Chapter Nine-A

79.2K 2.1K 127
                                    

Chapter Nine-A

"PURSIGIDO talaga iyang manliligaw mo na pasagutin ka." Biro ni Yvette sa kanya ng magawi siya sa coffee shop na pinapasukan nito bilang façade nito. Hindi niya alam kung bakit ito ang napili nitong trabaho samantalang pwede naman itong pumasok sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Yvette is very good with microorganisms, forte nito ang paggawa ng biological control agents. Naalala pa niya ng halos sabay nilang gawin ang thesis nila she works with drugs that can cure a certain illness habang ito naman ay buong field ng mga tulips na inatake ng isang klase ng fungi ang pinagtuunan nito ng pansin, and Yvette managed to rid of those fungi using a biocon, isang uri ng bacteria ang ginamit nito para alisin ng tuluyan ang mga bacteria.

It was a success, amazed na amazed siya sa ginawa nito dahil sa totoo lang mas gusto niyang hawakan ang mga chemicals dahil alam niyang walang buhay ang mga iyon. Ang mga mircrobes kasi masyadong sensitive, magkamali ka lang delikado na lalo pa at may mga buhay ang kinakalikot nito.

"So, sasagutin mo na ba?"

Humigop siya ng kape at saka umiling sa kaibigan niya. "Alam mong hindi pwede."

"Anong hindi pwede?" hinampas nito ang counter kaya napatingin dito ang ibang mga tao pero wala itong pakialam.

"Yve, alam mo ang rason. At saka kapag nagpasya akong umalis sa GS alam mong hindi ko pa kaya kulang na kulang pa ang naipon kong pera para tubusin ang sarili ko."

"Well, pwede naman kitang pahiramin at saka for sure pahihiramin karin ni Sydney ambag-ambag lang friend, pati na rin ni Clime at si Kee except of course kay Uly alam mo naman na kontrabida iyon sa buhay nating magaganda nainis siguro iyon sa mundo dahil hindi siya ginawang maganda." Yvette rolled her eyes, they already treat each other like family. Her sisters were her extended family she loves them and care for them pero ang mga ito kasi ang nakasama niya simula noong bata pa siya hanggang sa lumaki na siya. At lumaki sila na parang tunay na magkapatid lalo pa at pareho sila ng surname. All the numbered child sa batch nila ay pareho ng apelyido, they don't have their own identity their numbers are their own thing.

"Marinig ka noon patay ka."

"Keber sa kanya naiinis pa rin ako dahil ayaw niyang pautangin, naheartbroken lang at kung anu-ano ang bitter na ng buhay niya. Ang sarap tuloy niyang kantahan ng ganito, bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari singkamas at talong niya maliit, sigarilyas at mani, sitaw bataw patani, kundol, patola siya, upo't kalabasa at saka meron pa labanos mukha niya parang tasa-."

"Yvette itigil mo na kasi iyan baka marinig ka na talaga ni Ulysses magwala na iyon."

Tumawa lang ito ng malakas, "Hindi ako natatakot at sasabihin ko sa kanya na hindi naman talaga sila bagay ng anak mayaman na babaeng aso na iyon, para lang tetrahedrane ang feelings ni bitch, PLATONIC hydrocarbon you know."

Napailing nalang siya, "Mabuti nalang talaga at ako ang kausap mo or else magnonosebleed ang mga kaharap mo sa joke mo." Ito naman ang sumimangot.

"Corny na kung corny pinoy naman tayo eh, mahilig talaga tayo sa corny traits na iyan and infairness mas gugustuhin ko pang maging corny at totoo sa sarili keysa sa iba na nakokorny-han lang dahil iyon ang narinig nila sa iba at gumagaya lang sila para maging in, you know. Jologs ako eh, ha, you know." At ginaya pa nito ang tono ni Pacquiao sa mga 'you know' you know nitong linya. "Pero hindi nga lovelife mo ang pinag-uusapan natin dito this is a very crucial issue because come on isang Georgette Andres genius like me ang maiinlove na for the first time." Napahalukipkip siya. "How does it feels?"

"Scary."

"Eh?"

"Nakakatakot siya Yvette kasi alam kong may magbabago at baka hindi ko kayanin ang pagbabagong iyon."

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon