Chapter Eighteen: Need

15 0 0
                                    

Terrence's POV

Wala akong ginawang masama! Bakit ganun? Ano bang nagawa kong masama para pahirapan ako ng ganito!? Pati babaeng mahal ko!

FLASHBACK

(Pok!)

"Aray!!!! Put*, sino namato?"

"Yung mga nakamotor pre!" (Arjay)

"Doon bumaba kena baklang Dave!" (JC)

"Putek! Tara sugudin natin!"

"Hoy Jerome! Tumigil nga kayo dyan?!" (Terrence)

"Di pa tayo tapos tol! Ikaw ang isusunod ko sa kanila!"

At ayun! Sinugod na namin ang mga mokong na yun. Kahit ano naman pigil ko kay Jerome, hindi yun makikinig eh. Kaya sumama nalang ako.

Kaso malas namin, malalaking tao pala ang makakasagupa namin. Lahat sila may hawak na baseball bat! Kami naman, puro kamao lang ang bitbit.

Kami ang unang sumugod, pero akala namin kaya namin sila. Noong marealize nina Arjay na matatalo na kami, nagsitakbuhan sila.

Tatakbo na din sana ako, kaso nakita ko si Jerome na nakikipagbunuan padin! Ayoko syang iwan. Kahit papano naman, may pinagsamahan kami nyan!

Kasi humantong sa puntong bugbog-sarado na si Jerome at ako nalang ang natitira. Gusto ko na talaga sumuko pero isa lang ang pumasok sa ulo ko...

"Kailangan ko mabuhay! Kailangan ko mabuhay para iligtas ang lalaking toh! Para hindi na muli umiyak si Coline....

Kailangang ko mabuhay para kay Coline!!!"

Ipinagpatuloy ko ang laban hanggang sa huli. Pero noong nananalo na ako, bigla silang tumigil at sinabing....

"Sabihin mo sa kaibigan mong sira-ulo! Hangga't hindi nya nababayaran ang pagkakautang ng ama nya kay bosing, ihahain namin sa kanya ang Impyerno!"

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Jerome sakin noon...

"Terrence, mahal mo lang si Coline. Pero ako, kailangan ko sya! Kailangan ko sya sa buhay ko!"

...Kailangan ko sya sa buhay ko!

Ito kaya yun...

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon