JULIA's POV..
"Yes dad.." Kausap ko si daddy sa phone. Tumawag lang siya dahil nasa California pa siya dahil sa business ventures niya.
"Try to Convince Kath na sa new York mag aral Julia. Mas mapapa bilis ang progress niya dun." Sabi ni daddy.
"I'll try my best dad ok? Alam mo namang takot lumayo si Kath dad eh."
"Basta Baby gawin mo lahat ng makakaya mo."
"Ok dad."
"Ikaw ayaw mo ba talaga mag aral dito?" Ang kulit talaga ni daddy oh. :"/
"Dad naman! Err. Pa ulit ulit na lang po tayo eh. AYAW ko dad as in A-Y-A-W-K-O, ayaw ko. Kuntento nako dito sa pinas dad." Pinag dikdikan ko na sakanya.
"HAHAHA! Ok ok baby. I won't force you na. Basta si Kath ok? Ingat kayo ng mommy mo jan. I love you both."
"Yea Dad. Ikaw din ingat ka jan. Wag mo pabayaan self mo. Iloveyou dad."
"Ok 'nak. Bye."
"Bye." Sabi ko bago ko dinis'connect si daddy. Natawa na lang ako sa kakulitan ng daddy ko.
Hmmnn.. Magandang Idea yun ah? Mas mapapa bilis nga naman ang pagka tuto ni Kath kung sa New York siya mag aaral. Great Idea dad! Napa ngiti na lang ako. :)
Ngayon ang kailangan ko na lang ay ang mapilit si Kath na mag aral dun.. Bahala na. kakausapin ko na lng siya mamaya.
Ako pinipilit ni dad mag aral dun pero ayoko talaga. Una sa lahat, malayo ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, tsaka malulungkot lang ako dun..
Naisip ko tuloy bigla si Kath. Pano siya? Kung pumayag man siya, malulungkot lang siya dun. Pero para naman kasi sa kinabukasan niya to eh.
Aish! Bahala na. ><" Pwede ko naman siyang bisitahin dun kahit 3 or 4 times a year pa. Bahala na talaga. kaya mo yan Julia! :))
KATH's POV..
*Yaaaawn* :'O Anong oras na ba? Napa sarap ata tulog ko. Anlambot kasi ng hinihigaan ko eh.
Makaligo na nga at bababa nako, sabi kasi ni Julia maaga daw kaming aalis para marami kaming mapuntahan at mapamili.
Binuksan ko na yung shower, Oo! :) Alam ko na tawag dun sa binuksan ko kahapon. Shower pala yun. Tapos yung parang maliit na swimming pool pala eh Bath tub. Hahaha!
Nakaka Enjoy kasi habang tinuturuan ako ni Julia kagabi nilagyan nya yun ng tubig tapos mag babad daw ako.
Madami pa siyang tinuru sakin at mga pinalagay sa katawan ko tulad ng Body Scrud, Facial foam, Bath Oil, Lotion at madami pa.
Naku! Kaya pala maganda ang balat niya kasi madami siyang pinapahid. :)
Pag baba ko andun na daw sila Tita and Julia sa kusina, Grabe! Nakaka ligaw yung bahay nila. Nung makita ko sila Julia naka kunot noo nila.
Huh? May mali ba sa suot ko? Hm. Baka naman nagulat lang sila?
"Uhhh.. Bakit po?" Tanong ko nalang.
"Bakit ganyan suot mo Kath?" Aish! >< Oo nga naman. Kumpara sa suot ni Julia muka akong katulong. Pero di naman ako nasaktan.
"Look. Don't get me wrong ok? Hm. Ayaw ko lang na pagtawanan ka ng mga tao pag labas mo kaya..." Hinawakan niya kamay ko at hinila ako.
"Teka Juls, san ba tayo pupunta?" Hila hila niya ako pa akyat ng hagdan.
"Basta Kath sumunod ka na lang sakin. Punta tayong kwarto ko." Aish! Ano ba yan. ><"
Pag dating namen sa kwarto niya binuksan niya yung aparador niya tapos yung aparador niya may pintuan pa! Wow hanep! Mas malaki kwarto niya sa kwarto ko.
May salas pa siya, eh yung akin wala naman. Ang ganda.
"Ang laki ng aparador mo Juls. Tapos may salas ka sa kwarto mo." Manghang sabi ko sakanya.
Tumawa siya bigla. Luh! Anong nakaka tawa sa sinabi ko? :-|
"HAHAHAHA! Ano ka ba Kath?! XD HAHAHA! Anong Aparador? Anong Salas? HAHA! :D ok. Ok. Eto hindi aparador (Sabay turo sa Malaking lalagyan ng damit) Ang tawag dito Walk in Closet. Maliit na Room para sa mga damit."
"Ahhhhh.." Sabi ko.
"At eto hindi sala (Sabay turo niya sa parang sala naman talaga) ang tawag dito, entertainment area." tapos Ngumiti siya saken.
"Ahhhh.." Sabi ko na lang ulit.
"Ang dami namang cheche bureche na salita Juls. Nakaka lito na."
"Wag kang mag alala Kath, malalaman mo din lahat yan kapag nag aral ka na. Oo nga pala! May sasabihin kami ni Mommy sayo mamaya pag baba naten."
"Hmmn.. Ano yun?" Tanong ko sakanya tapos lumapit siya saken at dinikit yung magandang damit sa katawan ko. Tinitignan ata niya kung babagay saken.
"Basta Kath. Mamaya na. Sa ngayon, pumunta ka na ng banyo at palitan mo yang suot mo." Sabay abot saken nung damit at magarang sapatos.
Paglabas ko ng banyo niya matapos kong suotin yung pina suot niya tumili siya at niyakap ako pagka kita niya sakin.
"Julia ang galing galing mo talaga!" Hala! Kinaka usap niya sarili niya.
"Ang ganda mo kath" Sabi pa niya sakin. Nagtawanan na lang kami.
---------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/5392184-288-k392736.jpg)
BINABASA MO ANG
My Probinsyana GirL ( KathNieL )
FanfictionBabalik ang Probinsyanang si Kathryn Jane Bernardo na may galit sa puso at planong paghihiganti sa antipatikong si Daniel John Ford PadilLa dahil sa pang iinsulto nito sa kanya noong bata pa sila. Maitutuloy niya ba ang binabalak na paghihiganti sa...