Chapter Three

83.2K 1.9K 93
                                    

Chapter Three


KANINA pa niya hindi nakakain ang pagkain na nasa harap niya dahil narin sa may isang taong walang pakundangan sa pagtitig sa kanya. Iniwan kasi siya ni Renz dahil babatiin lang daw nito ang mommy nito kaya naiwan siya doon kasama si Ashton. She sighed and looked at him.

"Pwede ba Mr. Villaraga huwag mo akong titigan please naiilang kasi ako." Nahihiyang ani niya dito.

"Dapat masanay ka ng tinititigan ka dahil after your make-over you will be the center of the attention."

Nailing nalang siya dito dahil wala talaga itong tigil sa kasasabi sa kanya tungkol sa kanyang make-over kuno. Kung alam lang nitong wala talaga siyang balak magpamake-over bakit ba kasi may taong tulad nito na mahirap paintindihin. Iyong klase ng taong sinabihan mo na pero ayaw makinig naiinis siya sa mga ganoong klaseng tao.

"G!" napakurap siya ng makilala ang boses na iyon at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita si Chloe. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwang ng makita ito dahil hindi na siya nag-iisa, iba pa rin kapag may kakilala ka sa isang lugar. Nasa tabi lang nito si Tryker na alalay na alalay dito, paano ba naman ang laki-laki na ng tiyan nito iba na talaga kapag kambal ang pinagbubuntis.

"Chloe." Tumakbo ito palapit sa kanya kaya mabilis siyang napatayo at siya na mismo ang lumapit dito, kung ano ang naging reaksyon niya ay ganoon din ang naging reaksyon ni Tryker na sobrang putla pa at parang hindi na humihinga. "Chloe naman huwag kang tumakbo baka mapaanak ka ng wala sa oras," takot na sabi niya tumawa lang ito.

"Excited kasi ako na makita ka dito, what are you doing here?" alalay na alalay siyang pinaupo ito sa upuan na inuupuan niya kanina. Ang mesa na inupuan niya ay pantatluhan, agad namang tumabi si Tryker sa asawa nito na kulang nalang ay paypayan.

"Si Renz napilit akong pumunta dito." tumayo lang siya sa likod nito. "Pero uuwi na rin ako mamaya-maya lang."

"Dito ka muna para may kausap ako." Ngumiti lang siya dito at umiling.

"I need to go home hindi ako pwedeng magpagabi ng husto wala kasi akong dalang kotse." Dahilan niya dahil may importante pa siyang gagawin sa bahay niya.

"Ihahatid ka na namin ni Rye-."

"Hindi na kailangan ma-a-out of way pa kayo, magtataxi lang ako. Babatiin ko lang si tita Amber tapos aalis na ako."





"...aalis na ako."

Pambihira talaga ang babaeng ito, kaya nga nasabi niya sa kanyang sarili na ito iyong tipo ng babaeng hindi niya magugustuhan. Napabuntong—hininga nalang siya dahil mas inuna pa nito ang ibang tao keysa sa sarili nito kung sabagay kung siya lang din ang nasa lugar nito mas pauunahin niyang paupuin si Chloe.

"Ashton, it's nice to see you again." Bati ni Chloe sa kanya.

"Mas inuna mo pang pansinin si Georgette keysa sa akin samantalang tayo ang halos magkasabay na lumaki." Nagkunwari siyang nagtatampo pero joke lang iyon sanay na rin naman siya sa mga kaibigan niya.

"Of course siya ang una kong nakita at ngayon lang kita nakita and I didn't know na magkaibigan pala kayo ni G."

"Oh no we are not friends, naawa lang sa akin si Mr. Villaraga kaya sinamahan niya ako kahit na busy siya."

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon