Chapter 1

38.2K 666 71
                                    

Sneakers? Check.

Khaki pants? Check.

Long-sleeve shirt? Check.

Bull cap? Check.

Shades? Check.

Minsan pa ay pinagmasdan ulit ni Joey ang sarili sa salamin. Kinuha nya ang pulbos mula sa lalagyan na malapit sa salamin at naglagay sa mukha. Napangiti sya sa nakita.

"Pogi mo!" sabi nya sa sariling repleksyon at nag-pogi points pa na pose. Nang masiyahan ay naglakad na sya papunta sa sala at kinuha na ang susi sa aparador.

"Tay, alis na ho ako!" sigaw nya. Nasa likod bahay kasi ang tatay nya. Malamang, nagbubungkal na naman ng mga pananim.

"Ingat, anak!" ganting sigaw ng tatay nya.

Lumabas na sya ng bahay at sumakay na sa naghihitay na taxi sa garahe nila. Maya-maya pa ay pinatakbo na nya ito papunta sa lugar kung saan madalas syang maghintay ng pasahero.

Madalas na call center agents at iba pang mga nag-oopisina na malapit nang ma-late sa trabaho ang sumasakay sa taxi ni Joey. Madalas din naman syang magkaroon ng pasahero na foreigner. At kahit paano, nakatulong iyon sa kanya para mapalawak pa ang pagsasalita ng ingles.

Pero kakaiba ang araw na ito. Hindi pa kasi sya nakakalayo ang dalaga sa bahay nila ay may pumara na sa taxi nya. Agad nya iyong itinabi para makasakay ang lalaki na agad namang binuksan ang pinto sa likod at sumakay.

"Sa Global, pare. Louvre Building." pasimple nya itong tiningnan sa rear view mirror. Mukhang nagmamadali ito at may kung ano anong kinukutingting sa dalang attaché case. Kaya pala napagkamalan sya nitong lalaki, ni hindi man lang sya tinapunan ng tingin. Kunsabagay, kahit naman tingnan sya nito, base sa pananamit nya, hindi agad iisipin ng kahit na sino na babae sya.

"Yes, boss." Sagot nya at medyo pinalaki at pinababa pa ang boses para maging malagong ang tunog. Madalas napagkakatuwaan na ng dalaga na magpanggap na lalaki sa mga pasahero.

Pinasibad na ni Joey ang sasakyan. Sa underpass na lang ng Ayala, Makati sya dumaan para mas maaga silang makarating. Manaka-naka nya itong sinusulyapan sa salamin. Gwapo ito. May malinis na gupit. Yung tipong hindi hahayaan na umabot sa may tenga ang buhok at magpapagupit din agad. May maliliit na bigoteng tumutubo sa mukha nito pero mas naging gwapo naman ito dahil doon. Mala-Tom Cruise lang. Matangos na ilong. Makapal na kilay at mapang-akit na mata. Perfect example ng isang matinee idol. Kaso hindi maalis ang kunot ng noo.

Agad na binawi ng dalaga ang tingin sa pasahero nang mag-ring ang telepono nito.

"Yes, Lisa? Yeah, I'm on my way. Nasira ang kotse ko somewhere near in Ayala... No. Don't worry, I took a cab. Kindly tell the board members that they can start the meeting without me. Malapit na rin ako." ibinaba na nito ang cellphone.

Dahil sa narinig ay mas binilisan pa ni Joey ang pagpapatakbo sa taxi. Maya-maya lang ay nakalusot rin sila sa traffic at pumasok na sa Global City.

MARAHANG IPINARADA ng dalaga ang taxi sa harap ng building nang makarating sila doon.

"Wow! Astig ng building. Ano kaya ang position nya sa loob?" sabi nya sa sarili habang pasimpleng pinagmasdan ang building sa tapat nya.

"Eto bayad." inabot ng lalaki sa kanya ang 500 peso-bill. Kumukuha na sya ng sukli ng bumaba ito.

"Boss, sandali. Yung sukli nyo." Lumabas na sya ng sasakyan para habulin ito.

Lumingon ito sa kanya

"Keep the change." Sagot lang ng lalaki at mabilis na naglakad papasok sa building.

Naiwan naman si Joey na nakatingin sa sukling hawak nya. Malaking tulong na sa kanya ang halagang iyon. Napailing na lamang ang dalaga at pumasok na ulit sa taxi. Ang mayayaman talaga, siguro wala nang mapaglagyan ng pera kaya ipinamimigay na lang. Ayos na rin, mas kailangan nya ng pera. Makakadagdag iyon sa ipon nya.

She started the ignition and made her way back to Edsa. Simula na ang araw nya. Magandang pa-buenas sa kanya ang 500 pesos na ibinigay ng gwapong lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay para syang tanga habang nakangiti sya at nagmamaneho. Thinking of the gorgeous guy really made her day. Akalain mong nagawa nya pa itong titigan habang abala sya sa pagmamaneho kanina. Ang tawag doon multi-tasking!

Ang galing mo talaga, Joey!

Ganito ang eksena nya araw araw. Magmamaneho sya ng taxi hanggang alas dose ng madaling araw. Ang totoo nyan, ang tatay nya talaga ang driver ng taxi na iyon. Pinag-ipunan nito na makabili sila ng sariling taxi para makatulong sa pang-araw araw na gastusin. Kaso, nagkasakit ang ama nya. Nagkaroon ito ng problema sa atay kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Si Joey ang sumalo ng responsibilidad nito. Ang kuya nya naman ay nagtatrabaho sa isang BPO company.

Dahil sa nangyari ay kinailangang tumigil pansamantala si Joey sa pag-aaral. Nursing ang course na kinukuha nya at isang taon na lang sana ay makakatapos na sya. Pero mas pinili nyang alagaan ang tatay nila at magtrabaho para sa kanyang pamilya. Pwede pa rin naman ipagpatuloy ng dalaga ang pag-aaral. Sa ngayon, kailangan muna nyang tumulong sa pagtataguyod ng pamila.

Hindi sya tomboy. Marahil nasasabi ng iba na ganun sya, pero alam nya sa sarili nya, babae sya. Hindi na rin naman bago sa dalaga na masabihan ng ganoon. Pero ang mahalaga, kilala nya ang sarili. Nagkakagusto pa naman sya sa mga lalaki at nangangarap pa rin naman ikasal. Pero nakasanayan na kasi ni Joey ang magsuot ng maluluwang na damit na kasya na ang dalawang bata sa laki. Mas komportable sya doon. Ang nanay nya? Hindi na nya alam kung nasaan ito. Maliit pa siya ng iwan sila ng kanyang ina para sumama sa ibang lalaki. Sabi ng ninang nya nung minsang nagkita sila sa palengke, nasa abroad na daw ito kasama ang pangalawang pamilya.

Hindi perpekto ang buhay ni Joey. Hindi sila mayaman. Hindi rin sila sikat. Pero lahat ginagawa nya para lang makaahon sa buhay. Hindi pa rin naman sya nauubusan ng pag-asa na magbabago pa ang buhay nila.

Umaaasa pa rin naman sya na umasenso sa pagiging lady taxi driver.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon