Chapter 6

751 14 0
                                    

Daniel's POV

Lumabas nako ng garden. Nakita ko na magkasama si Julia tsaka si kath kaya lumapit ako.

"Hi Bes. How's the party?" tanong ko sakanya. 

"the party is going well, ang dami na ngang tao eh"sagot niya saken tapos ngumiti siya.

"ah I see" sagot ko. 

"ah Juls, akyat muna ako. Masama na pakiramdam ko eh, masakit narin kasi tiyan ko eh. Nagtatae  atah ako"natawa ako sa sinabing yun ni kath. Kadiri!><

Wala talagang manners 'tong babaeng ito. Sinabi niya un sa harapan ng ibang tao.

"ha?! kakastart palang ng party eh. Are you sure??" she looked at her with a worried look.

"hmm. oo eh. masama na talaga pakiramdam ko"tas ngumiti siya. tsh! she's spoiling the night.

Alam ko namang gusto lang niyang magpapansin sa bestfriend ko eh.

"gusto mo samahan kita??" sasama na naman sakanya si Julia? wait! pano ako? maiiwan ako dito? NO WAY! tinignan ko ng masama si kath. >.>

"huh?! hindi! hindi na. Dito ka lang enjoyin mo ung party. Okay lang ako." ngumiti siya. Haha! nakahalata ata na ayaw kong paalisin si Julia. sinamaan ko kasi siya ng tingin eh. >:-D

"No hindi pwedeng mag isa ka lang. Wait here I'll call yaya para samahan ka niya" tas umalis na si Julia para tawagin ung yaya niya.

Tsh! aalis rin pala siya. Unfortunately, kaming dalawa ng panget na 'to ang magkasama.Badtrip!

"Hoy!" pasigaw na tawag ko sakanya. Alam ko magagalit si Julia pag nalaman niya 'tong gagawin ko.

'di bale, magkakabati din naman kami kaagad kasi bestfriends nga kami eh. haha!

"bakit DeeJ?" sumagot siya pero hindi siya tumingin saken.

Wait, Naiiyak ba siya? Geez!

"pwede pag magkasama kami ni Julia wag ka munang umepal? Simula ng dumating ka dito kayo nalang lagi magkasama. Nakakainis kana eh." pasigaw na sagot ko sakanya. Aish! totoo naman kasi eh. Sila nalang lagi magkasama ni Julia.

Linawin ko lang ha? Wala akong gusto kay Julia. BESTFRIENDS lang talaga kami. It’s just that, nasanay kasi ako na ako ang center of attention.

Mula kasi ng dumating si Kath lahat ng atensyon napunta sakanya. Unfair!

Mas mayaman naman ako sakanya ah? Aish! Banas lang! >,<"

"Okay DeeJ" sagot niya.

DeeJ? what the hell?? hindi naman kami close eh. Bat tinatawag niya ko sa nickname ko. Feeling close?? >:P

"And please??? For heavens sake! Wag mo kong tawagin sa nickname ko. HINDI tayo CLOSE' okay?"  inemphasize ko talaga ung "hindi tayo close" well, totoo naman kasi na hindi kami close eh.

Hey wait! Umiiyak ba siya? What the?! ganun na ba ako kasama sakanya para umiyak siya or sobrang sensitive lang talaga niya? pag nalaman ni Julia 'to mag aaway kami. Hindi pwede yun.

Ano, siya nanaman papansinin? Hindi pwede yun! Pa epal talaga oh! >:-|

"Sige 'Young Master'." sagot niya tapos ngumiti sya saken. Fake smile?! I Don't Care!

"Good" sagot ko sakanya. Nakita ko si Julia na papalapit kaya kinausap ko ulit si kath.

"Hoy! wag kang magsusumbong kay Julia tungkol sa sinabi ko kanina. Pag nalaman niya 'to lagot ka saken." sinamaan ko ulit siya ng tingin. tapos nag "Oo." lang siya tas ngumiti pa. Weird!

"kath, mauna kana daw umakyat sa kwarto mo.. Susunod nalang daw si yaya at ikukuha ka ng gamot para umayos na yang tiyan mo." tapos niyakap pa siya ni Julia. Ay? Ang drama ah!

"sige Juls, enjoy the party" paalis na sana siya ng bigla siyang hilahin ni Julia.

"hey kath? umiyak ka ba? what's the problem? tell me.."

*dug.dug.dug.dug*

.. kinakabahan ako baka magsumbong si Kath kay Julia. Pag nagkataon mag aaway pa kami ng bestfriend ko. ~.~

"Ah... Wala 'to. Yu- Yu- Yung nilagay mo kasing kuwan.. ano.. Ah.. Yung nilagay mong contact lens sa mata ko mahapdi. Oo yun nga." tas ngumiti pa siya.

Wew! Buti naman at nagka intindihan kami ng panget na 'to. Yes! Di siya nagsumbong kay Julia. Magaling pang magpalusot ah? Tss! :D

"Ah. Ganun ba? Hm.. Sige, magpatulong ka na lang kay yaya na tanggalin agad yan. Wag ka matulog na suot yan okay? Mwa! :* " tas niyakap siya ni Julia. Tumakbo na siya paakyat sa kwarto niya.

"Sige. Pahinga ka ha? para maging okay na pakiramdam mo" pahabol na sigaw ni Julia. Tapos ngumiti saken si Julia. Wait antrip neto?

"Bakit bes?"tanong ko sakanya. Ang lapad kasi ng ngiti nya eh.

"Buti hindi na kayo nag away ni Kath?" tanong niya saken.

"Diba I promised na magiging mabait nako sakanya as a sign of respect ko sayo?" sagot ko sakanya tapos niyakap niya ko bigla. O_o

"Good! Keep that promise para wala tayong problema."naka ngiting sagot niya saken.

"Okay, as you wished !" tapos hinila ko siya dun sa maraming tao.

"But for the meantime, let's enjoy the rest of the night." mag paparty ako magdamag. Ayoko munang isipin yung panget na probinsyanang babaeng un.

Nakokonsensya kasi ako sa ginawa ko kanina. Napaiyak ko siya . What the?! Iniisip ko na naman pala siya. Delete.delete! Haha! Weird. :|

--------------------------------------

My Probinsyana GirL ( KathNieL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon