Chapter Eleven (Part One): Terresa

25 2 0
                                        

Don Alexander’s POV

Ipinamulat nya ulit sa akin ang hiwaga ng buhay. Mas matanda sya sa akin kaya’t napapayuhan nya din ako. Noong una, nakatatandang kapatid lang ang turing ko sa kanya pero noong nagtagal, nagkaroon kami ng relasyon. Tapos na din naman sya ng HRM kaya nagsama na din kami sa iisang bubong. Parang mag-asawa.

Noong una, nagging maganda ang pagsasama naming dalawa. Mahal ko sya pero hindi kagaya ng pagmamahal na ibinigay ko kay Charm. Kaya madalas padin akong umuwi na lasing.

“Alex! Saan ka na naman ba nanggaling?!”

“Pake mo ha?!”

“Nangbababae ka ano?!”

“Nangbababae? Isa lang ang babae sa buhay ko!”

“Si Charm ba? Si Charm na naman ang dahilan ng pagwawalangya mo?!”

“Pakealam mo ba?! Tutulog na ako!”

“Wag mo kong talikuran! Asawa mo ko!”

“Ang alam ko sa asawa ko, dun! Nasa taas na! Iniwan ako at iniwan kasama ng anak nya na pumatay sa kanya!”

“Grabe ka! Lahat ginawa ko para sayo, tapos ito lang ang igaganti mo? Isa lang naman ang hinihiling ko eh, mahalin mo din naman ako!”

“Pagmamahal ang gusto mo, pwes madali lang naman yan eh! Ipapatikim ko sayo!!!”

“Alex…! Wag!!! Maawa ka sakin…!”

            Natapos ang araw na iyon, nagising ako at wala na si Terresa sa tabi ko. Nakita ko ang sulat nya…

“Alex,

            Uuwi na ako sa amin. Hindi ko na kayang makita kang nahihirapan at ayoko na din Makita ang sarili ko na pinapahirapan ng isang katulad mo. Mahal na mahal kita pero parang hindi ata sapat yung pagmamahal ko para makalimutan mo sya at magsimula ng panibagong buhay kasama ako. ‘Lex, balikan mo si Coline, balikan mo ang anak mo, para sa akin. Kahit iyon na lang ang ganti mo sa pagmamahal at oras na ibinigay ko sayo. Paalam na. mahal na mahal kita.

Terressa.”

            Natauhan ako! Naiinis ako sa sarili ko. Hinanap ko sya ng hinanap hanggang sa mawalan na ako ng pag-asa. Pero naalala ko yung sinabi nya… “Balikan mo si Coline…”.

“Babalikan ko ang anak ko!!!”

            Bumalik ako sa ospital nay un, kung saan ko sya huling nakita. Katangahan ko talaga na iwan sya pero di pa naman ako ganon kabobo para malimutan kung saan. Tinanong ko yung doctor na nagpaanak kay Charm. Yung mukhang iyon na muntik ko nang basagin.

“Iho. Matagal na syang wala dito. Di mo baa lam na nakuha na sya?”

“Sino kumuha sa anak ko!!!!??? Walangya kayo!!!”

“Si Ramon De Silva daw ang kumuha sa kanya.”

“Ang matandang iyon!!! Ano pinangalan nya sa anak ko?”

“Nakita nya po yung birth certificate na hindi nyo pa tapos sulatan. Nakita nya yung Coline pero dinagdagan nya ang pangalan ng anak nyo, Coline Angela De Silva.”

            Lumuwas ako nang probinsya para Makita ang anak ko. Halos walong taon na din ang nakalipas kaya alam kong walong taon na din sya. Natsempohan ko si Don Ramon…

“Papah!!! Ilabas nyo ang anak ko!!!”

“Wag kang manggulo dito. Guards, ipatapon nyo yan!”

“Ilabas nyo si Coline!!!”

“Wala kang anak at kalimutan mo na ding may pamilya ka!”

            Inilabas ako ng mga gwardya ni Papah pero bago pa man ako makalabas ng hacienda ay narinig ko ang magagandang tinig na yon.

“Lolo, who’s that man?”

            Lumingon ako at nang nakita ko, ang imahe ni Charmaine sa anak ko.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon