Chapter Ten-D
KAHARAP niya ngayon si Ashton, hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang dapat niyang sabihin dito. pinag-isipan din niya ito ng ilang araw. Tiningnan niya si Ashton, he looks tired but still handsome paano niya sasabihin dito ang naging desisyon niya? paano niya magagawang iwanan ito?
"I don't want to see you cry, Gette." Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya hindi pa man siya nagsasalita. "I am sorry, I did all my best pero kulang pa rin. i was late she's just too quick."
Tinakpan niya ang mga labi niya dahil baka hindi na niya mapigilan ang sariling hindi umiyak ng malakas.
"Kung anuman ang magiging desisyon mo tatanggapin ko pero hindi ako susuko, kung saan ka man niya dalhin susundan kita. Mahal na mahal kita Georgette, ano ba ang ginawa mo sa akin para mahalin kita ng ganito katindi?"
Tuluyan na siyang napahikbi at napayakap dito ng buong higpit. "I am sorry Ashton, ayokong pumili. Can you wait for me? Tutulungan ko lang si Hexel-." Umiling siya. "Pero kung may makita ka na sa tingin mo ay pwede mong makasama kapag wala na ako huwag mong pigilan ang sarili mo." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Maiintindihan ko naman iyon."
Hinawakan ni Ashton ang mga palad niya, he kissed her knuckles and held it so tight bago tumitig sa kanya.
"Before you leave pwede ba akong humiling?"
She smiled at him. "Yes, you can. You can wish Ashton, I will grant it."
Muli nitong hinawakan ang palad niya at hinalikan uli iyon. "Can I have a dream with you tomorrow?"
"Dream?"
"Yes, let's have a dream. The things I want to experience with you na alam kong impossible munang mangyari ngayon kahit isang araw lang pwede bang tayong dalawa muna pagkatapos ng dalawang araw na iyon hahayaan na kita." Pinahid nito ang luha niya.
"O-okay, tomorrow."
"Let's have my dream tomorrow,"
Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong gawin bukas pero kung anuman iyon, gagawin niya for his sake, for his happiness... for her memories. Tutulungan niya si Hexel, makikiusap siyang makabalik sa Pilipinas, kung kailangan niyang pagtrabahuan ang kalayaan niya mula sa kaibigan ay gagawin niya. Kahit na wala na siyang babalikan pa, try lang naman.
Pagkahatid nito sa kanya ay agad siyang natulog, gusto niya pagkagising niya kinabukasan ay handa na siya sa anumang gagawin nito. kahit anong naisin ni Ashton ay gagawin niya, dahil para rin ito sa sarili niya.
Habang naghihintay sa pagdating ni Ashton ay tumunog ang kanyang cellphone. Si Hexel ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot, kahit na ginawa ni Hexel ang lahat ng ito ay wala siyang makapang galit sa dibdib niya hindi niya kayang magalit sa kanyang kaibigan.
"Nagpaalam ka na ba sa kanya?" iyon ang pambungad nito.
"I did, pero may wish muna siya-."
"Just do whatever you want to do there Georgette, don't worry kapag nandito ka na makakalimutan mo rin si Ashton." Medyo matigas na sabi nito.
"Hexel, hindi ba pwedeng dito nalang ako?"
"You are choosing him over me?"
"Not like that, I love you Hex alam mo iyan pero mahal ko rin siya."
"Makakalimutan mo rin siya Georgette take it from me."
BINABASA MO ANG
ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)
Historia CortaTeaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak? Paano niya il...