Jerome's POV
Heto na naman po ako, may hang-over. (⊙﹏⊙) Pero enjoy naman. Kasama ang barkada eh. Pero pass na naman si Pareng Terrence. Baklang iyon! Nababading na naman ata. Haha.
Medyo miss ko na din ang matalik king kaibigan na iyon. Simula kasi noong naging kami ni Coline, medyo nagkakailangan kami. Pareho kasi kaming may gusto sa kanya.
Alam ko, mahal ko din si Coline. Pero ramdam ko din naman na hindi talaga ako ang mahal nya. Alam kong di sya sakin magiging masaya. Kasi alam kong mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya.
Gusto ko syang mahalin ng higit pa sa lahat, pero parang may parte ko na nagdadalawang isip.
Siguro dahil ano ba naman ako sa kanya? Di hamak na isa lang akong tambay at walang kwentang tao. Eh si Coline? Mayaman, matalino at edukada. Napakaswerte ko nga daw na minahal nya ako. Himala, oo, himala nga siguro!
Gusto ko sya iwan pero masasaktan sya. Ayoko syang saktan. Di kaya ng konsensya ko. Pero mas hindi kaya ng konsensya ko ang unti-unti syang saktan ng bawat araw na ilalagi nya sa piling ko.
Alam ko, nahihirapan na sya. Pero bakit sya nagtitiis sakin? Nagpapakatanga ba sya? Naiinis ako! Ano ba ang dapat kong gawin?
ANO ANG DAPAT KONG GAWIN? :'(
