EPILOGUE

24.2K 457 41
                                    

"Doc, emergency!", sigaw ng nurse habang nagmamadaling tinutulak ang stretcher ng pasyente papunta sa E.R.

 

"Prepare the E.R!", sabi ng doktor sa isang nurse na kasama nya...

 

Sumunod sya sa loob ng E.R. She put her gears on habang inaayos namang ng nurses ang mga gagamitin sa operasyon. Tinitingnan nya ang biktima. Wala ng malay ito at puno ng dugo ang katawan.

 

"What happened to her?", tanong nya sa isang nurse habang sinusuot ang gloves.

 

"Car accident, doc. Sumalpok daw ang sinasakyang kotse sa truck...", napatango na lang sya...

 

"Check her BP and heartbeat...", sinunod naman ng nurse ang sinabi ng doctor. Ng masigurong pwede naman operahan ang pasyente, sinimulan na nila ang pagliligtas sa buhay nito.

 

Masyadong maselan ang lagay ng biktima. Malala ang kinahinatnan nito sa aksidente. Bukod sa bugbog na katawan, may ilang fractured bones pa at mga sugat. Ang mas nahirapan sila, dun sa internal bleeding. May naapektuhang organ sa loob ng katawan nito na kailangan ng masusing operasyon. They need to do something immediately if they want the patient to survive, kung saan yun naman talaga ang goal ng mga doctors. Ang iligtas ang buhay ng iba...

 

The operation lasted for almost 4 hours.. Maselan na operasyon ang naganap. And everytime na lalabas ang doktor, walang tigil sa pagtatanong ang pamilya nitong naghihintay sa labas. They're all crying but they can't hide the hope from their faces. The doctor came out of the emergency room twice but she can't give any updates yet..

 

And in the middle of the operation, the victims heartbeat decreases. Kaya gumawa na naman sila na paraan para masalba ang heartbeat ng pasyente. Hindi nila pwedeng ipagpatuloy ang operasyon kapag patuloy na humina ang katawan nito. They used the Defibrillator and gave him more oxygen to breathe. After a while, stable na ang lagay nito kaya nagpatuloy na sila...

 

4 hours later...

 

"She's safe!", masayang sabi ng doctor... Masayang nagyakap naman ang mga nurse. Another successful operation for them.

 

"The best ka talaga, doc!", sabi ng isang nurse.

 

"I'll leave this to you, guys. Kakausapin ko muna ang pamilya nya..."

 

Naabutan nya na puno pa rin ng pag aalala ang mukha ng pamilya ng babae. Matiyagang naghihintay ang mga ito sa kanya. She took a deep breath and walked closer to them...

 

"Doc... kumusta na po ang anak ko?", umiiyak na tanong ng Lalake... Tatay ng pasyente.

 

"Relax lang po kayo, mister... She's safe now...", kulang na lang ay tumalon sa tuwa ang kaharap nya ngayon. They hugged each other and thanked God for the miracle.

 

"Medyo natagalan lang ang operation sa internal bleeding ng patient. Medyo maselan na process ang ginawa namin. And fortunately, she made it. Your daughterr is a survivor...", masayang makita ang mga pamilya ng pasyente na nabibigyan ng pag-asa.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon