Chapter 1 <3

1.5K 18 0
                                    

JULIA's POV..

Haay! Heto ako ngayon, nag hihintay sa pinsan kong si Kathryn Chandria Bernardo dito sa gitna ng crowded, malansa at napaka init na pier! Jeez!

Kung di  ko lang mahal ang bruhang yon kanina pako umalis dito eh! Tssk! Ako kasi  nautusan ni Mommy na sumundo sa kanya dito.

Actually, sinundo na  siya ng sekretarya ni Daddy dun, ako lang ang sasalubong sa kanila dito dahil busy, as usual, ang parents ko.

Galing si Kath sa Pinaka lublob na baryo ng San Joaquin sa Batanes kung saan hindi uso ang T.V, Cellphone, Internet o WiFi. Ang uso lang dun eh Radyo tapos late pa yung mga ine'ere nila. Aish! >,<"

Nakaka Baog dun swear! Naka punta nako dun 2 times. Masarap lang gawin dun eh, mag swimming dahil malapit sa dagat, that's all.

Simula ngayon kami na ang kukupkop kay Kath dahil kamamatay lang ng Auntie Delilah nung isang linggo.

Wala ng kasama si Kath dahil patay na din ang Tito Sammuel nung 5 pa lang si Kath, nag iisang anak lang siya..

Haay.. Naka ramdam tuloy ako ng sobrang awa sa pinsan ko. :( Sana maging masaya siya dito. Di ko siya pababayaan promise ko yan. :) Go Julia!

Nag aral naman si Kath, Hanggang grade 4 nga lang dahil hindi na daw bumalik yung Volunteer Teacher dun na siyang nag tuturo sa kanila.

Imagine, garde 4 pa lang siya pero 11 years old na siya. Matanda ako sakanya ng isang taon. Pag aaralin namin siya at bibigyan ng mgandang buhay.

Siguro, nagtataka kayo kung bakit mayaman kami habang sila naman eh mahirap. Ganito kasi yon.. Ang Mommy at ang Nanay ni Kath eh mag second cousin (Bali mag pinsan kami ni Kath pero malayo na).

Ang Mga Lola kasi namin ay mag pinsang buo, ang mga Lolo naman namen, na pinakasalan nila, eh hindi pantay sa estado ng buhay, ang Lolo ko ay mayaman ang angkan kaya ganun.

Heto na pala siya eh. Finally! -.- 

Sumakay na kami sa kotse at umuwi na. Pagod 'toh for sure, tulog agad eh! ~3~

KATH's POV..

May yumuyugyog sa balikat ko.. Napa balikwas ako ng bangon at tumingin sa paligid. Nakita ko si Ate Julia, oo ate dahil matanda siya ng isang taon sakin.

Naka ngiti siya sakin. Napangiti na din ako kahit mejo nagulat ako.

"Andito na tayo Kath. :)) Hinihintay na tayo ni mommy sa loob. Tara pasok na tayo." Sabi niya saken.

"Ah.. Sige Ate.. Este, Pinsan pero kunin ko lang gamit ko sa likod ng sasakyan niyo." Hmmn.. Ayaw na ayaw niyang tawagin ko siyang ate eh. Hehe.

"Kanina ko pa pina akyat sa magiging kwarto mo yung mga gamit mo cous. Tara na." Sagot lang niya sakin habang naka ngiti pa din.

Lumabas nako ng sasakyan nila at ngumiti sakanya. Pag labas ko, napa nganga ako. O_O Wow! Ang ganda! Sooobrang ganda ng bahay nila. ^___^

Ang laki at halatang mamahalin lahat ng mga halaman na naka tanim sa iba't ibang parte ng labas ng bahay nila.

"Wow ate! Ang ganda naman ng Bahay niyo! Ang laki at ang gaganda ng mga naka tanim na halaman dito. Ang saya! Ngayon lang ako naka kita neto." Namamangha pading sabi ko sakanya. :D

Natawa lang siya sakin at hinawakan niya kamay ko at pumasok na kami ng loob ng bahay.

Mas lalo akong napanganga sa lawak ng Bahay nila sa loob. *o* Ang gagara ng mga kagamitan at sobrang kintab ng sahig nakakatakot apakan baka mabasag.

Natawa si Ate Julia sa reaksiyon ko. Sorry naman eh mahirap nga lang kasi kami. -__-

"Eto. Simula ngayon eh bahay mo na din ito Kath. :) Ituring mo nang bahay mo 'to, ituring mo na akong kapatid mo at ituring mo na ding magulang ang mga magulang ko." Sabi niya saken pag pasok namin.

Na iiyak ako at napayakap sa kanya. Sobrang ang saya lang. :')))

"Oh? iiyak ka nanaman? Kath naman papangit ka lalo niyan.. HAHAHA! Joke!" Sabi niya sakin na may himig pagbibiro.

Hindi lang kasi ako sanay. Ewan ko nga ba, kanina pako iyak ng iyak. -__-

"Ang saya saya ko Pinsan. Salamat ha?" Niyakap niya din ako at tumango lang sabay ngiti. :">

"Wala 'yon Kath. Tsaka, wag mo na kasi akong tawaging ate o pinsan o ano pa man! Parang nung bata tayo.. Tawag mo lang sakin non Julia okaya Juls. HAHAHA!"

"Osige Juls." Sabi ko at nag tawanan kaming dalawa. :D

Nakita ko si Tita na palapit samin. Tumakbo ako sakanya at yumakap.

"Tita Carla!" Sigaw ko.

"Welcome home Kath! At ikina lulungkot ko ang nangyari sa mama mo."

"*huk* Salamat po *huk* tita. HUHUHU! :"<" Sabi ko at hindi ko na napigilang mapa iyak at suminghot.

"Move on Kath. Tara sa kusina kumain na tayo at ng makapag pahinga na kayo."

"Tara na Kath." Sabi ni Julia sakin

Ang saya ko. Hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko. Tanggap na tanggap ako ng pamilyang ito. Nakak iyak. HUHU. :"<

Habang kuma kain kami sinabi sakin ni Julia na bukas daw aalis kami. ililibot daw niya ako sa Maynila at ipamimili ng mga gamit ko, aayusan ako at i'eenroll daw ako sa paaralan niya.

"Nakaka hiya naman Julia, nakaka hiya kay tito at tita." Sabi ko sabay tingin sa baba. (_ _)

"Ano ka ba! Magagalit ako sayo kapag pinag patuloy mo yang hiya hiya mo na yan." sabi niya saken.

"Oo nga naman Kath. Diba kami na ang bago mong pamilya ngayon? Kaya wag ka nang mahiya. Hayaan mo na lang si Julia sa gagawin niya, ok?" Sabi sakin ni tita carla at ngumiti.

"Opo." Ngumiti na din ako sakanila. :)

"See? Pati si Mommy agree. Naku Kath! Walng hiya hiya saken ok?" Sabi pa ni Julia

"Ok JULS. HAHAHA!" Tawa ko at tumawa nadin sila Tita at Julia.

 Pagkatapos naming kumain inihatid nako ni Julia sa Kwarto ko. Grabe! Sa pangatlong pagkakataon, napa nganga nanaman ako. Malaki pa tong kwarto ko kesa sa bahay namin sa batanes tapos ito may sarili pang banyo. Humiga ako sa kama.

"Ang lambot Juls!" Sigaw ko at tumayo tapos nagtatalon. HAHAHA! Pasensya na first time ko eh.

"HAHAHA! Ikaw talaga kath. :D Osige na matulog kana muna ok? Pero bago ka matulog maligo kana muna. Amoy maghapon ka na eh. HAHAHA!" Biro niya sakin. di naman ako nasaktan kasi totoo naman. HAHAHA! :D

"Osige. :) Salamat ulit." Yakap ko ulit sakanya.

Pag labas ni Julia kumuha nako ng damit at pumunta sa banyo ng kwarto ko.

Teka.. Pano na nga ba gamitin to? :-| Hala ka! Pano ako maliligo neto diko alam. :((( HUHU!

Pinindot ko yung sa tapat nung parang maliit na swimming pool, tapos lumabas yung tubig sa may maliliit na butas na naka sabit sa taas.

Nagulat ako. Pero siguro eto na yun. Natuwa ako kaya pinatay sindi ko. HAHAHA! Grabe! Ganito pala sa maynila.

Mamaya pag nakita ko si Julia tatanungin ko siya pano gamitin 'to.

Pagkatapos kong maligo, nagpatuyo nako ng buhok at humiga sa kama hanggang sa.. (+_+)Zzzz

--------------------------

My Probinsyana GirL ( KathNieL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon