Chapter Seven

2.7K 123 0
                                    

***

Back to Maine POV.

Nandito ako ngayon sa office ni Tito Albert. May pag-uusapan daw kaming importante. Alam ko na rin na nandyan sa labas ang Lola ni Alden. Kinakabahan ako sakanya pero hindi ko alam kung bakit.

"Maine, are you listening?"

"Po?"

"Space out ka yata."- hindi nalang ako nagsalita.

"Good Job, Iha."

"Thank you po Tito Albert.

"At dahil napagbago mo ang anak ko ay dadagdagan ko pa ang sweldo mo. Is 70 thousand per month is enough to you?"

"Wag na po. Masyado na nga pong malaki ang 50k eh. Hindi na po kailangan dagdagan."

"Sigurado ka ba?"

"Opo."

"Well, may isa nalang akong tanong sayo."

"Ano po yon?"

"Do you love my son?"

Hindi agad ako nakasagot.

Pero mas pinili kong sabihin ang totoo.

"I do love him."- sabi ko. "Pero hindi na po pwede."

"Why?"

"It's too complicated po."

"Ganun ba? O sige. Let's see kung anong mangyayari sa pagmamahal mo sakanya. Pero kung ako ikaw? Susundin ko ang tinitibok ng puso ko."- yun lang bago sya nagsway patalikod sakin.

Nag-inhale. Exhale muna ako bago ako lumabas. Ang Lola naman ni Alden ang dapat kong harapin.

Naglakad ako palapit sakanila.

"Magandang Umaga po, Lola"- bati ko. Napatingin sakin si Lola na parang ineeksamin ako mula ulo hanggang paa. Kinuha ko ang kamay nya at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos, Iha."

"Now I know kung bakit ka hi-nire ni Albert. Ang swerte talaga namin."- ano daw? Wala akong nagets.

"D-dito ka nakatira?"- tanong nya.

"Yes po. P.A po ako ni Alden."

"Anong buo mong pangalan?"

"Nicomaine Mendoza po."

Malapad syang ngumiti. Kikilabutan na ba ako?

"Kailan ka pa rito?"

"More than a month na po."

"Alam ba sainyo na nandito ka?"- bigla akong kinabahan sa way ng pagtatanong nya. May alam ba sya?

"A-ano pong ibig nyong sabihin?"- halos nauutal kong tanong.

"W-wala. Nevermind that."- huminga ako ng malalim bago pilit na ngumiti. "Natutuwa ako na naririto ka at ikaw ang naging P.A ng apo ko."

"Wala pong anuman, Lola."

"Bueno. Dito na rin muna ako mag-sstay."- sabi ni Lola. "Is that okay with you, Alden?"

"Y-yes, La."- sagot naman ni Alden.

Nakatingin lang sakin ang Lola ni Alden. Ano ba yan. Tunaw na yata ako.

Ngumiti lang ako sakanya. Namimiss ko na si Lola Natasha.

"Bakit bigla kang lumungkot, Iha? May dinaramdam ka ba?"- tanong ni Lola

"Bigla ko lang pong namiss ang Lola ko pagkakita ko sainyo."

"Mukha kang Lola's girl just liked Alden Lola's boy naman."

"Opo. At love na love ko po ang lola ko."

"Dapat talagang mahalin ang mga Lola."

"Tama po kayo."

--

Nagkukwentuhan kami habang nakain pero si Alden kanina pa tahimik. May problema kaya sya? Sana naman wala.

"Sana magtagal ka rito, Maine."- sabi ni Lola.

"No!"- nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Alden.

"Bakit Alden?"- tanong ni Lola sakanya.

"Dahil hindi ko kayang makasama ng matagal ang isang taong pera lang ang habol sakin."- nagwalk out sya.

Naiwan kaming lahat doon na naguguluhan. Tumayo ako at sinundan sya.

Isasara nya na ang pinto ng humarang ako.

"Alis!"

"Ano bang problema mo?"- tanong ko.

"It's none of your business."- binigay ko lahat ng pwersa ko para maitulak ang pinto.

"Ano ba? Umalis ka na nga!"- sigaw nya.

Naiiyak akong tumingin sakanya. "Pwede ba wag kang umarte sa harap ko!"

"Hindi naman ako umaarte ah! Ano ba kasing problema mo?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo---."

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Tama si Dorris. Isa kang Gold Digger at Social Climber!"- umigkas ang palad ko papunta sa mukha nya.

Pati ako nagulat sa ginawa ko. "S-sorry A-alden hindi k-ko----."

"70 thousand ba ang halaga ko sayo?"

Hindi ako nakahuma sa sinabi nya.

"Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil totoo diba? Akala ko kaya ka malapit sakin ay dahil sa mahal mo rin ako yun pala pera lang ang habol mo sakin. Ako ang aktor dito Maine pero hindi ko alam na mas magaling palang umarte ang P.A na katulad mo."

"Hindi totoo yan."- sigaw ko sakanya habang naiyak.

"Narinig ko lahat. Kaya wag ka ng tumanggi."

"Mali ka ng pagkakaintindi. Hindi mo ko maiintindihan kahit ipaliwanag ko pa sayo."

"Eh di ipaliwang mo ng maintindihan ko!"- he yelled at me.

Tuluyan na kong napaluhod sa sahig.

"S-sorry... Alden, p-patawarin mo k-ko."

"Umalis ka na. Umalis ka na hangga't nakakapagpigil pa ko. Ayoko ng... ayoko ng makita ka pa... kahit kailan."

Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit. Nagpaalam ako ng maayos sakanila at sinabi lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Alden. Pinigilan pa ko ni Tito Albert, Lola at Manang Tess pero hindi ako nagpapigil.

Kailangan ko ng umuwi...

***

VOTE.FOLLOW.COMMENT.SHARE

FB: marimarbelenario@yahoo.com

IG: @marimaraaww

TWITTER: @marimaraaww

"Ang Boss Kong Artista"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon