Chapter 5
Nang dahil sa nangyari tuluyan nang uminit ng ulo ni Lance dahilan para masira ang araw nya. For the nth time kasi, palpak na naman ang nakuha nyang sekretarya. Why do people find it hard to follow his simple rules? Sa lahat pa naman nang ayaw nya ay yung palpak magtrabaho. Kung sa simpleng instructions hindi na nito kayang sumunod, paano pa ang ibang iuutos nya? It will only lead to wasted time na sana ay nagamit sa mas importante pang bagay.
Inis na tumayo ang binata mula sa swivel chair at kinuha ang cellphone kasama ang car key sa mahogany table saka lumabas ng opisina. He needs to go somewhere. Hindi rin sya makakapagtrabaho nang maayos dahil sa nararamdamang inis.
Sumakay sya sa elevator at dumiretso sa basement parking. Hindi nya alam kung saan sya pupunta sa ganito kaagang oras. Basta gusto nya lang muna lumabas ng opisina.
He started the ignition at pinaandar na ng mabilis ang black Dodge Viper nya. Palabas na sana sya sa parking nang biglang may pumasok na maroon Porsche Boxster. He knew that car. Maya-maya pa ay bumaba na ang driver nito at naglakad sa may kotse nya.
"What the hell was that?" galit na tanong ni Lance dito ng makalapit ito sa kanya.
Sa halip na masindak ay natawa lang ang kausap. "Hold it, bro! Masyadong mainit ang ulo mo. Ang aga-aga." Tiningnan ito ng masama ni Lance. Pero hindi man lang nagpaapekto ang babae. Sanay na ito sa temper ng binata.
"What are you doing here in my building, Liz?" tanong ulit ng binata dito.
"Dont be so cruel, Lance. FYI may karapatan din ako sa building na 'to so I can trespass here anytime I want. So now, tell me. Saan ka pupunta?" napabuntong hininga na lamang ang binata. Knowing his sister, sigurado syang hindi sya titigilan nito.
"YOU JUST what?! You're crazy, Lawrence! Let me remind you. Lisa is your 33rd secretary. 33rd! for Pete's sake! Tapos sinesante mo na naman? Are you out of your mind?" wala man lang reaction si Lance sa sinabi ng kapatid. Hindi na rin kasi bago sa kanya ang mga pinagsasabi nito. Sa totoo lang pang 33rd time na rin nitong sinasabi sa kanya ang linya na yun.
They were at the restaurant. Sa may open space sila pumwesto malapit sa likurang area para hindi rin maraming tao.
"Tone down your voice, will you? And it's her fault, not mine. What she did was unacceptable. She lost the proposal. If you were on my part, what will you do?" hindi agad nakapagsalita si Liz. May point ang kapatid nya, yun nga lang in a cruel way.
"Suspension muna siguro. But at least, I'll give her a second chance. Hindi yung tanggal agad. Kawawa naman yung tao." sumimsim ng watermelon smoothie si Liz. "And besides, wala ka bang personal copy ng proposal na yun?"
"I do. But that's not the point. She lost it. Paano kung makuha ng kalabang company yun? We're dead, Liz." Inisang tungga lang ni Lance ang brandy na nasa baso. Pagkatapos ay nagsalin uli.
"Okay, chill lang!"
Liz and Lance were twins. Hindi sila identical. Kaya madalas silang napapagkamalang magkarelasyon. Much to their advantage dahil nakatulong iyon sa dalawa para itaboy ang mga nagpaparamdam sa paligid. Parehong matalino at parehong magaling sa negosyo ang dalawa. Yun nga lang may mga bagay din silang ipinagkaiba. Unang-una na ang ugali.
Lance is a serious-type guy. Pero iyon din ang dahilan kaya nakakahakot sya ng babae. He is cruel when it comes to failed tasks. Work is work. Hindi dapat hinahaluan ng personal life. Wala sa vocabulary nya ang salitang "second chance". Hindi nya ugaling maghanap ng tauhan dahil sya mismo ang hinahanap ng mga ito. And he's a living evil in a very attractive and handsome look.
While Liz, sya naman yung bubbly-type. Lahat sa kanya, may pag-asa. Hindi sya nagbibigay agad ng desisyon kapag nakikita nyang may magbabago pa. Mabait sya sa mga tauhan at madalas syang lumabas kasama ang mga ito. Pero kahit ganun, hindi pa rin nawawala ang respeto ng mga empleyado nya sa kanya.
"Why are you in Louvre anyway?" Lance asked. Saka lang nito naalalang tanungin ang kapatid.
"Well, your secretary just told me yesterday that you're not coming to our family dinner. You know you can't skip, right?"
"Busy ako, Liz."
"Not for our family dinner. You're going home on Wednesday."
MAAGANG UMUWI si Joey kinagabihan dahil na rin maaga syang nagsimulang magmaneho kanina. Pagod na ang katawang lupa nya kaya nagdesisyon ang dalaga na magpahinga na muna.
Naabutan nya ang ama na nanunood pa ng T.V. sa sala. Lumapit sya dito at nagmano.
"Bakit gising pa po kayo, 'Tay? Gabi na ah." 11pm na kasi at madalas ay natutulog na ito ng ganoong oras.
"Hinintay lang kita dumating. Kumain ka na dyan at matulog ka na agad pagkatapos." bilin ng ama.
Napangiti si Joey. May mga araw na hindi nya nakikita ang ama. Madalas kasi ay madilim pa, umaalis na sya para mamasada. Pag-uwi naman nya sa gabi, tulog na ang tatay nya.
"Masyado mo nang pinapagod ang sarili mo, anak. Wala ka naman boundary na kailangan makumpleto. Umuwi ka nang maaga para may pahinga ka pa rin."
"Opo, 'Tay. Magpahinga na po kayo. Lilinisin ko lang din po sandali yung taxi tapos matutulog na din ako."
"O, sya sige." humalik sya sa pisngi ng ama at dumiretso na sa hapag. Kumain muna sya ng hapunan bago sinimulan maglinis ng taxi.
Si Joey ang tipo ng babaeng praktikal. Kung praktikalan lang ang pag-uusapan, mananalo talaga sya. Hindi sya umaasa sa car washing services. Marunong sya maglinis ng sasakyan. Hindi rin sya nagpapa-laundry ng damit. Ang dahilan nya, tatlo lang naman sila sa bahay at iyon ba ay iaasa nya pa sa iba? At isa pa, mas mabango at malinis pa ang laba nya kaysa sa mga nilabhan sa laundry.
Kinuha ng dalaga ang timba at pinuno iyon ng tubig saka nilagyan ng sabon. Binuksan nya ang lahat ng pintuan ng taxi at isa isang tinanggal ang floor mat doon. Huling mat na ang tinanggal nya ng may makatawag sa pansin ng dalaga sa sahig ng backseat.
Medyo nahirapan pa syang kunig iyon dahil naipit ito sa gilid ng upuan. Sinipat nyang mabuti ang bagay na nakuha sa kotse. Isa iyong flash drive. Kulay itim ito at dahil itim din ang kulay ng sahig ng taxi, hindi rin agad napansin iyon kanina.
Sa tingin nya ay hindi lang ito basta flash drive. Tiningnan nya itong mabuti at napasin nyang may naka-embossed na pangalan dito.
Louvre International Group of Companies.
Malamang nahulog iyon nang babaeng pasahero nya kanina. Ipinagpatuloy ng dalaga ang ginagawa habang nasa isip ang planong gagawin kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)
Любовные романыLady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa facebook kasama ang pictures nyo with the book. THANK YOU! ♥