Chapter Eight-A

84.4K 2K 96
                                    

Chapter Eight-A


"GRANDPA." Bati niya sa nakamaskarang lalaki na nakaupo sa gitna ng lugar na iyon and just like anybody else she's wearing a mask too. Lahat sila ay nakasuot ng maskara upang hindi sila makilala ng kanilang mga kliyente na nandoon din. Hindi mawawala ang business sa isang party, pero kahit na nakasuot na ng maskara ay nakikilala pa rin niya ang iba doon. Ang iba ay mayayamang tao ng bansa, iyong iba naman ay nasa kinauukulan kaya nga sobrang tatag ng GS dahil sa mga pader na nakapalibot dito.

"Nice to see you GET 730." She's wearing a different outfit for the party, red and black just like Ainsley's fave outfit. It's red and black corset that shows her number, on her left arm may nakatatak na 730. It was her code number, siya ang ika-730 na nakuha ng sindikato, kapag nasa labas sila ay tinatakpan nila iyon ng isang cream upang hindi iyon mahalata. It's not a tattoo, it's really a mark... a burnt mark and the only way for them to rid off the mark is when they buy themselves from the syndicate.

Base sa mga naririnig niya, noong unang batch ng mga numbered child na tulad nila ay sapilitang kinuha mula sa kanilang mga magulang. The founder of the syndicate was a ruthless bastard who only loves money and nothing else, the new 'grandfather' is actually a bit different. Yes, he's still ruthless however he doesn't kill the children's family in a morbid way. Binibili sila mula sa kanilang mga magulang, kapag hindi pumayag ay gumagamit sila ng mga underhand tactics hanggang sa pumayag ang mga magulang nila at binibili sila sa malaking halaga.

Kapag nasa kamay na sila ng GS ay binibigyan sila ng magandang buhay, they dressed and feed them... but it doesn't mean that their lives were easy. When they reached their twelve birthday, a hot plate of numbers will be pressed on their skin. Para itong passport nila, kapag may tatak na sila ay pwede na silang lumabas sa compound a.k.a kulungan nila. Pero kapag natatakan na sila ay kailangan na nilang magtrabaho depende sa kakayahan mo.

Sa part niya maaga siyang nakatapos ng college dahil na rin sa tulong ng GS, sa ibang bansa siya nakapagtapos dahil doon siya pinag-aral ng mga ito. Ilang beses na ba siyang nagtangkang tumakas sa dami siya nalang mismo ang sumuko dahil kahit saan siya magsuot ay nakikita at nahahanap pa rin siya.

Pagkatapos niyang magtapos ay nagtrabaho na siya sa underground laboratory at gumawa ng illegal na gamot kasama ang mga batang tulad niya. Iyong iba naman ay gumagawa ng mga illegal na armas na ibenibenta sa ibang bansa at sa mga kilalang tao. Iyong iba naman ay binebenta sa iba-ibang pharmaceutical companies o sa ibang kompanyang nangangailangan ng serbisyo nila. And the only way out is for them to pay one hundred million pesos, for the rich it's just a small amount of money but for them it's their everything.

Her last hope is Hexel's help, matagal ng sinasabi ni Hexel na bibilhin siya nito sa GS pero siya ang umaayaw. Ayaw muna niya, that's when their plans came in. Kapag kasal na ang mga kaibigan niya, pag-uwi na pag-uwi ni Hexel siya naman ang aalis. Hexel will buy her and she will devote her life serving her friend.

"Binabati ka ni Grandpa." Untag ni Uly sa kanya, napakurap lang siya at yumuko sa harap nito.

"Good evening po."

"It's been a year since the last time I saw you Georgette, what a wonderful night isn't it?" she flashed her poker face, hindi pwedeng magpakita ng anumang emosyon sa harap ng mga katulad niya because showing emotions mean showing your weakness. Nasanay na rin siguro siya.

"Yes, grandfather."

"The same polite Georgette, how's your friends?" pinagdiinan pa talaga nito ang huling salita. "Are they fine?"

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon