Coline's POV
Bakit di sya nagtext ngayong umaga? Sanay naman ako na laging may nakikitang text nya. Lagi naman syang nabati sakin, pero ngayon wala. Hinihintay ko padin ang text nya kahit ala-una na ng hapon.
Text Message:
"Kuya, kasama mo ba si Jerome ngayon?"
"Hindi eh"
"Nasan kaya sya"
"Yan ang di ko alam"
"Kuya, nag-aalala ako sa kanya
...tulungan mo ko."
Terrence's POV
Hayx! Ang inet. Masarap na sana ang tulog ko, nagvibrate lang cp ko. Hay! Yaeh na nga. Wag na tingnan.
.............
Baka importante, matingnan na nga!
Text Message:
"Kuya, kasama mo ba si Jerome ngayon?"
"Hindi eh"
"Nasan kaya sya"
"Yan ang di ko alam"
"Kuya, nag-aalala ako sa kanya
...tulungan mo ko."
Ano ba naman Coline? Di ka pa ba natatauhan kay Jerome. Sige na nga! Matulungan na. Asar!
"Anong maitutulong ko? ;)"
"Pahanap naman sa kanya oh. Please?"
"Uhm..."
"Kuya, pleas...?"
"Hay! Ikaw ba naman ang matanggihan ko. Naku! ;< Sige na, text kita pag nakita ko na."
"Thank you kuya!"
"May utang na loob ka sakin. Babayadan mo ito."
"Oo na! I love you Kuya!"
Ang sarap sana pakinggan kaso yang "I love you" na yan ay dahil naman sa paghahanap ko kay Jerome. Makaligo muna! (ˋ︿ˊ)
Jerome's POV
Maaga ako nagising pero nakakatamad bumangon. Nakakainis ang cellphone na ito. Vibrate ng vibrate. Niratrat na ako na Coline! Kainis. 100 MESSAGES!!!!?
Ala-una na! Makapag-inom kasama nina budong! Papakalasing na ako para masabi ko na! Baka eeffect!
(Inom Session)
Shit! Hilong-hilo na ako. Aba! Si Terrence yun ah? Kasalukayan naman akong naglalakad sa kawalan kasama ng mga mokong na ito.
"Hoy! Pareng Terrence, sama ka samin. Sa bar! Mangchichicks?"
"Pare! Putek ka?"
"Ano na naman problema mo?"
"Pinag-aalala mo si Coline tapos heto ka lang pala. Nagpapakalunod sa alak?"
"Pake mo? Pake mo ha?!"
(Pok!)
"Aray!!!! Put*, sino namato?"
"Yung mga nakamotor pre!" (Arjay)
"Doon bumaba kena baklang Dave!" (JC)
"Putek! Tara sugudin natin!"
"Hoy Jerome! Tumigil nga kayo dyan?!" (Terrence)
"Di pa tayo tapos tol! Ikaw ang isusunod ko sa kanila!"
Coline's POV
Nahanap na kaya nya si Jerome? Nag-aalala na talaga ako iii. 12:00 am na, naka-isang araw na syang hindi nagpaparamdam.
(Brrrrr...)
Text Message:
From: Arjay
"Coline, si Jerome, napaaway!"
"Nasan kayo?"
"Sa may billiaran!"
"Pupunta ako."
Nakakainis! Bakit kaya? Hayx! Ano na naman kaya ang kalokohan na ginawa nun? Nakita kong nagtatakbo ang barkada nya.
"Arjay, nasan si Je...Jerome! :'("
Nakita ko syang nakahalundusay sa kalsada, punong-puno ng pasa sa mukha at duguan...sa tabi ni Terrence na puro sugat din at may hawak na malaking kahoy sa kanang kamay nya.
"Kuya, ano ito? Ba...bakit mo ginawa ito?"
"Coline, mali ang nakikita mo!"
"Anong mali dito? Anong mali sa nakikita ko. Bakit ha?! Bakit?"
Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso at tinulak sa pader. Nabigla ako sa ginawa nya. Hindi! Hindi sya ang Terrence na nakilala ko!
"Makinig ka muna pwede!!!!"
(Pak!)
"Ano pa ang dapat kong marinig?"
Nagpumiglas ako at nilapitan si Jerome. Tinawagan ko sina manong para dalhin sya sa pinakamalapit na Hospital.
Noong nakarating kami doon, hindi ko maintindihan kung anong gaawin ko. Biglang namanhid ang buong katawan ko.
Iyak ako ng iyak. Hindi ko mapigilan. Kasi ang sakit iii. Sobrang sakit ng nararamdaman ko dito sa puso ko. Pero bakit ganito... Bakit ganitong pakiramdam? Nang bigla ko nalang nasambit ang mga salitang iyon...
"Terrence, I hate you so much! :'("
