Chapter 21
Hindi yata tamang sabihin na maagang nagising si Joey. Dahil ang totoo, hindi talaga sya nakatulog. Dahil sa excitement, nawala ang antok nya kagabi. Kaya inayos na lang nya ang mga dadalhing gamit.
Inilabas na ni Joey kagabi ang laman ng aparador nya at ikinalat sa kama. Naghanap sya ng damit na sakto sa klima sa New York. Kaso wala syang ganun. Ano naman ang gagawin nya sa makakapal na jacket at trench coat? Hindi naman nya ito magagamit dito sa Pilipinas. Panay t-shirt, shorts, pantalon at ilang jacket lang ang meron sya. Ni wala nga syang gwantes e. Biglaan naman kasi itong boss nya kung magsabi. Hindi man lang sya nabigyan ng time na makabili kahit isang pirasong jacket lang.
Dahil sa excitement, ni hindi nya man lang naisip iyon nang sabihin sa kanya ng amo na aalis sila. Malamig pa naman ang klima ngayon dahil malapit ng magpapasko. At sigurado sya na umuulan ng yelo sa lugar na pupuntahan nila.
Then the paper bag caught her eyes. Iyon ang ibinigay sa kanya ni Liz.
Agad na kinuha nya ang mga iyon para tingnan ang laman. Ganun na lang ang tuwa ng dalaga ng makitang halos pang-winter lahat ang laman noon. Bakit sa tingin nya, may alam ito sa plano ng kapatid?
Bahala na nga. Ang mahalaga, may maisusuot sya. Dahil ilang pares na damit lang iyon, alam nyang hindi yun sapat para sa ilang linggong ititigil sa ibang bansa. Lalabhan na lang nya pagkatapos.
5:30 na ng umaga ng tumingin ang dalaga sa orasan kaya bumangon na sya at nagsimula ng magprepare. Pupunta pa sya sa DFA para kumuha ng passport. Mukhang pati iyon ay ginamitan ni Lance ng connection dahil masyadong expedited ang process. Imagine, same day makukuha nya rin agad ang passport. Para lang syang nagpakuha ng ID picture.
SUNOD-SUNOD NA BUSINA ang narining ng dalaga mula sa labas ng bahay. Napatingin sya sa wall clock. Most punctual talaga itong boss nya. Kapag sinabing darating ng 7pm, ganung oras talaga darating o mas maaga pa roon.
"Good evening, sir." Bati nya sa binata nang mapagbuksan nya ito ng gate.
Nakasandal ito sa kotse habang hawak ang susi. Simpleng polo shirt at jeans lang ang suot nito pero umaapaw pa rin ang sex appeal. May panahon man lang kaya na hindi malakas ang dating nito?
"Yan lang ang dala mo?" sa halip ay tanong nito.
Napatingin din si Joey sa hawak nyang maliit na maleta.
"Yes, sir." sagot nya. Bakit? Kulang pa ba ang dala nyang gamit? Uuwi pa naman sila diba?
"Ako na ang maglalagay nyan sa compartment. Pumasok ka na sa kotse." bossy!
Nakatingin lang sa labas ng bintana ang dalaga habang nasa sasakyan. Maya-maya ay napansin nyang hindi papunta sa airport ang dinadaanan nila.
"Sir, mali yata tayo ng dinadaanan? Hindi po ito ang papunta sa airport." Nagpalinga-linga pa ng dalaga sa paligid.
"I know. But we need to buy some things. We'll be quick."
Tumango na lang si Joey at hinayaan magdrive ang binata.
Maya-maya ay iniliko nito ang kotse sa harap ng mall. "Let's go. Sayang ang oras."
Bumaba na din agad sya at pumasok sa mall. Sa entrance pa lang ay marami nang napapatingin sa kasama nya. Sino ba naman ang hindi? Kahit sino naman yata ay mapapasecond look sa binata. Masyado itong gwapo sa paningin. May pagmamadali sa kilos ng binata kaya binilisan din ni Joey ang hakbang. Kailangan din nilang magmadali dahil baka abutin sila ng traffic papunta sa airport.
Umakyat sila sa upper floor ng mall. Natigilan na lang si Joey ng pumasok si Lance sa kilalang boutique. It was a huge one and never she had imagined na papasok sya doon. Kahit yata sa panaginip hindi nya gugustuhin dahil manliliit lamang sya. Ginto ang presyo ng mga damit at sapatos doon. Sa labas pa lang ay makikita na ang karangyaan ng tindahan.
BINABASA MO ANG
Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)
RomansaLady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa facebook kasama ang pictures nyo with the book. THANK YOU! ♥