***
Exactly 11:05 ako dumating. Okay lang ma-late at late din naman si Lola eh. Hindi muna ako pumasok sa resto at naupo muna ako sa isang bench. 11:30 na pero wala pa rin ang lalakeng hinihintay ko. Maging si lola at ang bestfriend nya ay wala parin.
Tumungo nalang ako at nilaro ang maliliit na bato sa may paanan ko pero napaangat ako ng ulo at mas napaangat ako sa pagkakaupo ng mapansin ko ang isang lalakeng nakatayo na hindi kalayuan sakin. Nakared na polo shirt at nakablack na dennim pants sya. Halos maubusan ako ng hangin sa baga habang hinihintay ko na lumingon sya sakin.
Lord, ito na ba sya? Ito na ba ang mapapangasawa ko?
Napalunok ako. Unti-unti syang lumingon at halos mangilabot ako sa hitsura nya. Hindi ako pintaserang tao pero hindi rin naman ako hibang para magpakasal sa isang lalakeng malaki ang tiyan, bungal at maitim na kagaya nya. Kahit naman ganito lang ako ay hindi ko naman maatim na magpakasal sakanya. Tumawa sya sa may direksyon ko kaya napilitan din akong tumawa dahil sa baka isumbong pa nya ako kay Lola na inisnab ko sya.
Lord, baka naman po pwede akong magback out? Grabe, hindi ko yata maaatim na magpakasal sakanya.
Sunod-sunod ang lunok na ginawa ko ng lumapit sya papunta sakin at ibinuka ang mga kamay nya na para bang gusto nyang yakapin ko sya. Neknek mo!
Napapikit nalang ako at hinintay na yakapin nya ko pero natuod na ko sa kinatatayuan ko ay wala paring braso ang kumakapit sakin.
"Babe, sabi ko naman sayo wag kang aalis ng wala ako eh. Paano kung may mangyari sayo at sa baby natin."
Mabilis akong dumilat at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang lalakeng malaki ang tiyan na yakap ang isang babaeng buntis. What a savior! Anghel na pinadala ni God para sagipin ako. Habol ko ang hininga ko habang tinitignan ko silang naglalakad palayo.
Bigla namang nagtakbuhan at nagsigawan ang mga tao. Anong meron?
Tumakbo rin ako at nakiusisa. Nakigitgit din ako sa mga taong nagkakagulo.
Excuse po.
Padaan po.
Sorry po.
Makikiraan lang po.
Buwis buhay bago ko nakita ang pinagkakaguluhan nila.
Halos mamilog ang mata ko sa nakita ko.
Si... Alden...
At...
Nakared na polo shirt sya at nakablack na dennim pants.
Nagsimulang kumabog na parang tambol ang puso ko. Imposible!
Pero...
Bakit kasama nya si Dorris ?
"A-alden?"- napalingon sya sa gawi ko. Parang nagsirko ang puso ko sa tindi ng tuwa pero at the same time ay nahalinhinan ng lungkot. Ipinagpalit nya na ko sa iba. At higit sa lahat ay iba na ang mahal nya. Sino nga ba naman ako para mag-expect? Ako ang may kasalanan ng lahat. Wala akong karapatan masaktan dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Ako lang dapat ang sisihin sa mga nangyari.
Tumingin din sakin si Dorris. Pero hindi na katulad dati na may tinging nanunuya. Yung tingin nya ngayon ay puno ng sigla. Masaya sya. At alam kong dahil lahat yon kay Alden.
Tumalikod ako para pahirin ang mga luhang nagsimulang maglandas sa aking mga pisngi. Kahit masikip ay nagawa ko pa rin makalabas sa crowd kung saan napapalibutan si Alden at Dorris. How I wish na gwapo sana ang apo ng kaibigan ni Lola.
Hindi ko na mapigilan pa ang aking mga luha. Parang gusto ko ng umalis at ayoko ng makilala pa ang taong yon.
Tuloy-tuloy akong tumakbo pero may humawak sa braso ko.
"Ano ba?"- nalingunan ko si Alden. "Let me go."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ano bang pakialam mo?"
"Wala. May imimeet akong tao dito na sobrang special sakin. Ikaw?"
"Oh talaga? Edi goodluck."
Iwinasiwas ko ang braso ko at muling tumakbo. Ang kapal naman ng mukha nya at talagang sinabi nya pa yun sakin? Daig ko pa ang sinampal sa mukha.
Naudlot ako sa pagtakbo ng makita kong makakasalubong ko si Mommy, Daddy, Lola Natasha, kasama sina Tito Albert, Manag Tess at si... Lola Nimfa?
"Maine, apo! Nagkita na ba kayo ni Dingding?
"W-what?"
Parang tumigil ang paghinga ko ng mga sandaling yon. Masyadong nakakabigla ang mga rebelasyon na bumulaga sakin. Wag nyong sabihing...
"A-ano pong kinalaman ni D-dingding dito? At bakit po nandito kayo Tito Albert, Manang Tess... Lola Nimfa? D-don't tell me...?"
Nakangiti silang lahat sakin. Nagsalita naman si Lola Nimfa.
"Oo, Maine. Tama ka.
Si Dingding si Alden...
At sya ang future husband mo."
***
VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE
FB: marimarbelenario@yahoo.com
IG: @marimaraaww
TWITTER: @marimaraaww
BINABASA MO ANG
"Ang Boss Kong Artista"
RandomHi and Hello po sa lahat ng ALDUB Fans. This is just a short story lang for them dahil sobrang SUPER FAN ako ng loveteam nila. Likha lamang po ito ng malikot kong imagination kaya sana po kung may free time kayo ay basahin nyo po and sana suportahan...