Chapter 14
Alas otso na natapos ang meeting. Sigurado si Joey na pag-alis nila, papalitan na ng restaurant ang upuang ginamit nya dahil butas na yun. Nangawit sya sa kakaupo. Bago pa magpaalam ang mga ka-meeting ng boss nya, tumawag na ang tatay nya at sinabing susunduin na lang sya nito. Malapit lang kasi doon ang bahay nila. Lance tried his luck to drive Joey home pero hindi na rin pumayag ang dalaga. Baka kasi hindi na nya maisipang bumaba sa magandang kotse nito.
Kinabukasan, medyo madilim ang panahon ng pumasok sya sa opisina. Medyo mahangin din pero hindi pa naman umuulan. Ganoon pa rin ang suot ni Joey. Minus pumps shoes. Nanakit ang binti nya dun kahit na maghapon lang syang nakaupo. Hindi nya maiunat ang mga daliri sa paa. Kaya ang paboritong doll shoes na lang ang isinuot nya.
Tanghali na at hindi pa rin sya inuutusan ng boss nya. Ano kayang nakain nun? Himala yata na walang maisip na ipagawa.
Maya-maya lang ay tumunog ang intercom at pinapapasok sya nito sa loob. Agad naman syang sumunod sa amo. Pagpasok nya ay tumambad sa kanya ang envelope na white. Naka-seal ito at may nakalagay na confidential.
"Kindly bring this to Liz's office. Kailangan maibigay mo yan sa kanya bago umabot ang alas kwatro ng hapon. She's flying to Hong Kong for a conference meeting." nagtaka si Joey. Bakit kailangan pa nyang paabutin ng alas kwatro gayong sa kabilang pinto lang naman ang opisina ng kapatid?
"Yes, sir. Ibibigay ko na po ngayon." lalabas na sana sya ng magsalita ulit ito.
"That's not the office that I'm talking about. Liz is not here. Nasa kabilang opisina sya, sa Mandaluyong." nanlaki ang mata ni Joey. Sa Mandaluyong? Kumusta naman! Kanina pa sya walang ginagawa, ngayon lang sinabi sa kanya na pupunta sya dun? At anong oras na?
"Any problem?" napansin yata nito ang reaksyon nya.
Mabilis naman na umiling si Joey.
"None, sir. Yun lang po ba?" tumango lang ito at pinaalis na sya.
Grabe ka talaga, Lawrence Del Fiero! Kung hindi lang kita gusto, matagal na kitang isinumpa!
20 MINUTES before 4pm. Traffic na, umuulan pa! Malapit na rin syang tubuan ng ugat! Sumabay pa kasi ang ulan sa mga nangyayari. Kapag pa naman umulan, lalong sumisikip ang traffic.
Tiningnan ng dalaga ang oras. Malapit na mag alas kwatro. Hindi pwede 'to. Baka pagbalik nya sa Louvre, wala na syang trabaho at hindi nya hahayaan yun.
Nag-isip sya ng paraan. Alam nya naman ang lugar. Hotel kasi ang pupuntahan nya kung saan naroon ang opisina ni Liz. Madalas na rin sya doon dati dahil sa pasahero nya. Mga 10 minutes na lakaran mula sa pwesto nya ngayon ay mararating nya ang hotel.
Nagbayad sya sa driver ng taxi. Inipit nya sa loob ng suot na coat ang envelope para hindi iyon mabasa. Hindi na kasi nya nadala ang payong dahil hindi nya naman alam na tutuloy ang ulan. Idagdag pa ang pagmamadali nya.
Bumaba sya sa taxi at tumakbo sa ilalim ng malakas na ulan. Hindi na nya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya. Bakit? Magagawan ba nila ng paraan kapag nawalan sya ng trabaho?
She knew she looked like an idiot. Pero bahala na. Matutuyo din naman ang damit nya. Basta safe ang envelope, wala na syang pakialam. She reached the place five minutes before the said time. Hindi pa sya pinapasok agad ng guard dahil sa hitsura nya.
"Kuya, sige na. Importante lang talaga to." halos lumuhod na sya sa harap ng guard para lang papasukin sya. Naawa naman yata kaya pumayag na rin.
Tinakbo nya ang elevator. Nasa taas pa ito at aabutin pa ng ilang segundo bago bumaba. Hinanap nya ang hagdan. 28th floor? Hindi naman siguro masyadong mataas yun no?
Pero 3rd floor pa lang ang naaakyat nya, hingal kabayo na sya. Kaya hinintay na lang nya ang elevator at agad na sumakay nang bumukas iyon. Laking pasalamat nya ng umabot na sya sa 28th floor. Nakipag-unahan pa sya sa babaeng lalabas din kaya nabunggo nya ito.
"Hey! Watch your step, young lady!" galit na sabi nito sa kanya.
"Naku! Sorry po! Pasensya na." inirapan lang sya nito at umalis na. Sya naman ay tumakbo na papunta sa opisina ni Liz.
Mabuti na lang, nakita nya itong pasalubong sa kanya habang busy sa pakikipag-usap sa babaeng kasama.
"Ms. Liz!" tuwang-tuwang tawag nya dito habang winawagayway ang envelope.
Napatingin sa kanya si Liz at kumunot ang noo. Iniisip kung sino sya. Malamang hindi sya nito nakilala dahil sa hitsura nyang basang sisiw.
"Joey?" nagtatakang sabi nito. "It's you! What are you doing here?"
"Hi, Ms. Liz. Inutusan po kasi ako ni Sir Lance na ibigay sa inyo 'to. Akala ko hindi ko na kayo aabutan. Mabuti po, nandito pa kayo." sabi ni Joey.
"Sinagasa mo ang ulan?", sabi nito. Nahihiyang tumango si Joey. "Oh dear! I would kill that guy! Hindi ka ba tinawagan ni Lance na hindi tuloy ang flight ko?" nanlaki ang mata ni Joey.
"Po?" palpak na naman?
"Yeah. May bagyo kasi so cancelled ang flight ko. Hindi ka man lang tinawagan ng boss mo?"
Agad naman kinapa ni Joey ang cellphone sa bulsa. Pero hindi nya nahanap. Huli na para maalala nyang nawala ito. Malamang naiwan nya sa taxi o baka nahulog sa pagtakbo nya kanina.
"Naku, baka po tumawag nga sya. Pero hindi ko lang nasagot kasi, w-wala na yung phone ko. Nahulog po yata kanina."
"I'm sorry for what happened, Joey. Ganito na lang. Since hindi naman tuloy ang flight ko, wala naman akong aasikasuhin. Come with me." hinawakan sya nito sa kamay.
"Naku, Ms. Liz. May trabaho pa po ako."
"Just leave it to me. Hayaan mo ang boss mong tumanda sa galit. Let's torture him a little bit. Come."
Isinama sya nito sa opisina na mukha na ring kwarto sa laki at ganda. Medyo nawala ang panlalamig nya ng makapasok doon.
Pinag-shower sya nito at ipinasuot ang puting robe.
"I think, it's time for you to change your look." Isa isang tiningnan nito ang mga damit na nakahanger. "What to wear?" sabi pa nito at tuwang tuwang binihisan sya na parang manika.
Ang laki ng damitan ni Liz. Parang department store sa mall. Lahat magaganda at mamahalin. Pinasuot nito sa kanya ang ibat ibang damit. Over stylish, walang dating, hindi bagay. At matapos ang ilang oras na papalit palit ng damit, lumagpak sila sa perfect style. Ngayon, naisip nyang mahirap maging artista na bihis ng bihis.
"Now, tingnan natin ang magiging reaksyon ng boss mo kapag nakita ka." tuwang tuwa si Liz habang nakatingin sa kanya.
"Ms. Liz, nakakahiya naman po. Promise lalabhan ko po agad to tapos dadalhin ko bukas sa office." sabi ni Joey.
"No. It's a gift. I have tons of dresses. Besides, hindi ka ba natuwa sa look mo? Mas lumabas ang ganda mo. And let's see kung hindi mapalingon sayo ang pusong bato ng kapatid ko." masayang sabi nito habang binibistahan sya ng tingin.
Totoo ang sinabi nito. Hindi nga nya nakilala ang sarili kanina nung tumapat sya sa salamin. Ito ba ang sinasabi ng kuya nya na pambabaeng style? Parang gusto na nya ang ganitong pananamit.
"Now, you need to go back. Ipapahatid na lang kita sa driver ko. Thanks for bringing this to me." sabi ni Liz. Matapos magpasalamat ay umalis na sya.
Kahit papano ay nabawasan ang inis nya sa binata. Parang nag-eenjoy na nga sya sa pinapagawa nito. At excited na sya sa susunod na ipapagawa ng amo. Pero sana yung kakaiba naman. Yung hindi na sya papatakbuhin sa ulan.
BINABASA MO ANG
Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)
RomansaLady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa facebook kasama ang pictures nyo with the book. THANK YOU! ♥