Chapter Eight-B
HINIHINTAY NIYANG magising si Georgette kaya habang ginagawa niya iyon ay naglibot-libot muna siya sa bahay nito. Ngayon lang siya nakapasok sa silid ng dalaga at isa lang ang masasabi niya, the color and the shade of her room seems so boring pero kung titingnan mong mabuti may pattern, matutuwa ka sa mga pattern.
Kinuha niya ang picture na nakasabit sa wall nito, isa iyong malaking picture na may sampung babae na nakasuot ng toga. Hindi siya pwedeng magkamali toga iyon ng Winhlan and saw G's picture smiling broadly infront of the camera. Sa katunayan ang picture na iyon ang pinaka-ayaw isabit dahil nga sa gulo-gulo silang lahat. Walang nakasmile ng maayos at may nakahandusay pa sa lupa, parang nagkastampede pero halata sa mukha ng bawat isa na masaya silang lahat. Kahit na Georgette, iyong ngiting hindi praktisado, iyong ngiting totoo, iyon iyong nasa picture.
May isa ding malaking picture na nandoon, binasa niya ang caption. "Winhlan University, Georgette Andres, BS Chemical Engineering Summa Cum Laude... holy shit!" matalino pala talaga si Georgette. Bumaling naman siya sa picture na nasa gitna ng silid, it's a younger picture of Georgette sa tingin niya ay wala pa siyang fifteen. Inisip niyang mabuti kung saang high school niya nakita ang toga na suot nito.
And then it clicked him, lumapit siya ng mabuti doon at binasa ang caption.
Harvard University, Degree in BIOMEDICAL ENGINEERING, Summa cum Laude.
Paulit-ulit na binasa niya ang nakasulat na doon, kinuha pa nga niya and everything seems so legit, hindi scam, hindi fake, talaga totoo ang nakalagay na picture doon at saka kung fake iyon for sure hindi iyon ilalagay ni Georgette doon. But she was too young, and the degree... and the school. Muli siyang napatingin kay Georgette.
"Don't tell me-." Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Ainsley. Only Ainsley can answer his questions right now. Mabuti nalang at sinagot agad nito.
"Kuya, bakit?"
"Si Georgette, is she normal?"
"What kind of question is that of course she's normal hindi naman siya autistic."
"That's not what I mean, I saw her graduation photos."
"What picture then?"
"Iyong bata pa siya."
"Sa Harvard? She's a genius kuya, hindi halata no? Matalino si Georgette hindi na niya kailangang ipagmayabang dahil nakikita naman sa gawa niya."
"So totoo nga?"
"Na genius siya? Paulit-ulit? Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng taong genius as in haller remember si Jair above average din ang IQ niya at genius din siya."
"Seriously?"
"Seriously! At bakit mo alam na may picture si G na ganyan? Unless pumasok ka sa kwarto niya?.... don't tell me pumasok ka sa silid ni G? Magnanakaw ka?"
"Sa lahat ng pwede mong sabihin magnanakaw pa talaga ano naman ang mananakaw ko sa silid ni Georgette na wala sa bahay ko."
"Bra at panty niya, may t-back din si Georgette diyan gift ni Diana noong nakaraang pasko ewan ko kung saan inilagay ni G. May nighties din siya diyan iyong red na favorite color mo, may panty din siya diyan na iyong slit ay nasa-."
"What the hell Ainsley stop that will you?" inis na pakli niya dahil bawat sabihin nito ay naiimagine niya and hell with it, narinig niya ang mapanuksong tawa ni Ainsley sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)
Storie breviTeaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak? Paano niya il...