Ipupublish ko sana toh noong time na nagrank 9 ang book 2. YAP RANK 9. KAYA THANK YOU ULIT SA MGA NAGBABASA AT LALO NA SA MGA BUMOBOTO. :)
-----------------------
Papasok na sana ng classroom si Jayze nang may humila sa braso niya. Nanlaki ang mga mata niya bago napayuko.
"Mag-usap tayo." Tuluyan siyang hinila ni Lin papunta sa school field.
"A-anong pag-uusapan natin?" Nauutal na tanong ni Jayze. "May pasok pa tayo."
Tinignan ni Lin ang wrist watch niya bago muling bumaling kay Jayze. "Maaga pa. Alam mo kung ano ang pag-uusapan natin."
"Hindi kita maintindihan." Maang-maangan ni Jayze.
Napabuntong hininga si Lin. "Bakit ka nasa simbahan?"
"Tulad ng sabi ko, curious lang ako."
"I don't think so. May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng mga estudyanteng yun?"
"W-what ofcourse not." Kinakabahang sagot ni Jayze. "Aalis na ako, may gagawin pa pala akong assignment."
Mabilis na tumalikod si Jayze at akmang aalis na nang muling mag-salita si Lin. "Hindi ka pumunta roon dahil curious ka lang. Ang isang ordinaryong taong tulad mo'y hindi maglalakas ng loob na pumunta roon ng mag-isa. Sino ka ba talaga? Ano ang tinatago mo?"
Napapikit si Jayze. Patawad, iniiwasan ko sanang mangyari ito, Lin. Muli niyang hinarap si Lin.
Tinawid ni Jayze ang pagitan nila. "Gusto mo ba talagang malaman?"
Tumango si Lin bilang tugon. Halos magkalapit na ang mukha nila.
Nanlaki ang mga mata ni Lin nang unti-unting magbago ang kulay ng mga matang nakatitig sa kanya.
Napaatras si Lin. "I-Ikaw?"
---------------------------------
Mango tree
"Bakit tayo pinatawag ni Lin?" Tanong ni Aris pagkadating sa tagpuan.
"Don't know." Sagot ni Mau. "Oh, ayan na pala sila eh."
"Ba't kasama yan?" Tom whispered.
Sumenyas si Mike na hindi niya alam.
"Guys!" Panimulang bati ni Lin. "Mabuti at nakumpleto tayo ngayon."
"Go straight to the point, Lin. May pupuntahan pa ako." Reklamo ni Anne.
"Well, you can go if you want to." Nakataas ang kilay na anas ni Lin. "Now that I think of it. It's much better for you not to know."
Anne's eyes widened. "Fine!!"
Anne marched away from them.
"Lin, that's kinda harsh!" Bulyaw ni Jin.
Lin sigh. "Mas mabuting wala siyang alam at madamay pa sa gulo ng Liwanag. Nailagay na sa alanganin ang buhay niya noon maging sa inyo. Ang mga hindi Liwanag maaari na kayong mamili if you'd stay to hear what I discovered and be part of all of this."
Walang nagtangkang magsalita maliban kay Mau na nakapamewang. "Well... Could I still choose even if I'm someone on between?"
Nilakihan siya ng mga mata ni Lin bilang tugon.
Mau rolled his eyes.
"Ano ba talaga yun?" Tanong ni Iah.
Hinila ni Lin si Jayze mula sa kanyang likuran. "I found her."
Napakunot noo ang iba samantalang naguguluhang napa "huh?" ang iba sa kanila.
Bumaling si Lin sa katabi. "Come on show it!"
Napabuntong hininga si Jayze bago pumikit sandali.
They gasped when Jayze opened her eyes. From black it's now bluer than the sky.
"What the-"
"How?"
"When?"
Ilan lang yun sa mga naging reaction ng grupo. Napakunot noo naman sina Aris at Marie ngunit piniling manahimik.
"You have a lot of explaining to do." Seryosong sabi ni Iah kay Jayze."
BINABASA MO ANG
THE CLUB II: REVELATION
ParanormaleKamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kanila? Sino ba ang dapat nilang pagkatiwalaan kung bawat isa sa kanila'y may tinatagong sikreto? Maging...
