Chapter Two

93.7K 2K 134
                                    

Chapter Two


INAAYOS niya ang kanyang mga gamit sa BRIDGE Chemicals kung saan siya nagtatrabaho bilang isa sa mga chemist ng kompanya. She's been working her for so many years now at wala naman siyang reklamo sa kanyang trabaho. This is her façade, her mask, sa harap ng mga tao ito ang trabaho niya she is working well, well-paid too and yes this is her dream job... her clean job dahil kapag oras na ng uwian, isa sa isang linggo nagpupunta siya sa kanyang tunay na trabaho.

She's been working there for more than a decade now, since she was eleven and then now she's turning twenty six months from now at nandoon pa rin siya. Naging mabuti man ang pagtrato ng mga tao sa kanya doon still hindi pa rin siya palagay.

She was five when her parents sold her to GS, Generation Syndicate. Hindi na niya maalala ang mukha ng kanyang mga magulang, hindi na nga rin niya maalala ang mukha ng ga ito basta ang alam lang niya ay ibinenta siya sa ng mga ito sa kung anong dahilan malamang sa pera. Hindi na rin siya naghanap at hindi na rin siya nagtanong, kahit sa murang edad ay mabilis niyang maintindihan ang mga bagay- bagay.

Their grandfather... ang tawag nila sa leader ng GS na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita ang mukha maliban sa boses nito ang nagpalaki sa kanila. 'Kanila' dahil hindi lang siya ang 'grandchild' ng sindikatong iyon. Iyong ibang katulad niya nasa iba't ibang panig ng mundo, iyong iba may sariling buhay na, may sariling pamilya na rin. Normal lang naman kung tutuusin, kapag nakatapos na sila ng pag-aaral they are free to do whatever they want. They are free to choose the profession they want to have, they are free to be in a relationship, they are free to have friends, to buy what they want to buy, they are free to do the things they want to do even travel abroad... pero ang hindi pwede ay ang iwanan ang tunay na trabaho nila.

Generation Syndicate is an underground Drug business, they make drugs, they formulate drugs, hindi niya alam kung saan at paano nagsimula ang sindikato. They can actually bail out themselves sa tamang halaga... one hundred million is the cost of their freedom. Iyon na nga eh, sa mga mayayaman it's an easy money but for them it's a lot. Paano mo iipunin ang perang iyon? Iyong iba hindi na nagtatangkang umalis kasi malaki din naman ang bayad sa kanila.

Maswerte lang talaga siya dahil hindi siya dumaan sa dahas hindi katulad ng ibang mga tulad niya. Iyong iba ay pinatay ang mga magulang, kinidnap at kung anu-ano pa. Ang isa sa kinatatakutan ng mga katulad niya ay kapag nagkaroon sila ng pamilya at kapag naging matalino din ang mga anak nila, iyong sobrang talino tapos hindi pa siya nakakaalis sa sindikato awtomatikong mararanasan ng anak niya ang naranasan niya.

Kaya nga hindi minsan pumasok sa isip niya na magkaroon ng pamilya, ayaw niyang maging katulad niya ang anak niya. Isa siya sa mga taong gumagawa ng mga illegal na droga at ilang buhay na ba ang nasira niya? Disente siya sa unang tingin pero kung hahalukayin siya mas masangsang pa sa nabubulok na isda ang tunay niyang pagkatao.

Kung siya ang papipiliin ayaw naman niya sa buhay niya na ganito, inggit na inggit siya sa kanyang mga kaibigan na may normal na buhay at normal na pamilya pero ano ba ang magagawa niya kung simula pa lang ay iyon na siya. Kung noon pa mang hindi pa siya nagdalaga ay gumagawa na siya ng masama para lang mabuhay siya.

If she refused to make drugs, she'll be dead. Ang buhay nalang ang meron siya, ayaw niyang pati iyon ay mawala pa sa kanya.

"Okay ka lang?" napapitlag siya ng marinig ang nag-aalalang mukha ni Renz na nasa harap niya. Si Larrence Gilmore ang masasabi niyang isa sa mga naging ka-close niya sa Bridge Chemicals dahil mabait naman ito. Nagbago nga lang ang ugali nito five years ago ng mamatay ang boyfriend nito, hindi naman sa nagbago na masama mas naging tahimik at malungkutin iito hindi tuald noon na punong-puno ng buhay ang mukha nito. "Hoy!"

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon