Terrence’s POV
Hindi ko na masyadong nakikita si Coline ngayon. Huli ko syang nakita ay noong painom ni Don Alex. Mga limang araw na din ang nakalipas simula noon kaya wala na akong kabali-balita sa kanya. Tapos noong championship game naman, wala sya kaya un! Talo kami. Walang inspiration eh. Haha. Nasan kaya sya ngayon? Sana ayos na sya.
“Huy! Tunay ga daw?”
“Alin?”
“May syota na daw yung anak ni Don Alex.”
“Sino?”
“Si Jerome daw?”
Nagulat ako sa narinig ko! SILA na ba talaga?!
“Ulitin mo nga sinabi mo?” Kinwelyuhan ko yung lalake.
“Si Jerome daw eh pare. Sino ka ba?”
Shit! Nasaan ka Jerome! Hayop ka, humanda ka sakin!!!
“Jerome! Hay*p ka!” Kinwelyuhan ko yung lalake. Agad akong naharang nina Ryan.
“Tang-*** pare, wag ka naman manunugod ng ganyan!”
“Put* diba sabi ko sayo, wag mo guguluhin si Coline?
“Diba sabi ko din sayo, kung ayaw mong maunahan ka, wag kang duwag!!!”
“Ano sabi mo?!”
“Ang sabi ko duwag! DUWAG!!!”
“Putek! Bitawan mo ko Ryan! Papatayin ko tong lalaking ito!”
“Oh! Edi magkapatayan na!”
“Mga pare! Tama na? Babae lang yan. Magkakagulo ba tayo ng dahil lang sa babae?”
“Wag mo lang-langin si Coline!”
“Bakit Terrence, mas mahalaga ba sayo ang babae kesa sa samahan natin?”
“Ryan, kung ibang babae yan, ayos lang. pero hindi eh, si Coline yan!”
“Oh, ano ba meron kay Coline ha duwag!”
“Mahal ko si Coline! Mahal ko sya!”
“Eh ganun naman pala eh, kwits lang tayo!”
Anong sabi nya? Ibig sabihin ba nun, mahal nya din si Coline.
“Terrence, wag ka na umasa! Ako ang mahal nya at sakin lang sya! Tanggapin mo ang katotohanan. Tsaka, kasalanan mo din naman… kasi duwag ka! Kasi wala kang ginawa diba?”
Kahit medyo sarkastiko ang pagkakasabi nya, may punto sya. Tama! Duwag nga ako. Kasi napakatapang ko na tanggapin ang pagkatalo ko, Makita ko lang na Masaya sya.
“Nakikiusap lang ako… wag mo syang sasaktan. Nagmamakaawa ako, wag mo sya paiiyakin. Kung hindi, kalimutan mo nang may matalik kang kaibigan!”