Chapter 19
Kakalabas pa lang nila sa elevator ng mag-ring ang cellphone ng amo. Kakatapos lang ng meeting nila ni Mr. Gallego and fortunately, they just sealed off the deal. Agad nyang hinanap sa bag ang cellphone at tiningnan nya ang screen. Number lang ang naka-register.
She looked at Lance.
"Would you like to take this call, sir? O ako na lang ang sasagot?"
"Go ahead." sabi nito habang tuloy sila sa paglalakad.
Pinindot nya ang green button. "Hello, good evening."
"Who the hell are you?" hindi na bago kay Joey ang ganoong bungad sa kanya. Sa dinadami ng tawag na sinasagot nya, nasanay na ang dalaga.
"This is Mr. Del Fiero's secretary. How may I help you, ma'am?" magalang na tanong nya dito.
"Can you pass him the phone? I need to talk to him." lumingon sya sa gawi ng binata and he's looking at her intently.
"I'm sorry, ma'am, but Mr. Del Fiero is in the middle of a very important meeting right now---"
"Shut up, lady! Ilang beses na akong tumawag sa kanya at ilang beses na rin nasabi sakin yan. So, I know na nagdadahilan ka lang." galit na sabi ng kausap.
"Ah, ganun po ba? Wrong timing naman po kasi kayo tumawag, ma'am. Palagi syang may meeting kapag ganitong oras."
"Totoo ba yan?"
Napangiti ang dalaga. Mukhang kumagat naman ang bruha.
"Yes, ma'am. Gusto nyo bang mag-iwan ng message?"
"Nope." then she hung up.
"What did she say?" tanong ni Lance pagkatapos.
"Yung usual po. Hinahanap kayo." napangiti na lang ang binata.
"I'm used to it. Anyway, ako na ang mag-dadrive pabalik sa office." tumango na lang ang dalaga.
12pm na natapos ang meeting. Masyadong napahaba ang usapang negosyo ng dalawa kanina. Kaya hindi agad sila nakaalis. Pero at least, nai-bag nila ang deal. Tuwang tuwa naman ang boss nya.
"Take your lunch. Bumalik ka na lang mamayang 2pm." sabi ni Lance ng makarating sila sa opisina.
"Yes, sir. Thank you po." bumalik na sya sa table nya para kunin ang wallet saka naglakad na papunta sa front desk.
"Hey. Kumusta naman ang date niyo ni boss?" nang-aasar na sabi ni Georgie.
"Date ka dyan! Meeting yun no? Tara na. Lunch na tayo. 2pm ako pinapabalik eh." nanlaki naman ang mata ni Georgie sa tuwa.
"Great! Let's go!" ikinawit nito sa kanya ang braso at sabay na silang naglakad papunta sa elevator.
"Uy. Sandali. Bakit ground floor? Eh sa 22nd floor yung cafeteria." nagtatakang sabi ni Joey.
"Hindi tayo kakain dyan. Dun tayo sa restaurant sa ground floor. Syempre no? Para maiba naman." sabi ni Georgie.
"Huh? Sure ka?" hindi rin naman kasi sahod kaya nakakapagtaka na gagastos sila ngayon sa mamahaling kainan.
"Oo naman. Dont worry. Treat kita." nagtataka sya sa ikinikilos ng kaibigan. Anong nakain nito at doon balak mag-lunch?
"HINDI BA PARANG ang dami naman nito?" sabi ni Joey habang nakatingin sa mga pagkain sa harapan nila.
"Hindi no? Treat ko nga sayo yan. Kaya natin yan ubusin. Maniwala ka." sabi ni Georgie at nagsimula ng kumain.
"Ano bang okasyon?"
"Hmm? Wala naman. Nanalo kasi ako." sabi nito.
"Saan naman? Sa lotto?" hindi naman nya ma-imagine na tumataya sa lotto ang kaibigan.
"Adik! Hindi. Pero parang ganun na rin. Sa pustahan ako nanalo." napakunot ang noo ng dalaga.
"Pustahan? Saan? Hindi pa naman laban ni Pacquio ah."
Natawa si Georgie.
"Hindi lang naman si Pacman ang pinagpupustahan. Ikaw ang pinagpustahan namin. Kasama yung ibang empleyado."
Napataas ang kilay nya sa narinig.
"Anong akala nyo sakin, manok? Bakit ako?"
"E syempre no? Bagong secretary ka ni sir. Ang tanong nila, aalis ka daw ba o sesesantihin. Maraming pumusta sa sesante. Meron din naman sa aalisin."
"E saan ka pumusta?"
"Wala. Kasi ang sabi ko, tatagal ka ng dalawang buwan. Kumagat naman ang mga loko! Akala yata mananalo sila. Nagladlad agad ng pera. E di ako panalo ngayon. Nasa akin lahat ng panalo." tuwang tuwa si Georgie. Napatawa na lang din si Joey. Kaya naman pala wala lang dito ang gumastos ng malaki para sa pagkain. Sya pala ang pinagkakitaan nito.
"Salamat ha? Pinagkakakitaan mo na pala ako, hindi ko man lang alam." kunwari ay nagtatampo sya.
"Ikaw naman. Hindi naman seryoso yun eh. Kumain ka na."
Masasarap ang pagkain na inorder nila. Yun nga lang, maganda rin ang bayad. Pero di bale, hindi naman sya ang gumastos. Ayos na din, nakatipid sya ngayong araw.
"Pahiram pala ako ng calculator. Nasira yung sakin eh." sabi ni Georgie. Nasa elevator na sila pabalik sa opisina.
"O sige. Dumaan ka muna sa table ko."
"UY! ANO ITEY?" napatingin si Joey sa itinuro ng kaibigan.
Isang box na kulay pink na may ribbon ang nasa lamesa nya. Nagtaka din sya. Ano nga ba yun?
"Hindi ko alam." tiningnan nyang mabuti ang box. Noon nya lang napansin ang maliit na card sa gilid. Kinuha nya yun at binasa.
Thanks for the effort, Joey. Really appreciated it!
- Lance
Kinikilig na napangiti ang dalaga. Totoo bang si Lance ang nagbigay nun? Pero bakit? Para saan ang pasasalamat nito? E ginawa nya lang naman ang trabaho.
Isinarado nya ang card para tingnan ang laman ng box. Pero wala na yun sa harapan nya.
"Cupcake pala sya!" sabi ni Georgie.
Nakuha na pala nito ang box at naunahan pa syang buksan iyon.
Cupcake?
"Pahingi ah." sabi ng kaibigan at mukhang dadampot na. Pero agad tinapik nya ang kamay nito.
"Hep hep hep! Hands off, girl! Bibilhan na lang kita mamaya. Wag lang to." kinuha nya ang box at inilayo nya dito.
"Ang damot! Kanino ba kasi galing yan?" curious na tanong ni Georgie.
"Secret! Oh eto na yung calculator. Balik ka na sa table mo. May gagawin pa ako." pero hindi pa rin ito tumigil. Humirit pa bago umalis.
"Malalaman ko rin yan. Akala mo ha." natatawa na lang ang dalaga.
And once again, she glanced at the cupcakes. Akalain mong sweet din pala itong si Lance.
BINABASA MO ANG
Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)
RomanceLady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa facebook kasama ang pictures nyo with the book. THANK YOU! ♥