Chapter 8

25.6K 413 22
                                    

Chapter 8


"O, kumusta ang lakad mo?"

Naabutan ni Joey ang ama na abala sa kusina, naglalagay ng plato at mga kutsara sa mesa.

"Ayos naman, 'Tay." Kinuha nya ang kamay nito at nagmano. "Dapat hinintay nyo na po ako. Para ako na lang ang nagluto ng tanghalian natin." Alas dose na kasi sya nakauwi dahil sa mabigat na traffic.

"Ayos lang. Ang kuya mo naman ang nagluto nyan." kumunot ang noo ni Joey at huli na para maalala na ganitong oras nga pala nakakauwi ang kuya nya galing sa trabaho.

"Kain na tayo.", maya-maya ay narinig nyang sabi ng kuya nya.

Humila ng upuan ang dalaga sa maliit at bilog na mesa, ganun din ang ginawa ng ama at ng kapatid. Pagkatapos magdasal ay sinimulan na nilang kumain.

"Anong nagyari sa lakad mo? Balita ko sa Louvre ka raw pumunta ah. Mabuti pinapasok ka dun." pang-aasar ng Kuya Rick nya. Kung wala lang sila sa harap ng pagkain, kanina nya pa ito binatukan.

"Ako pa ba? Ganito lang ako manumit pero maganda ako 'no?" natawa lang ito sa reaksyon nya.

"E ano ngang nangyari?" tanong ulit nito.

"Ayun, kinausap ako ni Ms. Liz. Yung kapatid ng crush ko." nagkatinginan naman ang kuya at tatay nya.

"Weh? May crush ka? Wala naman ibang kapatid na babae si Liz Del Fierro ah." tiningnan ulit ito ni Joey ng masama. Umandar na naman ang pagiging alaskador nito.

"Kuya, naman e. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga ako tomboy? Lalaki ang crush ko, no? Si Lance. At wag ka, kuya. Nag-offer si Ms. Liz sakin na maging secretary ng kapatid nya." tumawa lang ang kuya nya na parang hindi sya pinaniniwalaan.

"Nakapasok ka lang sa opisina nila, nag-imagine ka na agad na empleyado ka rin doon." Tatawa-tawa pang sabi nito.

Dahil doon ay nainis na ang dalaga. Bakit ba ayaw syang paniwalaan ng kuya nya?

"Ah, ganun? Ayaw mong maniwala, ha? Eto. Tingnan mo to.", kinuha nya mula sa bag ang calling card na binigay ni Liz sa kanya. "Ayan. Para maniwala ka na nag-offer nga sya sakin ng trabaho." kinuha ng kuya nya ang card at binasa ang nakasulat na pangalan doon. Mukhang naniwala na. Alam nitong hindi makakakuha ang dalaga ng calling card, unless ang may-ari mismo ang magbigay.

"Seryoso nga?"

Tumango si Joey bilang sagot saka sumubo ng kanin.

"Tinanggap mo na?"

Umiling ang dalaga.

"Sabi ko pag-iisipan ko ---" dahil doon ay binatukan sya ng kapatid. "Aray, kuya! Ang sakit ha?"

"Tanga mo kasi, tol! Bakit sinabi mong ganun? Ano yun, choosy ka pa? Ayan na nga ang trabaho oh. Lumapit na sayo."

Binatukan nya rin ang kuya nya bilang ganti. Napapailing na lang ang tatay nil ana tuloy lang sa pagkain at mataman na nakikinig. Sanay na ito sa bangayan ng dalawang anak.

"Eh malamang! iniisip ko lang din yung kapakanan ng taxi. Sino mag-aasikaso nyan?" paliwanag ni Joey.

"Eh di wala. Dyan lang yan sa garahe." Napailing ito at tuluyan nang binitiwan ang kutsara para harapin sya. "Alam mo ba na maraming nagkukumahog para lang makakuha ng trabaho doon? Kahit ako nag apply dun eh. Hindi lang ako tinanggap dahil over qualified ang kagwapuhan ko."

Napaikot ng mata si Joey. Ayan na naman ang kuya nya.

"Kaya maswerte ka dahil walang kahirap hirap kang nakapasok dun. Ano ka ba? Akala ko ba matalino ka?" mukhang tinamaan naman si Joey sa sinabi ng kuya nya.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon