?

"Tsk."

Hinila nya ako at pinaupo sa kama.

"T-teka... A-anong plano mo sakin?"

"Pwede ba? Wag kang ilusyonada! Wala akong gagawin sayo! Tsk."

"Aba! Kapal mo ah! Sino ka ba?"

Hindi na sya nagsalita. Lumapit sya sakin na may bitbit na first aid kit.

"Anong gagawin mo dyan?"

"Para sa katangahan mo!"

"S-sinong tanga?"- sabi ko.

"Ikaw!"

Tampalasan pala talaga ang bibig ng isang ito. Ang talas ng dila! Kainis! Magsasalita pa sana ako kaso hinila nya na yung kamay ko. Oh my! Hindi ko man lang naramdaman na nasugatan na pala ako sa bubog ng frame. Manhid na ba ko? Pero bakit para akong nakuryente sa hawak nya? Teka? Baliw na yata ako! >_____<

Mabait naman pala sya kahit papaano...

"Labas na!"- sabi nya ng matapos nyang gamutin ang sugat ko.

"Th--------."

"Labas na sabi eh!"- hinila nya ko at itinulak palabas at isinarado na ang pinto. Binabawi ko na. Hindi sya mabait! Period.

Bumaba na ko at naabutan si Manang Tess sa Dining Room na nagpiprepare ng dinner.

"Maine, gising ka na pala? Gutom ka na ba?"

"Manang Tess, bakit po hindi nyo ko ginising?"

"Gigisingin sana kita ang kaso naman mukhang mahimbing kang natutulog. Naisip ko na baka pagod ka kaya hinayaan nalang kita."- sabi nya.

"Let me help you, Manang."

"Wag na, Maine. Hindi ka katulong dito. Maupo ka na lang at matatapos na rin naman ako."

Kagaya ng sinabi ni Manang ay naupo nalang ako.

"Manang, can I ask you a question?"

"Oo naman, Iha. Ano ba yon?"

"Sino nga pala yung lalake doon sa ma---------."

"Alis! Pwesto ko yan!"

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.

"Marami namang upuan ah! Bakit dito mo pa gusto?"

"Pwesto ko yan!"

"Naku, senyorito wag nyo namang awayin ang bago nyong assistant. Maine, lipat ka nalang sakabila."

"What?/Senyorito?"- magkasabay naming sigaw.

"Mabuti naman at magkakilala na pala kayo."

Bumaba sa hagdan si Sir Albert. Papalapit na sya samin.

"Kumpleto na tayo at pwede na tayong kumain."

Lumipat ako sa kabilang upuan na katapat nya. Katabi ko naman si Manang Tess. Sa gitna naman nakaupo si Sir Albert. Ang haba ng lamesa dito. Yung katulad ng sa The Last Supper.

"So, how's your first met?"- tanong ni Sir Albert.

"I told you. Hindi ko kailangan ng assistant. Hindi na ko bata."

"Mas maganda pa rin yung may nagbabantay sayo at baka mamaya kung ano na naman ang gawin mong katarantaduhan."

"Shut up, old man!"

Napatingin ako sakanya. Gosh! Paano nya nagagawang bastusin ang papa nya? Ako nga ni minsan hindi ko nasagot si papa ng ganyan kahit sabihin na nagtatampo ako sakanila dahil lagi silang nakafocus sa business nila. But this young boy in front of me... sobrang rude. Kailangan nya talagang maturuan ng leksyon.

"How could you na bastusin sya ng ganyan? He is your father!"- sabi ko.

"Ano bang pakialam mo?"

"May pakialam ako dahil ako ang assistant mo! Wag na wag mo ng uulitin yon kung hindi..."

"Kung hindi ano?"- wala akong maapuhap na sabihin. Napabuntong hininga nalang ako. Bigla syang tumayo. "Nawalan na ko ng gana."

"Hey! Come back here! Alden, bumalik ka!"- sigaw ng Daddy nya.

Wait... Alden? Saan ko ba narinig ang pangalan na yon?

"Iha, pasensya ka na sa inasal ng anak ko. Yan ang dahilan kung bakit kita hi-nire bilang assistant nya. Maturuan mo sana sya ng tamang asal."

"Okay lang po, Sir... Aay, Tito Albert pala, pero bakit nyo po sya tinawag na Alden? Pangalan nya po ba yon?"

"Oo, pangalan nya yon. Sya si Alden Richards. Artista sya, hindi mo ba namumukhaan?"- nabitawan ko ang hawak kong spoon and fork.

Shoot! Sya yung sikat na sikat na artista. Bakit ko ba nakalimutan yon? May alzheimers na siguro ako. Kailangan ko na sigurong magpatingin sa duktor.

"Are you okay?"

"Ayos ka lang, Maine?"

"Opo, Don't mind me. Ayos lang po ako."- sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.

***

VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE

FB: marimarbelenario@yahoo.com

IG: @marimaraaww

TWITTER: @marimaraaww

&quot;Ang Boss Kong Artista&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon