XXI- Princess

1.2K 59 10
                                    

PLEASE READ: Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ang ud ito.. Ang totoo niyan nasa bahagi ako ng buhay ko ngayon na maraming ini-isip. Maraming pinagdadaanan ngayon. Sana maintindihan niyo. Tulad niyo at tulad ng lahat may manyayari sa buhay natin na di inaasahan at para tayong nasa dilim. Tangi lang makakapitan ay ang nasa taas dahil wala ka ng magagawa kundi kumapit lang.. Pipilitin kong matapos na tong libro. Hindi ko alam kung magsusulat pa ako...

Depende siguro kung nakabangon na..

Girl's Dorm


"Oh napaano ka?" natatawang salubong ni Jin sa mga bagong dating.



"Hmp!" pag-aalburoto ni Anne sabay dalidaling kuha ng tuwalya na naka-sabit sa hook ng kanyang aparador. "Maliligo na ako!"



"Hindi ka ba magpa-pasama kay Jin?" tanong ni Carl na napapa-iling.





Napahinto sa paglabas ng pintuan si Anne sabay ikot paharap kay Jin na may masuyong ngiti. "Jin, please come with me. Pretty please?"





"Samahan mo na yan at may humabol diyan kanina. Ipakuwento niyo na lang sa kanya. Aalis na kami at bawal kami mag-tagal." Paalam ni Carl.

--------------------

"Mike.. Mike.."





Ang tinig na yun. Kilala ko ang tinig na yun..





"Mike.. Mike.." Muling tawag ng malamig na tinig ki Mike.







Lumingalinga si Mike sa paligid. Kasalukuyan siyang nasa loob ng club room at nakaupo sa isa sa mga kahoy na upuan paharap sa lumang pisara. Nadako ang kanyang paningin sa bintana, tirik na tirik ang araw sa labas ngunit hindi ito ang kanyang napansin kundi ang taong nakatayo sa tabi nito. Nakangiti itong lumapit sa kanya't umupo sa kanyang tabi.





"Sir.." Hindi maka-paniwalang bati ni Mike.



"Kumusta na Mike?"



"Mabuti naman po. Sir.. Patawad dahil nadamay kayo sa aming gulo?"



"Gulo?" umiling-iling si Mr. Ranezes. "Hindi, Mike,naka-tadhana mangyari ang lahat. Obligasyon kong gabayan kayo para mapa-buti."



Biglang na-lungkot si Mike. "Yun nga ho, mukhang ang iba sa ami'y pinipili na lamang manahimik at talikuran ang pagiging Liwanag."



"Nagu-gulohan lamang sila. May tiwala ako sa inyo, Mike. Ang samahan niyo'y hindi mabu-buwag, mag-tiwala ka lang."



"Sana ngapo."



"Mike, making ka sa akin. Ito na ang huli kong pag-kausap sa iyo, sa inyo. Ang aking misyong pagsama-samahin kayo'y na-gampanan ko na. Nasa libro ang mga dapat niyo pang malaman."



"Ang librong tinu-tukoy niyo ba'y ang libro na binigay niyo kina Anne?"



"Oo."



"Pero nawa-wala yung libro."



"Hanapin niyo ang librong yun bago mapunta sa maling mga kamay. Tandaan mo, Mike, ang tunay na magka-kaibigan nagda-damayan at walng bumibitiw ngunit may mga bagay na hindi maiiwasang mangyarina kailangang mamili. Mamili para sa nakakarami."



"Hindi ko ma-intindihan, sir. At saka yung libro-" hindi pa man nata-tapos ang sina-sabi ni Mike ay nag-laho na ang kausap at na-tagpuan niya ang sariling na-gising nang gabing yun."



"Napa-pano ka?" tanong ni Aris na kanina pa pala gini-gising si Mike.



"Kailangan nating ma-hanap ang libro."



Nag-iwas ng tingin si Aris sa narinig. "Nawa-wala nga di ba? Hindi natin alam kung nasaan."



"Yun nga, kailangan nating hanapin. Ka-kausapin ko sina Ley at Marie baka maka-tulong sila."



"Paano?"



"Baka kaya nilang makita ang nakaraan."



"Baka naka-kalimutan mong ayaw na nina Marie gamitin ang mga kakayahan nila at umi-iwas na sila sa gulo."



"Susubukan ko pa rin silang kausapin."



Napabuntong hininga si Aris. "Mike, itigil na kaya natin toh?"



"Pati ba naman ikaw?" May halong pagtatampong sabi ni Mike. "Kapalaran natin toh."



"Oo nga pero.." Napa-kamot sa ulo si Aris. "Masama talaga kutob ko this time. Nalagay na tayo sa panganib dati at muntikan na tayong madali paano kung this time tuluyan natayong mapahamak?"



"Buo na ang pasya ko." Matatag na ani ni Mike sabay muling higa at talukbong ng kumot.



Aris sighed. Kung alam mo lang kung ano ang naka-paloob sa librong yun.. Mata-tanggap niyo kayang kitilin ang buhay ng isa sa atin?

--------------

Cafeteria



"Sabi ko nga sa iyo ang cute talaga nung tumulong sa akin kagabi." Kini-kilig na sabi ni Anne. "Kung wala yung dalawa sigurado kinain na ako ng asong aswang na yun."



"At talagang kini-kilig ka pa diyan sa nangyari sa iyo?" Nata-tawang sabat ni Lin habang nakilinya sa pila.



Napabusangot naman si Anne sabay ayos ng korteng flower na eyeglasses. "Siyempre I'm not happy with what happened to me. Ikaw kaya sumubsob? But still may dumating na prince charming!"



"Ano yang narinig kong prince charming?" usisa ng bagong dating na si Jin. "Gaano yan ka-cute?"



"Zuuuuper suuuuper." sagot ni Anne sabay lagay ng platong may lamang pagkain sa tray.



"Sino?" tanong muli ni Jin habang sinu-sundan sina Anne papuntang table.



"Si--"



Ngunit bago pa man sila tuluyang maka-upo lahat at may isang babaeng walang pasabing umupo rin.





Hindi na natuloy nina Anne ang pagku-kuwentuhan lalo na nang mag-pakilala ito.





"Hi I'm Princess and I'm a Shadow.."

THE CLUB II: REVELATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon