Chapter Seven
NAPALUNOK siya ng makita ang puting damit na nasa harap niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na iyon ang isusuot niya. sino bang tao na nasa matinong pag-iisip na iyon ang susuotin sa isang kasalan? Desenting-desenteng tingnan sa harap pero ang likod kaunting hila nalang at pwede ng makita ang buong likuran mo sa sobrang baba.
"Do I really need to wear that one?" natatakot niyang tanong na para bang kakainin siya ng damit na nasa harap niya. It's too revealing for her own good, nakakapagsuot na naman siya ng mga maiiksing damit pero sobrang body hugging iyon kung mas ninipis pa siguro ang tela niyon ay baka wala na talagang matira sa kanya. It's scary.
"Ano ba naman iyan Georgette para sa damit na iyan matatakot ka? Isuot mo na iyan." Pangungulit sa kanya ni Monique na nagmemake-up sa kanya. Hindi niya alam kung bakit siya ang inaayusan nito samantalang ito naka-suot lang ng black na shorts at black na shirt na may black na shades at black na cap akala nga niya si Ainsley ito kanina pero si Monique pala.
"Masyadong revealing."
"Hindi ah, at saka darating dito si Ashton ayaw mo bang makita niya ang ayos mo?"
"At bakit naman nasali ang lalaking iyon sa usapan?" kinakabahang tanong niya dito.
"As if wala akong alam kahit palagi akon MIA may alam naman ako sa mga nangyayari sa mundong ibabaw. At saka ang lakas ng tibok ng puso mo dinig na dinig ko mula dito."
Malakas siyang napasinghap at natutop ang dibdib niya sa sinabi nito, the last time they talked ay noong bigla nalang siya nitong halikan pagkatapos ay hindi na ito muling nagpakita pa sa kanya. Siguro naisip nito na masyado lang siyang over acting, hindi kasi niya alam kung nagbibiro lang ito sa kabayaran na tinutukoy nito. At baka nandidiri ito sa kanya dahil iba talaga ang ibig ipahiwatig nito at iba din ang naisip niya... nakakahiya.
"Silence means yes, so ano na? inaamin mo na gusto moa ng pinsan ni Ainsley?" tukso nito sa kanya.
"Kahit gustuhin ko siya hanggang doon lang iyon at hindi na pwedeng mag-exceed pa doon." Mahinang sagot niya.
"And why not?"
"Sa tingin mo ba talaga magugustuhan ako ng isang tulad ni Ashton? May girlfriend na ang tao Monique at saka masyado naman yata akong ambisyosa kung pati magustuhan niya ay papangarapin ko." Mapait siyang ngumiti dito. "Gusto lang niya akong maging modelo sa isang lingerie line na tinayo ng mommy niya kaya ganoon at saka tinulungan niya akong magmukhang tao. And beside tinulungan lang din niya akong madala sa hospital at ilang araw na rin iyon at hindi na kami muling nagkita pa kaya ibig sabihin ay wala na siyang interes sa akin sa kung anuman. Baka may nahanap na rin siyang pwedeng maging modelo ng mommy niya."
"Masyado kang pessimistic look at the bright side."
Yumakap siya sa beywang ng kaibigan niya, it's really nice to hear positivity from Monique when she knew she suffered more than she suffered.
"Hindi dapat look at the bright side Niq mas tamang sabihin na look at the reality. This is my reality and my reality sucks. Pero dahil mahal kita susuotin ko ito pero kapag hindi na ako komportable pwede bang hubarin ko?"
"Oo naman ikaw pa malakas ka sa akin." Kapag mga kaibigan na talaga niya ang nagrequest ang hirap hindian kahit na gaano pa kahirap sa kanya ang pinapagawa ay nakakaya niya. Everything is worth it, lahat ng hirap niya para lang makasama ang mga ito ay worth it na worth it wala siyang pagsisisi dahil ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. She might have nothing but her friends are her everything. Tama nga ang sinabi sa invitation letter noon, hindi lang kaibigan ang nahanap niya sa pagsali niya sa sorority kundi pamilya. Hindi sa lahat ng panahon makakahanap ka ng mga toang hindi mo kadugo pero handang-handa kang ipaglaban.
BINABASA MO ANG
ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)
ContoTeaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak? Paano niya il...