Chapter Two: A Deal

35 3 0
                                        

Jerome’s POV

            Wow ha! Medyo matagal-tagal na din ng huli akong makakita ng babaeng asar sa akin ah. Lahat kasi ng babae, ngitian ko lang haling na agad sa akin. Uhm, maganda sya in fairness. Chubby pero sexy. So, ano kaya ang pangalan nya?

“Wait kulit! Ang mga areh ay istudyante ko, ipapakilala ko muna sayo para naman may background ka na”, napatuon naman ang atensyon ko kay Ma'am Jana.

“uhm. Sige po.”

            What? Kulit ang pangalan nya! Haha. What a funny name. then I realized, she is Coline pala. The exceptional girl. The girl of everyone’s dream. So, sya pala yung babaeng lagi nyang binabanggit sa akin. Finally, we meet. Not bad. Tama nga siya. She’s not easy to get. But I know, one week lang yan. I can handle her, I know it! With this charm? Why not! Wala pang hindi nahuhulog sa kamandag ng mga ngiting ito at sa mga swabe kong the moves.

“So pare, what’s the plan? Mukha atang type mo si Ms. Sungit ah?”

“Arjay, easy. Hinay-hinay ako syempre. Kailangan pagplanuhan. Bawal ang wrong moves dito. So, magkano ang bet mga pare?”

“Sige, isang libo.”

“Huh! Pareng JC, ganyan ba kababa ang tingin mo sa mukhang ito. Dagdagan mo pa!”

“geh, limang libo. Final bet!”

“Alam nyo mga brad, ikain nyo nalang yan. Kayo’y mga lasing na eh. Sari-sari na lumalabas sa bibig nyo.”

“Kow! Baklang ito. Bakla ka talaga Terrence!”

“Hoy Jerome, kilala mo ko! Anong bakla ka dyan? Alam na alam mong nagkakandarapa ang mga babae sa akin.”

“Edi pumusta ka nalang!”

“Sige, sampung libo. Hindi mo yan mapapasagot.”

“Geh ba! We have a deal.”

            Haha. Lakas ko din nga naman makauto ano? Kinse-mil! Haha. Iba na talaga ang negosyante. Sigurado naman ding mapapasagot ko ang babaeng ito, easy!

            Simula na ng plano…

Coline’s POV

Shit! Bakit dumilim? Hayx! Ano ba? Hindi ako komportable ng ganito. Hindi ako makahinga!!! Grrr. Sino ba itong mokong na ito?!

“Hoy! Ano ba, sino ka ba?”

“Hulaan mo kung sino ako!”, alah! Chipmunks lang ang peg?

“Wala ako sa mood makipagbiruan, ano ba?!”, wag mo kong hintayin na hawakan ka sa maselang parte, lagot ka sa akin!

“Hulaan mo nga sabi.”

“Sige!”

“Uy!!! Ano ka ba?! Wag dyan, nakakakiliti. Wag sa kili-kili ko!!! Hihi.”

“Jerome!!!!”

            Ano naman kaya ang problema ng isang ito? Hayx. Yan tuloy, gulong-gulo ang buhok ko. Ano ba yan! Panira ng beauty. Hmp!

“Birthday ko bukas, regalo ko?”

“Don’t care. :)”

“Ay. Miss naman. Kahit ano, kahit isang Empi lang?” aba! Sabay pout pa ng nguso nya. Hoy lalaki, kahit mapula yang labi mo, hindi mo ko madadaan dyan!

“Uhm, pag-iisipan ko.”I returned the same face.

“Ah. Sige, kiss nalang?”

“Jerome, manyak lang?”

“Dali na naman, kahit sa chicks lang.”

“Ayoko nga!”

“Ah, sige. Sa puwet nalang. XD”, ala! Kamanyakan talaga. Eeeew! Over my dead sexy and oh-so-gorgeous body!!!

“Gusto mo ng SAPAK?!”

“Miss naman. Joke lang pows! Di na pows mabiro pows iiii. Basta Makita lang kita, ayos na. :)”

            Oh, Mr. Jerome Garcia, wag na wag mo kong idadaan sa mga linyang iyan at baka mamaya MA-INLOVE ako sayo. Ha? Este masapak pala kita. Hayx! Ano ba yang pumapasok sa utak ko. Hay naku. Braincells, work properly!!! >.<

“Sige na, pupunta ako. :) wag ka na makulit ha?”

“Yehey! I love you…!”

“Ha? Anong sabi mo?”

“Wala pows. Thank you pows!”

So, pupunta kaya ako? :)

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon