Chapter Nine-C
"BAKIT kailangan mong gawin ito? Pwede ka namang humingi ng tulong kay Hexel hindi ba?" takang tanong ni Monique ng makita nito ang ginagawa niya sa loob ng kanyang laboratory. She filed her leave of absence for a week dahil gusto niyang ayusin ang gulong ito, wala siyang ibang choice kundi ang gawin ito.
"Hindi pwede dahil kapag ginawa ko iyon matatali na talaga ako sa utang na loob kay Hexel, ang laki na ng naitulong niya sa akin ayoko munang humingi ng tulong kung may magagawa pa naman ako." Paliwanag niya sa kaibigan niya.
"This is insane paano mong matatapos iyan eh dalawang araw nalang at kailagan mo ng matapos ito. Magkano ba ang kulang mo sa sindikato baka makatulong ako." Ngumiti siya kay Monique.
"Sixty two million."
"What the-." Malutong itong napamura. "Kahit na ilang ulit kong ibenta ang sarili ko hindi ko maiipon ang perang iyan seryoso ba talaga ang sindikatong iyan sa pinapagawa anila sa iyo?"
She chuckled at her. "Huwag na Monique tatapusin ko lang ito and two days from now matatapos na rin ang pagkakatali ko sa sindikato."
"Ginagawa mo ito dahil kay Ashton ganoon mo siya kamahal?" agad niyang narinig ang malungkot na tono ng boses nito. "But at least mahal ka rin niya, nakakaasar kayo."
"Ano ka ba makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa iyo." Alo pa niya sa kaibigan.
"May magmamahal pa ba sa akin? Iniwan na ako ni papa, galit sa akin si mama at hindi ko alam ang plano ni ate sa akin, tapos iyong kaisa-isang lalaking nagugustuhan ko ay halos isumpa naman ako sa galit niya sa akin. Pakiramdam ko wala na akong pamilya."
"Nandito naman kami o baka gusto mong tulungan kitang maghanap ng magmamahal sa iyo marami sa facebook o kaya naman sa twitter diyan, hindi ba uso iyan?"
Binato siya nito ng papel na tumama sa noo niya. "Baliw ka talaga Georgette, alam ba ni Ashton na baliw ka dahil kapag alam niya iiwanan ka talaga niya at pupunta siya sa poder ko. Hindi baling wala akong lovelife ngayon, hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa, may kaunti pa namang natitira hindi pa naman ako ganoon kadesperada para ipangalandakan ang sarili ko sa mga lalaki. Ayokong dumating iyong point na baka respeto ko sa sarili ko mawala ko pa iyon nalang ang natitira."
"That's why I admire you Monique, sa dami ng mga naranasan mo sa buhay hindi ka pa rin sumusuko, you remain strong."
"Takot din ako G alam mo iyan, nakakatakot magrisk kung alam mong walang pamilyang sasalo sa iyo kapag bumagsak ka. Kaya nga kailangan kong palakasin ang sarili ko dahil wala namang magtatanggol sa akin kundi ang sarili ko at thankful din ako sa sorority dahil sa inyo kahit papaano ay naranasan kong magkaroon ng pamilya kaya huwag niyo akong iwanan ha. Natatakot akong maiwanan eh."
"Ano ka ba bakit ka naman namin iiwanan? Hindi ba kahit wala si Hexel dito palagi siyang tumatawag sa iyo?"
Tumango ito. "She's like my older sister."
"Malaki din kasi ang naitulong mo sa kanya noong oras na buntis pa siya at sinasaktan siya ng asawa niya. Ikaw ang nag-alaga at nagtanggol sa kanya."
"Pero sumama naman siya ulit sa gagong iyon dahil akala niya ay hindi na siya nito sasaktan pero mas malala pa pala. Mabuti nalang talaga at hindi ko na nakita ang gunggong na iyon or else-." Nanggigil ito sa sinabi nito. "Naku talaga."
"Calm down Niq, tapos na iyon. I bet she's already happy now."
"Sana nga at sana bumalik na siya."
"Malapit na."
"Gusto ko pa siyang makita." Mahinang usal nito.
"Bakit? Saan ka naman pupunta?"
BINABASA MO ANG
ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaTeaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak? Paano niya il...