Terrence’s POV
Eto na ang araw. Pero sisiguraduhin kong hindi mananalo si Jerome sa pustahan. Hindi naman sa nanghihinayang ako sa sampung libo, kahit medyo malaki yun. Ayoko lang naman kasi na makikita sya na niloloko ng iba. Oo, tama ang nasa isip nyo. Gusto ko si Coline. Sya lang ang dahilan kung bakit ako sumali kena Jerome. Sya din ang dahilan kung bakit ginusto ko ulit maglaro ng basketball kahit alam kong bawal. Sya lang ang dahilan ng lahat.
FLASHBACK
“Terrence iho, baka naman gusto mong pag-isipan yan. Alam mong magagalit ang ama mo sa gagawin mo ngayon.”
“Alam ko tito Ed. Kaso gusto ko talaga maglaro ng basketball.”
“Pero iho, alam mo naman ang kundisyon mo ngayon diba?
“Opo. Alam ko.”
“Kung ganon, sa Team nalang na binuo ko ikaw sumali para kahit papaano naman ay masusubaybayan kita.”
“Pero tito, buo na ang desisyon ko. Sa team ng De Silva ako sasali.”
“Dahil bas a barkada? Nasa team ko naman si Jayson, ang bestfriend mo.”
“Pero tito…”
“Gusto mo ba talagang maglaro ng basketball o gusto mo lang mapalapit sa kanya?”
“Tito…”
“Sige, babae naman ang dahilan mo. Pumapayag na ako. Basta galingan mo lang ha? Iba talaga ang halina ng anak ni Alexander ano?”
“Salamat tito. :)”
Pero hanggang ngayon, hindi pa din kami nagkakalapit. Ni hindi nga kami nagkakabatian eh. Tapos ngayon, pimagpustahan pa naming sya. Tsk! Bobo mo talaga Terrence!!! Sana lang hindi nya malaman ito. Kaya lang naman ako sumali para mailigtas ko sya. Ipagpapaubaya ko nalang kay Lord ito. Sana wag nya sagutin si Jerome… Sana may magawa ako, na TAMA!
Jerome’s POV
Yan na, birthday ko na! Laksan mo loob mo Jerome. Kaya mo yan. :) by the way, 17 na nga pala ako. Ako kasi ang pinakamatanda sa aming magbabarkada, pero ako yung pinakatamad. Tambay at pangbababae lang ang hanap-buhay ko. Itinakwil na din ako nina ate eh, iniwan ako sa lugar na ito, kaya no choice ako.
Pero ngayon, bagong trabaho na naman. Instant 15,000 ako ngayong buwan na ito. O baka hindi pa nga abutin ng linggo!
“Parekoys! Nakabili na ba ng pulutan at empi dyan. Set nyo na ang table.”
“Dre, excited ka naman masyado. Sabi ni Jen, maya-maya pa sila. Mukhang nag-aayos pa.”
“Kow! Iba na talaga pag gwapo. Sige, I understand naman kasi para sa kagwapuhan ko! Haha.”
“Ulol! Dre baka mamaya nyan, mapahiya ka?”
“Si Jen at Coline lang ba?”
“Ang sabi may isa pa, si Pauline ba yun? Yung kapatid ni Jen.”
“Talaga?”, o bakit naman kaya nakasabat itong pinsan ko.
“Oo Ryan, bakit?”
“Ah. Wala naman.”
“Crush mo yun insan ano?”
“Ulol! Hindi. Nakikita ko lang sya dati noong elem pa tayo.”
Oo nga pala, mga graduate na ang mga ito ng highschool. Ako nalang ang hindi. Kakatamad kaya pumasok. Tapos wala pang pera, yung ipamumudmod ko sa school, ibibili ko na lang ng alak.
“Oh guys, andito nap ala sila.” Aba! Oo nga. Teka, parang may kakaiba sa kanya? Di ko alam pero parang napapatulala ako.
“Jerome, ang bibig mo. Baka tumulo ang laway, mapasukan pa ng langaw yan. Hindi ka na naawa sa langaw, siguradong lunod yun.”
“Ha? Ah! Coline. Andyan na pala kayo? Hindi ko napansin kasi may nakita akong tao dun!” Palusot.com, haha. XD
“Hindi! Image lang ito. Picture lang!”
“Haha. Cousin, so lukreng talaga. Harhar!”
“Ah, sige upo kayo.” Pahiya-mode naman ako doon ah!
“So, 17 ka nap ala. Natanda na ah, pero pandak padin?”
“Matangkad naman ako sayo ah!”
“Ng 3 inches? Haha. Eh 13 lang kaya ako.”
“Bata ka pa pala.” Hindi halata, kala ko nanganak ka na ng sampu!
Konting jamming lang. kwento dito, kwento doon. Shot dito, shot doon. Maya-maya lang, sasabihin ko na. Konting inom pa, sigurado masasabi ko na.
“Coline…”
“Yes?”
“Maganda ka ngayon.”
“Ah. Bakit? Ngayon lang ba?”
“Hindi. Ang ibig kong sabihin, mas maganda ka ngayon.”
“Talaga? Salamat!”
“Uhm…”
“Uhm?”
“Gutom ka pa ba?”, ay naku naman! Bakit bay un ang nasabi ko. Namemental block ako ah. Wait… may laman ba itong utak kong ito? Paano kaya ako namental block? XD
“Hindi naman ako ganun katakaw ano.”
“Ah.”
“…”
Isa pang try…
“Coline?”
“Oh? Bakit na naman?”
“May…”
“May?”
“May boyfriend ka na ba?”
“Uhm. Wala naman.”
“May nagugustuhan ka na ba?”
“Uhm. Meron naman syempre. Tao din naman ako no?”
“Ako bay un?”
“Ano?”
“Este kilala ko ba?”
“Uhm…”
“Uhm?”
“Di mo naman sya kilala. Bakit?”
“Pwede ba kita ligawan?”
“Ha?”
“Sabi ko, liligawan kita!” naku! Bakit ako sumigaw?
“Atat lang at kailangan sumigaw?”
“Hindi naman. Hihintayin ko naman ang sagot mo.”
“Oo naman. Pwede. :)”
“Talaga?”
“Ayaw mo ata, babawiin ko?”
“Yes!”
“Ha?”
“I mean hindi. Uhm… I mean, gusto ko. Wag mo bawiin.”
Sabi na nga ba eh, madali lang ito…
