VII- Cura

1.3K 73 8
                                        

---
Mango Tree

Tahimik ang grupong naghihintay sa paliwanag ni Mau.


Huminga ng malalim bago magsalita si Mau. "Naikuwento ko sa lola ko ang nangyari kay Ritz at ang tungkol sa red room.."

flashback---

"La, are you listening to my beautiful voice?" Tanong ni Mau habang nagslice ng gulay. Napansin kasi niyang napatigil sa ginagawa si Lola Tasya at may malalim na iniisip.

"Apo.." Tawag pansin ni lola Tasya habang nakatalikod sa kanya't nakaharap sa lutuan.

"Ano po yun, La?"

"Paano mo nalaman ang detalyadong nangyari sa kanya?"

"Ah.. Eh. Ano-"

Humarap sa kanya ang kanyang lola. "May nakilala ka bang Liwanag?"

"L-lola.."

"Apo, sabihin mo sa akin!" Nag-umpisang maghysterical si Lola Tasya na niyugyog pa siya. "Sabihin mong Liwanag at hindi Dilim ang kaibigan mo."

"Li-liwanag po. Ano bang nangyayari sa inyo ba't alam niyo ang tungkol dun?"

Saka lamang nahimasmasan si Lola Tasya sa narinig. "Apo.. May kailangan kang malaman."

"Ano pong ibig niyong sabihin lola?" Kunot noong tanong ni Mau.

"Sumunod ka sa akin."

Nagtungo ang dalawa sa pangalawang palapag ng bahay. Huminto sila sa isang pinto. Maraming kuwarto ang colonial house na minana pa ng kanyang lolo sa kanyang mga ninuno. At ito ang kuwartong tanging ipinagbawal buksan ng kanyang lolong yumao at ni lolo Tasya.

Inilabas ni Lola Tasya ang suot na kuwintas na laging nakatago sa kanyang damit. Isa itong itim at makalumang susi.

Pumasok sila ng kuwarto. Halatang antic na ang mga kagamitan ngunit nanatili pa rin itong malinis at puwedeng tulugan. Dahil na rin sa pag-aalaga ni lola Tasya.

"Ilock mo ang pinto, Mau." Utos ni lola Tasya na sinunod naman agad ng apo habang siya'y kinuha't sinindihan ang lumang lampara. "Isara mo maging ang mga bintana."

Pagkatapos maisara'y tinungo nila ang isang lumang aparador. Mabilis lang itong naitulak ni lola Tasya na parang sliding door. Tumambad ang isang pinto na almost black na ang kulay. May nakaukit ditong kakaibang mga letra.

"Lola anong ibig sabihin ng mga nakaukit?"

"Hindi mo ba naiintindihan ang mga nakaukit? Pagmasdan mong maigi."

Muling pinagmasdan ni Mau ang mga nakaukit. Iba man ang mga letra ngunit unti-unti niya na itong naintindihan. "Cura.."

Tumango si lola Tasya. "Ikaw nga ang napasahan ng responsibilidad na ito."

Napakunot noo si Mau. "Anong ibig niyong sabihin?"

"Akin na ang kamay mo."

Inilahad naman ni Mau ang kamay niya at walang pasubaling inilapat ni lola Tasya ang kanyang kamay sa hugis kamay na nakaukit sa pinto.

"Aray!" Nahablot ni Mau ang kamay nang maramdamang may sumugat sa kanyang palad at nang tignan niya itong maigi ay may maliit nga siyang cut.

Bumukas ang pinto na may langit-ngit.

"Tanging isang Cura lamang ang maaaring makabukas ng pinto."

Pumasok sila sa loob, muling nagsara ang pinto at lumiwanag ang paligid.

Tumambad sa kanila ang isang library.

Pinatay ni lola Tasya ang lampara. "Puno ito ng mga kakaibang libro. Libro tungkol sa mga kakaibang nilalang."

"Tungkol sa mg Liwanag at Dilim?"

"Oo."

"Bakit niyo ho sa akin sinasabi ang lahat ng ito?"

"Dahil ikaw ang nakapagmana ng pagiging Cura ng iyong lolo. Sa bawat henerasyon ay may aako ng responsibilidad ng isang Cura."

"Bakit ako?" Reklamo ni Mau.

"Dahil ikaw ang nagkaroon ng koneksiyon sa mga Liwanag. Noong nangyari yung sa sitio Manggubat at nalaman kong may third eye ka ay doon ko napagtantong ikaw ay isang Cura. Wala sa kahit sino sa pamilya ang may third eye maliban sau na namana mo sa lolo mong yumao na isang Cura."

"Lola, hindi ko pinangarap maging librarian lalo na't walang sahod."

"Mau! Ano ka ba? Kapag napunta sa masasamang kamay ang mga librong ito. Ano sa tingin mo ang mangyayari? Gagamitin nila ang mga kaalamang ito sa masama. Alam kong bata ka pa, hindi ko pa nga dapat sa iyo toh sabihin kaso sa tingin ko'y kailangan mo ng malaman."

"Why?..."

"Para matulungan ang Liwanag. Ang librong nahawakan ni Ritz ay isa sa mga nawawalang libro rito. Panahon pa ng mga unang Cura. Responsibilidad mong ibalik yun. Kailangan mo ang Liwanag at kailangan ka rin nila.."

End of flashback--

"Ibig sabihin isa kang Liwanag?" Tanong ni Tom.

"No.. I'm someone in between.."

-----------
Jan. 3, 2015

THE CLUB II: REVELATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon