Chapter Ten-C
TININGNAN niya si Crischelle na nakatulala habang nasa harap ng pagkain, tiningnan siya ni Maya na para bang sinasabing naaawa na rin ito kay C, sino ba ang hindi halos gusto na nitong mamatay noong araw na pumunta ito sa kanya. She wanted to be drugged, hindi siya agad nakakilos sa ipinakitang reaksyon ng kaibigan niya. She really broke down and that's because of Caleb and her love towards that guy. Hindi din niya ito mapagsabihan dahil kahit siya ay nakakaranas din ng nararamdaman nito.
"Kumain ka na." inutusan niya si Maya na maglagay ng pagkain sa plato ng kaibigan niya. "C, please eat na. ilang araw ka ng walang kain baka magkasakit ka na niya, kahit kaunti lang." pamimilit niya dito. Kumilos naman ito at sumubo ng kaunting pagkain pero hindi pa man nito nangunguya ay sunod-sunod na nagsipatakan na ang mga luha nito. napabuntong-hininga siya hindi na niya kayang nakikita ng ganito ang kanyang kaibigan.
"Kapag hindi ka kumain ng maayos ay hindi na eeffective ang anti-depressant pill na binibigay ko sa iyo." Banta niya dito at saka lang ito mabilis na kumain ng puro kanin nga lang. May narinig siyang nagdoorbell, tumayo siya habang si Maya ay may ginawa sa kusina. Pagbukas niya ng pinto ay isasara na sana niya uli iyon ng makita si Ashton.
"Hep." Agad itong humarang sa pintuan upang hindi niya tuluyang maisara ang pintuan. Ilang araw na ba niya itong iniiwasan? Hindi pa maayos ang buhay niya wala pa siyang ideya kung paano niya ito aayusin. "Finally, nahuli din kita." He said, ramdam niya ang pangungulila habang nakatitig dito. "Bakit mo ba ako pinagtataguan?" mahinahong tanong nito sa kanya bago nito linuwagan ang pagbukas ng pintuan.
"Umalis ka muna Ashton." Mahinang sabi niya at iniwasan ito ng tingin.
"Gusto lang naman kitang bisitahin masama ba iyon?" kumibot ang mga labi niya.
"G," tawag ni Crischelle sa kanya. "Papasok lang ako sa loob." Bumaba ito sa laboratory niya kung saan ito naglalagi. Mas gusto kasi nito doon dahil pakiramdam daw nito safe ito.
"Pero hindi ka pa kumakain." Habol niya dito.
"Tapos na akong kumain." Pahabol na sagot din nito.
Nang wala na ito sa paningin niya ay lumabas na siya ng bahay para kausapin si Ashton, tahimik naman itong sumunod sa kanya pero hindi pa man siya nakakaunang magsalita ay bigla siya nitong hinila at tinulak sa isang pader. He cornered her body using his entire body.
"Ash-."
"Alam mo bang halos mabaliw-baliw ako dahil tumakas ka sa hospital? Hindi ka pa nagpakita agad sa akin para magpaliwanag." May halong pagdaramdam ang boses nito. "Gusto mo ba talaga akong mamatay sap ag-aalala?"
"Ashton sinabi ko naman sa iyo hindi ako ang babaeng nararapat sa iyo, you deserves someone better and that's not me." Halos pumiyok na ang boses niya sa sinabi niya.
"And who are you to decide that you don't deserved me? Ako lang ang pwedeng magsabi niyang Georgette at hindi ikaw. Ikaw lang ang gusto ko."
"Pero hindi ako malaya Ashton, hangga't miyembro pa ako ng sindikato hinding-hindi ko maiibigay ang sarili ko sa iyo ng buo. Hangga't miyembro ako ng sindikato gagawa pa rin ako ng droga, may sisirain na naman akong buhay. I can't be with you."
"I don't care! Wala na akong pakialam sa bagay na iyan I am working on it," napatingin siyang bigla dito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I want you Georgette, wala akong ibang babaeng ginustong makuha kundi ikaw lang. Gagawin ko ang lahat para makuha lang kita sa sindikatong kinabibilangan mo ngayon."
Namutla siya sa sinabi nito. "Don't you dare Ashton, don't you even dare! Huwag na huwag kang lalapit sa kanila, don't deal with the devil for goodness sake mag-isip ka ng maayos. Alam mo ba ang gagawin mo? You will risk your life just because of me?"
BINABASA MO ANG
ZBS#6: Black Moth's Chemical Romance (COMPLETED)
Storie breviTeaser: Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak? Paano niya il...