Chapter 11
It was a normal Wednesday. Maaga pa lang abala na agad ang bawat isa sa kanya kanyang trabaho. Normal routine na iyon. Kapag kasi nahuli sila ng CEO na pume-petiks, tanggal agad sa kompanya. Isang linggo na rin ang lumipas. Akalain ba naman ni Joey na tatagal sya ng isang linggo sa Louvre. Kahit paano, nakatulong ang mga tips na sinabi sa kanya ni Ms. Liz at ni Georgie. Unti-unti nagiging manhid na ang dalaga sa kasungitan ng amo.
It was 7am. Good thing, hindi pa naunahan ng masungit na boss si Joey na makarating sa office nito. She's always early. Kung may premyo nga sa paagahan pumasok, malamang nakuha na nya lahat ng prizes. Ayaw nya rin kasi masermunan nito, doon na nga lang sya perfect. Hindi pwedeng mawalan ng trabaho ang dalaga. Malaking tulong ang sweldo nya doon para sa pamilya nya. At isa pa, alam nyang ayaw na ayaw ni Lance ng late. Baka ma-turn off ito sa kanya at hindi na sya ligawan. At kapag nangyari yun, tatanda na syang dalaga.
Kakatapos lang ayusin ni Joey ang lahat ng folders sa ibabaw ng table ng amo. It was all black which she knows all of it contains important files of the company. Business proposals. Investments at kung ano ano pang reports ang laman noon. Minsan na nyang nakita pero dahil wala naman alam masyado ang dalaga sa negosyo, hindi rin sya naging interesadong basahin pa.
Lalabas na sana sya sa opisina ng bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang boss. As usual, ang gwapo at sobrang bango na naman nito. Kumalat na sa buong opisina ang amoy ng binata. Dahil doon ay kinailangan tuloy ni Joey pigilan ang sariling huwag singhutin ang amoy.
"Good morning, sir." binati nya na lang ito at mas pinasigla pa ang boses.
At as usual, no reply pa rin ang boss nya. Naglakad lang ito papunta sa president's table. Lumabas sandali si Joey at nagtimpla ng kape kasama ang dinala nyang pagkain dito. Saka pumasok ulit sya sa opisina.
"What are these?", kunot noong tanong nito nang ilapag nya ang tray.
"Breakfast nyo po, sir. Napansin ko po kasi na masyado kayong maaga pumasok sa opisina. Normally, kape lang po ang hinihingi nyo. Kailangan nyo po ng energy para sa buong araw." paliwanag ni Joey.
Tiningnan ni Lance ang laman ng tray. Breakfast choice. Hindi nya kasi alam kung ano ang mas prefer ng boss nya for breakfast. Kaya naglagay sya doon ng kanin with bacon and eggs, fruits at cereals. Yung kanin, niluto nya sa bahay nila at binaon na lang. Yung bacon at egg naman, pinaluto nya sa canteen nila.
"Didn't I tell you to do things only if I asked you to?"
Saglit na natahimik si Joey. Mahigpit na bilin nga pala nito na huwag gumawa ng sariling desisyon. Pero sa ngayon, paninindigan iyon ng dalaga. Hindi naman masama ang ginagawa nya.
"Opo, sir. Pero kailangan nyo pa rin kumain. Kainin nyo na lang po kung kelan kayo magugutom. Babalik na po ako sa desk ko." akmang lalabas na sya ng magsalita si Lance.
"Juliet."
Natigilan ang dalaga at nakiramdam. Sinong Juliet? Sya ba? Malamang naman. Silang dalawa lang naman ang tao sa opisina. O baka naman may imaginary friend ito na nasa loob din ng kwarto?
"Ako po?" itinuro nya pa ang sarili.
Pero ang naging reaction ni Lance ay hindi nakaligtas sa dalaga. He smirked! Bumilis yata ang tibok ng puso nya. Sa loob ng isang linggo, ngayon nya lang nakita ang ganoong reaction dito.
"Who else? Tayong dalawa lang naman ang tao dito." sabi nito.
"O-Okay po. Pero Joey po ang pangalan ko hindi Juliet." Pagtatama nya sa binata.
"Whatever." he let out a boring sigh and looked at her intently.
Mula ulo hanggang paa. Naconscious ang dalaga sa paraan ng pagtitig nito kaya nayakap nya ng mahigpit ang hawak na planner.
"Sir?" untag nya dito.
Bumalik sa mukha nya ang tingin ng amo. "Don't you even wear a skirt?"
Automatic na niyuko naman ni Joey ang sarili para tingnan ang suot. May mali ba sa suot nyang slacks?
"N-None, sir." maikling sagot nya.
"Then I suggest you wear skirt starting tomorrow. You look older than my seniors here." simple lang ang pagkasabi nito pero umepekto sa kanya ang simpleng insulto. Mukha ba talaga syang manang sa itsura nya? Yun na nga ang pinakamatino nyang damit.
"Yes, sir. Starting tomorrow, I'll wear skirts." kahit na tutol ang utak nya sa sinabi nya. She had never worn skirts in her entire life. Well, except doon sa uniform nya sa nursing. It was a must to wear one. Pero sa normal na damit, never. And just thinking of wearing one makes her cringe. Ibang tao na iyon, hindi na iyon si Joey.
"Good. You may go." Pagtataboy nito sa kanya.
Mas masaya sana ang araw ng dalaga kung real name nya ang binanggit nito kanina. Pero hindi. Iba. Juliet? Saan naman nakuha ni Lance ang pangalang yun. True. Medyo resemblance sa Julianna. Pero hindi naman nya naalala ang sariling nagpakilala dito as Julianna. Isa pa, ni hindi pa nga sila nagkaroon ng formal introduction mula noong nagsimula syang magtrabaho.
Hindi pa nag-iinit ang pwetan ni Joey sa upuan ng tumunog ang Intercom.
"Josie, in my office." muntik na syang mapaubo. Kanina Juliet. Tapos Josie naman ngayon? Mahirap bang tandaan ang pangalan nya?
"Yes, sir." agad syang pumunta sa pinto ng opisina nito at kumatok muna bago pumasok.
Bahagya pang nagulat ang dalaga ng makita ang tray na wala ng laman. Lihim syang napangiti.
Aayaw-ayaw pa, kakainin din naman pala.
"What are you smiling at?" masungit na naman na tanong ng amo.
Dapat pala, nilagyan nya ang pagkain ng pampabait. Para tumigil na ito sa kasungitan.
Hinarap nya ito at ngumiti. "Nothing, sir."
Inirapan sya nito at ipinatong ang makapal na papel sa harap nya.
"I want you to encode that. Lahat ng nasa folder na yan. Kailangan yan sa meeting bukas ng umaga so I need that by the end of the day."
Sinulyapan nya ang papel na nasa harapan. Siguro kasing kapal iyon ng kalahati ng notebook. Totoo kaya na bukas nito iyon kailangan? Baka pinaglalaruan na naman sya nito?
"Any problem?" untag nito sa kanya.
Mabilis na umiling si Joey.
"Nothing, sir. By the end of the day, tapos ito." But she doubts if she can do it. Ni hindi nga sya mabilis magtype sa keyboard.
"Clear?" tanong ulit ni Lance.
"Crystal, sir." sabi nya at nagpaalam na dito para bumalik na sa table nya.
"GIRL, TARA. Lunch na tayo."
Gulat na napaangat ang tingin nya kay Georgie.
"Naku, girl. Pwede bang pass muna ako ngayon? Madami pa kasi akong gagawin." Itinuro nya ang mga papel na nasa mesa. "Kailangan kong iencode lahat yan eh. Kailangan ni boss EOD."
"Seriously?" napamaang ito at binuklat ang mga papel na nakasalansan. "Eh di lalong hindi pwedeng hindi ka kakain. Tsaka, andami pa nyan. Mas kailangan mo ng energy."
"Sayang kasi ang oras."
"Naku, hindi pwede yan. Ganito na lang. Maglunch ka. Bilisan lang natin. Tapos ibigay mo sakin ang kalahati nyan. Ako ang magta-type ng iba. Send ko na lang sa email mo."
Napatingin si Joey dito.
"Promise?"
"Promise. Tara na. Para makabalik tayo agad." sabi nito at hinila na sya sa kamay.
Weird na yata sa pinakaweird ang boss nila. Pwede naman kasi ipa-photocopy yung pages. Bakit kailangan pa ipa-encode ulit?
BINABASA MO ANG
Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)
RomanceLady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa facebook kasama ang pictures nyo with the book. THANK YOU! ♥