***
Magang-maga na ang mga mata ko sa kaiiyak dahil sa mga ipinaliwanag nila sakin. Fifteen years! Fifteen years akong nawalan ng ala-ala. Ni hindi ko man lang naalala si Dingding. Ni hindi ko man lang nalaman na patay na pala ang Mommy nya dahil sa car accident na nangyari samin. Ni hindi ko alam na nagpunta sya abroad kasama ang family nya matapos ang trahedya. Saan ko sya hahanapin? Paano ko sya makakausap? At kung sakali man na makaharap ko sya. Ano ang unang-una kong sasabihin sakanya?
Hello Dingding ako yung kababata mo na nakasama mo sa car accident dahilan kaya namatay ang Mommy mo?
Ganyan ba? Ganyan ba ang dapat kong sabihin? Aba! Ang kapal naman ng mukha ko! Ni hindi ko sya nadamayan sa mga panahon na malungkot sya at nagluluksa sya sa pagkamatay ng Mommy nya.
Pinaliwanag rin ni Lola ang tungkol sa pagpapanggap nya na may sakit sya kahit wala naman pero naintindihan ko na naman yon. Nagawa nya lang yon dahil sakin. Hindi ako galit sakanya. Actually, proud ako na nagkaroon ako ng Lola na handang gawin ang lahat para sa akin. Isa pa, naglayas ako dahil ayokong magpakasal sa isang taong ipinipilit nila sakin... at higit sa lahat, may tao akong mahal at hanggang ngayon ay minamahal.
Ngayon natatandaan ko na ang lahat. Lahat-lahat. Ano ng kailangan kong gawin? Ano ba ang dapat kong gawin? Masyado ng magulo ang sitwasyon na kinalagyan ko. Nahihirapan na ko.
Ilang linggo na rin simula ng makauwi ako. Sobrang daming nagbago. Gusto kong puntahan si Alden pero hindi ko magawa. Wala na akong mukhang maihaharap sakanya. Pati sa Daddy at Lola nya na naging mabait sakin.
Bakit ganito ang nangyayari sakin? Kinakarma na ba ako dahil sa hindi ko man lang natulungan si Dingding? Parusa ko ba ito? Pero wala naman akong alam. Wala akong natatandaan ng mga panahon na yon! Bakit nangyayari sakin ang lahat ng mga ito?!
Bukas ay makikipagkita naman kami sa lalakeng inirereto nila sakin. Hindi magawang macontain ng utak ko ngayon ang mga mangyayari bukas. Paano na ko? Paano na si Alden? Paano na kaming dalawa? Ang sakit sa pakiramdam. I thought magiging okay ang lahat para sakin. Akala ko kaya ko. Pero akala ko lang pala lahat yon. Dahil ang totoo nagpapanggap lang ako. Nagpipretend lang ako sa harapan nilang lahat na ayos lang sakin ang mga nangyayari kahit na ang totoo ay sasabog na ko. Parang hindi ko kayang igive-up si Alden. Parang ayoko ng tuparin ang usapan namin ni Lola.
Narinig kong may kumakatok sa pinto.
"Sino yan?"
"Si Lola ito."
"Pasok po."
Binuksan nya ang pinto at naupo sa kama katabi ko.
"Apo ready ka na ba para bukas?"
"Sa totoo lang, Lola hindi po. Hindi po ako ready."- tuluyan ng nabasag ang boses ko. Niyakap nya ko.
"Sige apo, iiyak mo lang yan. Alam kong mahirap pero alam ko rin na magugustuhan mo sya. Balita ko'y lumaking gwapo at mabait ang apo ni Nimfa. Naging barumbado nga lang daw dahil may problema dati pero bigla daw nagbago."
"Talaga po?"
"Oo, ang isa pa'y artista sya."- kinakabahan akong napatingin kay Lola. May phobia na yata ako sa mga artista.
"Artista?"
"Yes, apo. Pero hindi ko alam ang buong pangalan nya eh."
Napanod nalang ako sa sinabi ni Lola. Akala ko naman si... Argh! Wag mo na nga syang isipin NICOMAINE! Hindi kayo ang para sa isa't isa! Period.
"Apo, wag mong gawing kumplikado ang lahat para satin. Tanggapin mo sya ng bukal sa iyong puso."
"Lola, wag po kayong mag-alala para sainyo, gagawin ko ito."
--
Tanghali na ng ako ay magising. Tinignan ko ang orasan. 10:30 na at 11 ang usapan namin. Oh my gosh! I nees to rush.
Mabilis akong nagshower at nagbihis hindi ko na kasabay si Lola dahil nauna na sya sa meeting place. Sa isang Italian Restaurant kami magkikita dahil favorite daw nila ng bestfriend nya ang Italian Foods. I love that too. Natuto akong kumain sa ganyan because of Lola.
Blangko ang isip ko. Parang hindi ko yata talaga kaya. Hindi nag-eexist sa isip ko ang magaganap mamaya.
Kaagad akong bumaba at nadatnan ko pa rin si Lola.
"Akala ko po ay nauna na kayo?"
"Apo, mauna ka na at magkikita pa kami ng kaibigan ko. Sabay nalang kami pupunta sa resto."
"Mauuna po ako eh hindi ko naman alam ang hitsura ng katatagpuin ko."
"That's okay, Iha. Basta hintayin mo nalang kami. I'll call you."
Napatingin ako kay Mommy. Yung tingin na puno ng lungkot. Tipid akong ngumiti.
"Aalis na po ako."
"Take care, anak."- sabi ni Mommy.
"In case na hindi agad kami makarating ang suot daw ng apo nya ay nakared na polo shirt at nakablack dennim pants."
"Okay po, Lola."- humalik ako sa pisngi nila bago tuluyang lumabas ng bahay.
Sumakay ako sa kotse ko. Oo may kotse talaga ako. Pinaandar ko agad ito at pinaharurot papunta sa meeting place.
***
VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE
FB: marimarbelenario@yahoo.com
IG: @marimaraaww
TWITTER: @marimaraaww
BINABASA MO ANG
"Ang Boss Kong Artista"
RandomHi and Hello po sa lahat ng ALDUB Fans. This is just a short story lang for them dahil sobrang SUPER FAN ako ng loveteam nila. Likha lamang po ito ng malikot kong imagination kaya sana po kung may free time kayo ay basahin nyo po and sana suportahan...