Thank you sa reads at lalo na sa votes. God bless! enjoy!
ROOM 304
"Aaaah! Ano yan?!" Sigaw ni Elle ngunit bigla niyang naramdaman ang paninigas ng katawan niya't nahirapan na siya sa paghinga.
"Tama na!" Sigaw ni Lin. "Tumigil ka na, please."
Nasalo ni Lin si Elle nang mawala ang mahikang bumalot rito. Napaupo silang dalawa sa sahig.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Lin na sinagot naman ng tango ni Elle.
"Ano yun?" Hinihingal na usisa ni Elle.
"Tagabantay ko." Sagot ni Lin habang tinitignan ang nilalang na lumundag mula sa kama at palapit sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Elle nang makita ang palapit na nilalang. Sinlaki lang ito ng forearm niya kasama na ang patulis na sumbrero nito. Ang suot nito'y katulad sa mga pinapanuod niya sa cartoons na dwarves. All black nga lang toh.
Lalo pa siyang nasindak nang tumabi ito malapit sa uluhan niya. Kitang-kita niya ang nakakatakot na hitsura nito. Maitim ang kulay ng balat nito, makakapal ang kilay, walang puti ang mga mata na kulay pula at nang ngumisi'y kita ang matatalas na ngipin.
"Kailangan siyang paslangin pagkat ako'y nakita na niya." Sabi ng maliit na boses.
"Tumigil ka nga Chomi!" Saway ni Lin. "Gusto mo ba talagang hindi na makabalik ang hitsura mo at tuluyang hindi na makauwi?!"
Napakamot ito ng ulo at winagay-way ang kamay. Nawala ito ng parang bula.
Nagkatinginan ang dalawang naiwan.
Umayos ng upo si Elle. "Nasaan na siya?"
"Diyan lang yun." -Lin.
"Bakit siya narito? Anong tagabantay ang sinasabi mo? Ano bang nangyayari?"
"Si Chomi ay may nilabag na batas sa kaharian. Medyo mainitin kasi ang ulo niya at laging nakikipag-away kaya pinarusahan. Kaya naging ganyan ang hitsura niya at ginawang tagabantay ko. Hindi siya maaaring makabalik sa kaharian kung hindi ako kasama."
"Nakakatakot siya. Bakit siya pa?"
Lin just shrugged.
"Teka, bakit kailangan mo ngayon ng bantay?"
Sa halip na sumagot ay umiwas ng tingin si Lin.
Hinawakan ni Elle ang balikat nito. "Sumagot ka, Lin. Bakit kailangan mo ng bantay ngayon?"
"May- may nangyari sa huli kong pagpunta roon."
"A-anong nangyari?"
"Huwag mo na lamang alamin sa ngayon dahil hindi ko pa masasabi."
Umilung-iling si Elle. "Kukunin ka nila? Kukunin ka na nila, tama ba ako?"
Tumayo mula sa pagkakaupo si Lin at tinungo ang bintana. "Let's not talk about it."
Hindi na nagusisa pa si Elle bagkus ay nilapitan at inakap mula sa likod ang matalik na kaibigan.
Napabuntong hininga si Lin. Paano ko sasabihi sa iyo ang aking natuklasan? Paano ko sasabihin sa iba na ako'y isang kalaban? Kikitilin din ba nila ang buhay ko o ikukulong sa karimlan? Kapag kami'y nagkaharap-harap, matatawag pa rin ba namin ang isa't isa ng kaibigan kung ako'y isang
dilim?..
------------------Sa Mansiyon ng mga Zy
Kitang-kita ni Jayze mula sa siwang ng pinto kung paano humaba ang mga kuko ni Balziah habang hawak ang litrato ng isa sa mga kaklase nila.
Alam niyang ito ang may gawa sa mga nangyayaring pagpapakamatay ng mga kaklase nito. Gustuhin man niyang kalabanin ang mga ito'y hindi niya magawa dahil sa takot.
Takot para sa sarili at sa mga magulang na nababalutan na rin ng mahika pero kailangan niyang makaisip ng paraan para mawala ang mga ito.
Napasigaw siya nang biglang sumilip mula sa siwang si Kalumi at tuluyang buksan ang pinto.
Napaupo siya sa sahig. Kahit gusto niyang tumakbo'y hindi niya magawa. Unang beses niyang nakita ang mukha nitong walang balot.
Lumapit ito sa kanya at walang kahirap-hirap na hinila ang paa niya. Ipinasok siya nito sa kuwarto bago sinara ang pinto.
"Meroong sumisilip." Ani ni Kalumi.
Tumingin sa kanya si Balziah ng nakangisi. "Kanina ko pa alam na sumisilip ka. Ikaw ba'y humahanap ng paraan para makatakas o matalo kami?"
Umiling-iling si Jayze. "Hi-hindi."
"Kunwari ka pa." Ismid ni Balziah at ibinalik ang pansin sa ginagawa. "Iwaglit mo na lamang yan sa iyong isipan at wala rin yang patutunguhan. Baka dalhin ka at ang iyong mga mahal sa buhay sa maagang kamatayan."
"Nagawa mo na ba ang misyon mo, Jayze?" Tanong ni Kalumi na nakatalikod sa kanya at nakatingin sa salamin.
"Ki-kina Lin, Elle at M-Mau pa lang ako napa-" hindi na nagawang tapusin pa ni Jayze ang sasabihin nang bigla siyang sakalin at itaas ni Kalumi sa ere gamit lamang ang isang kamay.
"Bilisan mo, Jayze, at ako'y naiinip na! Dalhin mo sa akin ang isa sa kanila sa lalong madaling panahon." Pagalit na sabi ni Kalumi bago bitiwan si Jayze.
Napaubo-ubo si Jayze. "Hi-hindi madali ang pinapagawa mo. Bigyan mo ako ng panahon para madala ko ang isa sa grupo. B-bakit kasi kailangan niyo sila?"
Nanlisik ang mga mata ni Kalumi at lumabas ang parang mga basag ng kanyang mukha. "Huwag ka ng magtanong at gawin mo na lang! Labas!!"
Dali-daling tumayo si Jayze at tinakbo ang pinto. Akmang bubuksan na niya ito nang pigilan siya ni Kalumi.
"Sandali." Iniharap ni Kalumi sa kanya si Jayze at hinawakan ang mukha gamit ang isang kamay. Ang isang kamay nama'y hinawi ang buhok na tumakip sa isa niyang mata.
Ang ikinagulat ni Jayze ay nang dumiin ng kaunti ang hinlalaki ni Kalumi sa isa niyang mata. Hindi ganoon kadiin ngunit bigla siyang nakaramdam ng sobrang sakit. "Aaaaaaahhhhh!!"
---
Pls.don't forget to vote and tell you'r friends na bored at walang magawa.lol!Dito na po muna. Gangster University naman ako magupdate. Update ako after two or 3 ud sa GU o kaya kapag marami bumoto at reads dito. :) Thank you ulit sa mga nagtiyaiyaga.
BINABASA MO ANG
THE CLUB II: REVELATION
ParanormalKamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kanila? Sino ba ang dapat nilang pagkatiwalaan kung bawat isa sa kanila'y may tinatagong sikreto? Maging...