Thank you ulit ng marami sa walang sawang nagbabasa at boto. Hopwfully you still enjoy book 1 and 2, and masabi rin sa iba ang The Club. God bless people.
I know ang iba sa inyo ayaw ng hinihingian ng votes but pls.undersrand na through that kasi sarap sa feeling. :) it also gives me time to think. Kaya manghihingi ako ng no.of reads and votes now. Salamat doon sa mga boboto at patuloy na nagbabasa. :)
Next chap XXI-
TOTAL READS- 5.4K
TOTAL VOTES- 215-225Dahan-dahang umangat ang bali-baling braso ng babae.
You can hear the cracking sound of her bones trying to go back to it's place.
When she got her bruised arm straightened, Mike saw her pointing at a broken door.
Unti-unting gumalaw si Mike sa kinatatayuan at tinungo ang pinto. Akmang lalabas na siya nang tignan niya itong muli.
Wala na ito sa kinauupuan nito.
Napaatras siya at muntik nang matumba nang sa kanyang pagharap ay nasa harap na ito!
Kita niya ng malinaw ang putok na ulo nito. Tumutulo ang dugo nito sa buhok. Muling umangat ang kamay nito at tinuro ang direksyong palabas ng hallway.
Pinilit niyang igalaw ang mga paa para umalis.
Halos takbuhin niya ang hallway at nang makalabas ay sumalubong sa kanya ang mismong pinagsisimbahan.
Karamihan sa mga upuan ay sira na. Ang dating pulang carpet ay pinapatungan na ng makapal na alikabok. Ang mga rebultong yari sa semento at kahoy na gawa ng tao'y may mga agiw na.
Inilinga-linga niya ang paningin at nakita niya muli ang babaeng nakatayo sa kalayuan. Tumalikod ito at may pinasukang lagusan.
Hula niya'y papunta ito ng tore. Lakas loob na sinundan ito ni Mike.
Dahan-dahan siyang umakyat ng ng umaalog ng hagdan.
Nakaabot siya sa pinakatoktok ng tore ngunit nagtago ding muli sa likod ng pader nang makita kung sino ang naroon.
Kitang-kita niya ang paghaba ng sangay ng puno kung saan nakaapak si Lin. Humakbang ito papuntang tore.
----------------------------
Tiningala ni Lin ang tore. Iniiwasan niyang gamitin ang kakayahan ngunit mukhang hindi niya maiiwasang gamitin ito. Alam niyang gumagalaw ang Dilim at hindi magtatagal
ang Liwanag at
Dilim ay muling maghaharap.
Luminga-linga siya upang siguruhing walang makakakita sa kanya. At nang makasiguro'y nagbago ang kulay ng mga mata't ikinumpas ang kamay.
Ang sanga ng balete na malapit sa tore'y gumalaw. Kumapit siya ritong mabuti hanggang sa maiakyat siya sa taas ng tore.
Kaagad namang bumalik sa dating kulay ang mga mata niya dahil iniiwasan niyang gamitin ito ng matagal.
Luminga-linga siya sa paligid at dimungaw sa baba.
Isang babae ang nakatingin sa taas ng tore ngunit nang mapansin si Lin ay kaagad itong tumakbo.
"Hindi ba si Jayze yun?" Tanong ni Lin sa kasama at dali-daling nagbago ang kulay ng mga mata. Ikinumpas niyang muli ang kamay at gumalaw ang mga sanga ng balete.
--------------------------------------
Naramdaman ni Mike ang paparating at nagkubli sa gilid ng isang aparador.
Iah?
Tuloy-tuloy sana si Iah ngunit mabilis niya itong pinigilan at tinakpan ang bibig. Magpupumiglas pa sana ito kung hindi kaagad nakita ang kanyang mukha.
"Mike?"
"Sssshh." Senyas ni Mike dito upang tumahimik at sumunod sa kanya.
Sumilip sila mula sa likod ng pader.
"Hindi ba si Rayze yun?" Dinig nilang tanong ni Lin na ikinalaki ng mata ni Iah.
Sasagot sana si Iah ng pigilan siya ni Mike.
Kitang-kita nila ang paghakbang ni Lin sa mga sanga ng puno.
Nang makasiguro silang wala na ito'y lumabas na sila ng pinagkukublian.
"Paano niya nalamang narito tayo?" Pagtataka ni Iah.
"Hindi niya alam." Makahulugang sagot ni Mike.
"Aning ibig mongsabihin? Tayo ang tinatanong niya hindi ba?"
"Hindi."
"Ha? Sino?"
"Hindi ko alam. Basta sigurado akong hindi tayo."
Napabuntong hininga si Iah. "Bakit kaya sila nag suicide?"
Umiling-iling si Mike. "I just have this feeling na hindi ganoon ang nangyari."
"Same here. May nakita ka ba?"
"Yes. Ikaw?"
Tumango-tango si Iah. "Alam mo naman siguro ang ibig sabihin nito di ba? Kakayanin kaya natin na tayong dalawa lang?"
"Hindi ko alam.. Magtiwala lang tayo sa Dakilang lumikha ng lahat."
Tumango-tango si Iah.
Muling tinignan nila ang paligid ng tore bago umalis.
Pababa na sana sila ng hagdan nang salubungin sila ng babae. Hindi sila kaagad nakagalaw sa bilis ng pangyayari.
Halos magdikit na ang mga mukha nila sa babaeng duguan ang mukha!
Lalo pa silang nasindak ng bigla itong sumigaw!
Isang nakabibinging tili.
Unti-unti rin nilang naramdaman na may kumokontrol sa katawan nila.
Natagpuan nila ang sariling nakatayo sa mismong taas ng harang ng tore.
Kahit gusto nilang bumaba'y hindi nila magawa. Para silang puppet na may nagpapagalaw.
Sabay nilang hinakbang ang isang paa at
isa pa!
Hanggang sa tuluyan silang nahulog.
Naramdaman pa nila ang sakit ng pagbagsak at ang pagbawi ng kanilang hininga.
Kumurap-kurap si Iah at habol ang hiningang tinignan ang kasama.
Hindi nila namalayang napaupo na silang magkaakap.
Naroroon pa rin sila sa tapat ng hagdan.
Pawisang tumitig sa kanya si Mike at kumalas sa pagkakaakap. "Ipinakita niya sa atin."
"Oo.."
Tumayo si Mike at inalalayan ang kaibigan. "Tayo na. Umalis na tayo rito."
-------------------------------------------
Hope you enjoy! God bless.
BINABASA MO ANG
THE CLUB II: REVELATION
ParanormalKamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kanila? Sino ba ang dapat nilang pagkatiwalaan kung bawat isa sa kanila'y may tinatagong sikreto? Maging...