Chapter 2

30.4K 457 11
                                    

Chapter 2


Agad na tumabi sa gilid ng lobby ang mga empleyado sa Louvre Building nang makita nila ang amo na naglalakad papunta sa elevator.

Rule number one: Wag haharang sa daraanan ng may-ari ng building.

Yun ang pinakaimportanteng rule na kailangan matutunan ng bawat empleyado sa kumpanyang iyon.

Lawrence Del Fierro.

Every girl describes him like a saint. Tall. Smart. Rich. Drop-dead Gorgeous. Yung tipong makalaglag ng 'P' ang tingin. Certified jetsetter. In layman's term 'playboy'. In other words, 'babaero'. Sa madaling salita, 'palikero'.

Favorite hobby nito ang mambabae. Hindi nya kailangan manligaw dahil babae na mismo ang lumalapit sa kanya. Mas madalas pa nga, babae pa ang sumusuyo kanya. Funny. But true.

Hindi nya ugaling tumagal sa isang relasyon. Mas matagal na ang dalawang linggo. And any girl may consider herself lucky kung tatagal ng isang araw ang relasyon nila ni Lance.

Lance is a picture of perfection. Lahat ng atensyon nasa kanya. Lahat iniidolo sya. Most girls are swooning over him. Kahit alam ng mga ito kung gaano kasuplado ang binata. Hindi marunong ngumiti. Palaging seryoso ang mukha na kahit yata gulatin mo ay hindi man lang magre-react. But then, gusto pa rin sya ng mga babae. And above all else, he is one of the best CEO in his generation. Kailan lang ay naparangalan sya sa Forbes bilang Youngest CEO in his era.

Dumiretso agad si Lance sa opisina nya pagdating sa 25th Floor ng building. Sinundan naman agad sya ng secretary nyang si Lisa. Ipinagtimpla ito ng secretary ng kape at inilapag sa mahogany table.

"Sir, I just want to update your schedule for today. You have a lunch meeting with Mr. Castro at 11:30 am. Then in 3pm, you'll have a meeting with Mr. Yamashita about the investments. And lastly, a dinner date with Louella at 7pm. Table for two has been reserved at Aberdeen Court." hindi man lang nag-angat ng tingin si Lance sa secretary. Tuloy pa rin ito sa pag-type sa laptop. "And sir, your sister called reminding your family dinner on Wednesday."

"Tell her I can't make it on Wednesday. Thank you."

"Yes, sir." lumabas na si Lisa pagkatapos noon.

Napailing na lang ang dalaga. Tatlong buwan na lang sya bilang secretary ng gwapong boss pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nakipag-usap ng nakatingin sa kanya. Ni hindi nya pa nga ito nakitang ngumiti, maliban na lang kapag nakikita nya itong may kasamang babae.

Bumalik na sya sa workstation na nasa labas ng opisina ni Lance. Kakaupo nya pa lang sa swivel chair ng mag-ring ang telepono sa mesa nya.

"Louvre International Group of Companies. Good morning." iyon ang opening spiel nya sa lahat ng caller ng kompanya.

"Lisa, girl, pakisabi naman sa boss mo, may naghahanap sa kanya dito sa baba."boses iyon ng receptionist ng building na nasa lobby sa ground floor.

"Sino daw?" hinulaan nya na sa sarili nya. Babae na naman ang naghahanap sa boss nya.

"Angela Smith." Maya-maya ay bumulong. "Brunette ang isang 'to, 'day. Ano papaakyatin ko ba?" tanong nito.

Tama ang hula nya. Babae nga. Ano pa ba ang bago? Hindi yata lumilipas ang isang araw na walang babaeng naghahanap sa bossing nya.

"Naku, girl, pakisabi na lang sa kanya wala pa si Sir Lance. Balik na lang sya ulit." yun kasi ang bilin ng boss nya. Wag sasabihin na nasa opisina ito kapag may naghanap na babae.

Narinig nyang sinabi ng receptionist sa babae na wala pa si Lance.

"Stop fooling around, miss! I saw his car at the parking lot. I know he's here. I wanna talk to him. Just let me go and meet him!" narinig nya lahat ng sinabi ng babae dahil sa lakas ng boses nito.

"Hello, Lisa. Narinig mo naman siguro yung sinabi nya." sabi ng receptionist. Wala na syang nagawa kundi ang sabihin sa boss nya ang tungkol doon.

"Sir, someone's looking for you at the lobby. A certain Angela Smith.", nag-angat ng mukha si Lance at tiningnan ang secretary.

"Didn't I tell you what to do when it comes to those things?" halos manginig naman sa takot si Lisa. Alam nyang galit na ang amo.

"Y-Yes, sir. B-but she saw your car at the parking lot. And she's insisting to come up here." bumuntong hininga si Lance bago nagsalita.

"Fine. Paakyatin mo na." pero hindi nya na ma-imagine kung ano ang susunod na mangyayari kapag nakaakyat na ang babae sa opisina.

Bumalik sya sa lamesa at kinausap ang receptionist para paakyatin ang babae. Minutes after ay may tumayo sa harapan nya. A sophisticated, gorgeous brunette. May pagkamasungit ang mukha nito pero hindi maikakailang maganda ang babae. Hindi na rin bago iyon. For sure, hindi naman ito papatulan ng amo kung hindi maganda.

"What? Are you going to stare at me the whole day?" nakataas ang kilay na asik nito kay Lisa. Agad naman natauhan ang secretary at inihatid ito sa opisina ni Lance.

THIRTY minutes after, halos mapatalon si Lisa nang biglang bumalya pabukas ang pintuan ng boss. Kasunod noon ay lumabas ang babae sa opisina ng boss nya. Umiiyak ito.

"Ma'am----"

"Go to hell!" galit na sigaw nito sa kanya bago pa man sya makapagsalita pa.

Pinanood na lang nya ang babae nang tumakbo ito papunta sa elevator.

Napailing na lang si Lisa. Parang alam na nya kung ano ang nagyari. Marahil sinabihan ito ng boss nya na tumigil na sa kalokohang ginagawa. At kahit sino naman sigurong babae, hindi mapipigilang hindi umiyak kapag ganun ang nagyari. Isa na namang puso ang nawasak dahil sa gwapong amo.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon