Terrence’s POV
“Oh guys, andito nap ala sila.” Nandito na nga sila. Shit! Ang ganda nya talaga kaso… parang ang iksi naman ata ng suot nya? Ano ba yan? Nakakainis.
“Jerome, ang bibig mo. Baka tumulo ang laway, mapasukan pa ng langaw yan. Hindi ka na naawa sa langaw, siguradong lunod yun.”
“Ha? Ah! Coline. Andyan na pala kayo? Hindi ko napansin kasi may nakita akong tao dun!” Palusot naman ang isang ito, halatang-halata naman ang kamanyakan! Asar!
Bakit ba ganun ang suot nya? Dati naman, hindi sya ganun manumit. Tuwing nakikita ko syang lumalabas noon ng bahay nila para bumili sa tindahan, lagging jogging pants at maluwag na tshirt ang suot nya ah. Pero ngayon? Tapos parang pininturahan pa yung labi nya. Pero halata namang hirap na hirap sya na itsura nya ngayon. Kung may lakas ng loob lang sana ako para lapitan sya at takloban lahat, gagawin ko. Kaso wala eh, duwag talaga ako.
Coline’s POV
“Coline…”
“Yes?”
“Maganda ka ngayon.” Say! Buti naman napansin mo. Todo effort kaya kami dyan!
“Ah. Bakit? Ngayon lang ba?”
“Hindi. Ang ibig kong sabihin, mas maganda ka ngayon.”
“Talaga? Salamat!”
“Uhm…”
“Uhm?”
“Gutom ka pa ba?”Aba! akala mo sa akin? Matakaw? Sugapa?
“Hindi naman ako ganun katakaw ano.”
“Ah.”
“…”
“Coline?”
“Oh? Bakit na naman?”, Makulit lang?
“May…”
“May?”, May? June? July? Haha. XD
“May boyfriend ka na ba?”, say WHAT?
“Uhm. Wala naman.”
“May nagugustuhan ka na ba?”, aba. Aba. May balak ata ito?
“Uhm. Meron naman syempre. Tao din naman ako no?”
“Ako ba yun?”
“Ano?” Kapal lang ng mukha?
“Este kilala ko ba?”
“Uhm…”
“Uhm?”
“Di mo naman sya kilala. Bakit?” haha. Kung alam mo lang, kilalang-kilala mo!
“Pwede ba kita ligawan?”
“Ha?” Sabin a nga ba eh, I’m so brainy talaga!
“Sabi ko, liligawan kita!” Ay! Naninigaw? Hamit lang?
“Atat lang at kailangan sumigaw?”
“Hindi naman. Hihintayin ko naman ang sagot mo.”
“Oo naman. Pwede. :)” Sige, try ko to. Baka uubra ang sinabi ng lukreng!
“Talaga?”
“Ayaw mo ata, babawiin ko?”
“Yes!”
“Ha?” Ano daw???
“I mean hindi. Uhm… I mean, gusto ko. Wag mo bawiin.”
Say! Mukhang may nabiktima na naman ng beauty ko. It’s really good to be pretty you know! Haha. XD Pero gagawin ko lang naman ito para mapalapit kay ‘Dan. Wala nang iba. Walang commitment. Walang attatchment. At higit sa lahat, BAWAL MA-INLOVE.
Pauline’s POV
Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya ayaw ko sumama kagabi! PUYAT na naman ako. Wala pa akong tulog! Nagkapimples tuloy ako sa ilong! EEEEEWWWW. Napuyat ako, buruin mo ba naman, 1:00am na kami nakauwi! Si Jen kasi, ayaw pa umalis. Nandoon kasi si Jake, yung bunso nina Jerome.
Tapos hindi pa ako makatulog ng ayos kasi itong dibdib ko, parang may nagdidrill!!! Nakita ko lang si Ryan, nagkaganito na ako! Yup, tama kayo. Si Ryan na pinsan ni Jerome ang ultimate crush ko. Simula elem pa kami, lagi ko na syang tinitingnan. Tuwing dumadaan kami sa room nila at kahit sa canteen. Paano mo ba naman mareresist ang charms ng lalaking iyon, ay grabe! Ang gwapo talaga!!! At ang tangos pa ng ilong!!! As in! Lunod na lunod ako sa ilong nun pag nagkataon. XD
“Jen, good morning!”
“Good morning din naman sayo ate… at sa pimples mo! Haha.” Ano ba namang babae ito, may pimples na nga, binate pa. baka dumami ito ah! Wag naman sana.
“Haha. Funny!”
“Tawagin mo ko pag nahinog na ha? Pipitas ako! Ahaha.”
“Kei fine!”
“Uhm… Sya nga pala ate, kamusta ang date?”
“Date?”
“Date nyo ni papa Ryan!”
“Ha? Saglit lang naman kami nagkausap kagabi eh.”
“Saglit? Eh kitang-kita kaya naming ni Ang na nagtatawanan kayo.”
“Sila yun. Nakikitawa lang ako.”
“Okie, pero kilig?”
“Oo naman. Sa uulitin. :)”
“Inang!!! Nagdadalaga na ang ate ko!!!” sabay hampas?
Oo, sana nga maulit. Kahit saglit ko lang sya nakausap, malaking bagay na din yun. Sana nga maulit, kahit saglit lang ulit.
