This is for ladyinrose for adding all of my stories.
--------------
Katahimikan na ng gabi nang palihim na lumabas sina Elle at Lin ng dorm. Sila na lang ang gising kayat naglakas loob silang pumunta ng punong may portal.
"Sigurado ka na ba?" Tanong ni Elle habang nakatingala sa puno kung saan binaon nila ang mahiwagang salamin.
"Baka masagot na ang lahat ng katanungan natin."
"Baka hanapin ka nila sa akin. Lalo na ng pamilya mo."
Napayuko si Lin. "Maiintindihan nila. Alam nila kung ano ang katauhan ko.."
"Lin.. Paano kung hindi ka na makabalik?"
"Sa ikatlong araw at hindi pa ako nakakabalik, isa lang ang ibig sabihin nun. Nagtagumpay sila."
"Lin.."
Bahagyang itinaas ni Lin ang kamay at gumalaw ang trunk ng puno.
Ang gitna ng trunk ay nagkaroon ng butas na may salaming tubig.
Papasok na sana si Lin nang pigilan siya ni Elle. "Alalahanin mong huwag tatanggap ng kahit ano kahit gutom ka na. Mayroon akong nilagay na pagkain sa bag mo."
Napangiti si Lin at tumango.
"Mag-iingat ka." Niyakap ni Elle ang matalik na kaibigan bago ito tuluyang pumasok ng puno.
Paano kaya pag nalaman nila ang tungkol kay Lin? Sana matanggap nila..
---------------------------------
Sa kalaliman naman ng gabi'y ay nagsisimula ng maghasik ng lagim ang nilalang na nagngangalang Kalumi.
Napangisi siya habang nakatingin sa malaking bahay sa harap niya.
Ibinuka niya ang palad at may lumitaw na maliit na sisidlan o bote sa kanyang kamay. Binuksan niya ito at may lumabas ditong itim na usok.
Unti-unting nabuo ang pigura ng isang babae.
Isang babae na kayumanggi at may mahabang buhok. Nakasuot toh ng makaluma. Kasuotang luma pa sa panahon bago pa dumating ang mga kastila rito.
Tumingin ang mga matang sin itim ng gabi kay Kalumi at napangiti ito labas ang mga ngiping itim. "Bantag Kalumi.."
"Maligayang pagbabalik Balziah.." Bati ni Kalumi sa kanyang kanang kamay na isang mangkukulam.
--------------------
Paikot-ikot sa kanyang higaan ang taong nag-mamay ari ng mga bughaw na mata.
Hindi mapakali,
Ngayon lang siya muling natakot ng ganito.
Totoo kaya?
Totoo kaya ang nabasa niya?
Si Kalumi...
Si Kalumi
at ako'y
iisa?....
BINABASA MO ANG
THE CLUB II: REVELATION
ParanormalKamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kanila? Sino ba ang dapat nilang pagkatiwalaan kung bawat isa sa kanila'y may tinatagong sikreto? Maging...