Chapter Ten-A

76K 2K 150
                                    

Chapter Ten-A

SOBRANG LAKAS ng tibok ng puso niya habang nakatitig kay Ashton, bukas ng umaga ay kukunin na ang sampung sako ng drugs na ginawa niya. Kaunti nalang at matatapos na siya at bukas na bukas din ay makakawala na siya sa sindikato pero hindi niya inaasahan na magiging ganito. Dapat hindi nito nalaman, dapat hindi nito nakita ang ginagawa niya at sa tingin niya ay hindi na siya nito kailangan pang tanungin dahil sa nakita niyang galit at pagkamuhi sa mukha nito ay sapat na para malaman niya kung ano ang nasa isip nito.

"You are a monster Georgette Andres." At tila patalim iyon na tumarak sa puso niya. Bakit ganoon? Kung kailan malapit ng matapos ang paghihirap niya bakit ngayon pa nito nalaman?

"I can explain Ashton-." Hindi na niya natapos ang dapat ay sasabihin niya dahil sa matalim na tingin ng binata sa kanya. Ito iyong sinasabi nilang if looks can kill she'll be rotting in hell right now.

"Anong ipapaliwanag mo na nagkataon lang na nandito ang mga drogang ito sa ilalim ng bahay mo? Na nagkataon na may naglagay dito, na nagkataon din na sobrang talino mo na kaya mong gawin ang lahat ng ito. Akala ko matino kang babae Georgette, I thought you were perfect, but you are far from that."

Napahalukipkip siya habang pinipigilan ang sarili niya sa pag-iyak, kulang siya sa tulog, halos hindi na siya kumakain para lang matapos niya ito, ilang oras nalang eh tapos na siya pero ito talaga yata ang tadhana niya.

"I-I am sorry." Ang tanging nasabi niya sa harap nito. She can't defend herself right now, dahil kung ano ang nakikita nito ay siyang tunay naman talaga. Totoo naman ang sinabi nito she's a monster, a damn monster. "I am sorry Ashton."

"Sorry? Sa mga nabiktima mo kaya ba niyang bayaran ang buhay ng mga taong nasira ang buhay ng dahil sa isang tulad mo." Hindi agad siya nakakilos ng tawirin ni Ashton ang distansya nila at mariin na hinawakan ang balikat niya.

"Ashton nasasaktan ako."

"Sakit? Kulang pa ito, sinungaling ka." Napapikit nalang siya upang kumuha ng lakas ng loob na kayanin niya ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. "Manloloko, sinungaling, kung ano ang iginanda ng mukha mo siya namang ikinapangit ng tunay na ikaw. I shouldn't have believed you, I shouldn't have fell for you. ikinakahiya kong sinabi kong gusto kita you don't deserved to be loved at all."

And that's the last straw she had that holding her tears from falling dahil kahit na ayaw niya ay sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha mula sa mga mata niya. Pero nagpakatatag siya, she had heard the worst. Hinarap niya ito at tiningnan sa mga mata, gone the kind hearted woman whose hiding right now.

"Tama ka alam ko naman iyan eh, I don't deserved to be loved at all." Tumawa siya sa harap nito, isang pagak na tawa. "Bakit sinabi ko bang ako ang magustuhan mo Ashton? Hindi kita sinabihan na magustuhan ako pero giniit mo ang sarili mo sa akin. Dahil matagal ko ng tinanggal sa sarili ko na ang isang tulad namin, na ang isang tulad ko ay hindi pwedeng maging masaya katulad ng iba."

Nanlalabo na ang kanyang mga mata sa sakit na nararamdaman niya, sinabi na rin niya sa kanyang sarili na dapat hindi siya magmahal pero tanga din siya kasi iyon ang nangyari kaya nga nandito siya sa kinatatayuan niya.

"Damn you!"

"Yes, damn me. Anong akala mo ginusto ko ito? Na gusto ko ang buhay na meron ako pwes nagkakamali ka! Sa isip mo malamang sasabihin mo na may choice ako na may choice ang mga tulad ko, tama ka may choice kami pero paano namin pipiliin iyon kung hindi namin kaya?" pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. "Please don't hate me too much kung wala kanga lam sa pinagdaanan ko, huwag mo akong kamuhian ng husto ko hindi mo alam ang nararamdaman ko."

ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon