Chapter Ten-B
NAGISING siya na masakit pa rin ang katawan niya, sinubukan niyang bumangon at saka napangiwi ng maramdaman ang kirot sa may bandang dibdib niya at sa balikat niya. Kunot-noong tiningnan niya ang kanyang sarili, she's still wearing the same shorts she wore before she went to her slumber but her shirt is different now. May gasa sa ibabaw ng dibdib niya at may nakabalot din sa braso niya.
She closed her eyes and tried to remember what happened last night and everything occurred to her. Dapat ay ipapakulong na siya ni Ashton pero mas pinili niyang mamatay keysa sa ito naman ang mapahamak. She should be dead by now pero bakit buhay pa rin siya? Nang hilahin kasi siya ni Ashton palabas sa laboratory niya ay pinindot niya ang cellphone niya upang tawagan si Ulysses. She needs help and he did helped her. Pero bakit buhay pa siya?
Sinubukan niyang tumayo kahit na kumikirot ang sugat niya ay kailangan niyang tumayo, napangiti siya ng maramdaman ang mga paglapat ng kanyang mga paa sa sahig. She's alive and then she felt someone's presence inside her room. Sa sofa ay doon nakahiga si Ashton, kung kanina ay napapangiwi siya sa sakit dahiil sa sugat na nasa katawan niya ngayon sunod-sunod na ang pagtulo sa luha niya na hindi niya napigilan.
Her cellphone beeped beside her, kinuha niya iyon at binasa ang text galing kay Ulysses.
Sorry can't kill you, ipagawa mo nalang pala sa iba pero masayang pagtripan ang lalaking bobo na mahal mo. I have all the rights in the world to tell him that he's really dumb because I am a God damn genius. You are alive for a reason and don't ask someone what reason it is kailangan mong malaman sa sarili mo ang dahilan kung bakit ka humihinga ngayon. Ikaw ang magdesisyon, huwag mong hayaan ang iba na magdesisyon para sa iyo dahil kami ang lalabas na masamang tao kung nagkamali ka dahil sa desisyon na ibibigay namin sa iyo. You are a matured young woman now, you can already stand on your own. Ginusto mong mahalin ang lalaking iyan, desisyon mo iyan panindigan mo. Huwag kang iiyak sa pagkakamaling ikaw mismo ang gumawa.
Nagmahal ka kaya alam mong masasaktan ka, ginusto mo pangatawanan mo. Ayokong makikita kang nagpapaawa dahil hindi bagay sa iyo at hindi tayo ganyan pinalaki. Kung naaawa ka sa sarili mo iyong ibang taong pagsasabihan mo ng problema mo maaawa lang sa iyo, hindi lahat sa kanila ay matutulungan ka minsan ay gagamitin lang nila iyan para sumaya sila.
You make your decision now. Matalino ka kaso nakakahawa ang kabobohan si Villaraga kasi ang napili mo fast loading yata iyan, Tsk. BOBO.
Gusto niyang matawa sa nabasang text mula sa kaibigan niya, nailing nalang siya kasi kahit kailan hindi naging mild ang pananalita ni Ulysses palagi itong may nasasabing insulto but he is really a good guy. He said he'd kill her but he can't, yes he can hurt her or them but he'll always be there to help them.
Tama si Ulysses, this time siya na ang gagawa ng sariling desisyon niya. May problema siya peor hindi ibig sabihin niyon ay katapusan na niya, problema lang iyan at kailan ba siya sumuko sa problema? Iiyak siya kasi masakit pero doon lang iyon, naaawa siya sa sarili niya pero hindi siya mabubuhay sa awa lang kailangan din niyang tulungan ang sarili niyang makabangon. She's a matured woman now.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa closet niya at kumuha ng maisusuot. This time gagawin na niya kung ano ang dapat, kung ano ang kahihinatnan ng desisyon niya tatanggapin niya. Mas mabuti ng gawin na niya ang nararapat keysa naman mabuhay siya ng puno ng guilt.
Alam niyang nandito pa si Ashton dahil binabantayan siya nitong hindi tumakas, naiintindihan naman niya ang pinanggagalingan nito. Tama ang lahat ng sinasabi nito, at tama din na pagbayaran niya sa batas ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/46029123-288-k826045.jpg)
BINABASA MO ANG
ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)
Short StoryTeaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak? Paano niya il...