VIII- Black Book

1.3K 90 5
                                    

Pls. Don't forget to vote kasi honestly lang hindi ko alam kung nagugustuhan pa ba ninyo gawa ko. Kung dapat ba putulin ko na lang.. ;( pero thank you pa rin sa mga reads at nagvovote!
God bless!

Next Ud (65 total votes)

Napatahamik ang magkakaibigan sa tinuran ni Mau.

Huminga ito ng malalim at tumingala sa langit. "You see.. Maaari niyo akong maging kakampi o maging kalaban."

Magsasalita na sana si Mike nang unahan siya ni Iah na bumaling kay Phoebe at ginamitan ito ng kanyang kakayahan. "Phoebe, sa tingin ko pagod ka na. Mabuti pa'y bumalik ka na sa dorm at magpahinga."

Unti-unting tumango si Phoebe at umalis.

"Marami ng alam si Phoebe. Hindi maaaring may makaalam pa ng tungkol sa atin para maiwasan ang puwedeng masamang mangyari, naintindihan niyo ba?" - Iah.

Sumangayon naman ang iba.

"Tuloy mo." Utos ni Mike.

"Kaming mga Cura ay maaaring maging isang Dilim o Liwanag. Responsibilidad ng isang Cura pangalagaan ang mga makaunang libro ng kasaysayan at hiwaga. Advantage sa isang grupo ang Cura, yun ang sabi ni lola pero.. Maaaring malagay ang buhay ko sa alanganin kaya nagpasya akong talikuran ang responsibilidad na ito pagnatagpuan ko na ang mga nawawalang libro."

"Pero-" salungat sana ni Mike.

"Ngayon, naiintindihan ko na si Marie. Mahirap pala ang may ganitong responsibilidad. Napakabata pa natin at wala man lang gumagabaay.."

Iah patted Mau's shoulder. "Meroon, ang lumikha sa atin."

"Etong libro, paano kaya nakuha ni Ritz?" Pagtataka ni Aris. "Teka-- Paano rin napunta toh sa iyo? Hindi ba't eto rin ang gamit ni Ritz?"

"That book is ancient. Sabi ni lola, may ibang Curang nagtaksil at kumuha ng mga libro. Ang hawak mo'y hindi ang librong nakuha ni Ritz it's an incomplete copy of it. Noong nalaman ko ang nangyari kay Ritz, naglakas loob akong puntahan ang building mag-isa." Paliwanag ni Mau. "I got the key dahil may access ako dun bilang student leader kaso naduwag ako kaya nilock ko na lang yung basement para maiwasang may makapasok pa. Yung book na hawak ko, original but incomplete copy dahil may ibang mga pahinang punit. Ang sabi ni lola maaaring may gumawa raw ng copy niyan."

"You mean maaaring gumawa ng copies ng books na pinangangalagaan ng Cura?" Pagkaklarong tanong ni Tom.

"Noong binasa ko ang libro ng mga Cura, ang sabi doon tanging isang Cura lamang ang maaaring makaitindi ng mga salita sa libro. Obviously, isang Cura lang din ang maaaring gumawa ng kopya pero isang copy lang. Ang sumuway ay mawawalan ng kakayahan at may katapat na kaparusahan kagaya ng biglaang pagkasunog." Paliwanag ni Mau. "Naisip ko na ngang gawin yun para mawala tong responsibilidad na toh kaso ayoko namang mabarb-q."

"May nakalagay ba kung ano talagang mysteryong bumabalot sa red room? At paano natin maililigtas si Ritz?" Makukuha pa ba natin siya?" Sunod- sunod na tanong ni Carl.

Umiling-iling si Mau. "Ang tanging nakasulat doon ay ang pangontra sa isang nagpapanggap na nilalang at kung paano mailalabas ang nakulong sa red room."

"Paano?" Halos sabay sabay na tanong ng mga kasama ni Mau.

Binuklat ni Mau ang libro at binasa sa kanila.
""Sa salamin ng kahilingan, pulang silid ang naghihintay.
Kapalit ng iyong dugong dumadaloy,
Masasagot ang iyong mga katanungan.
Alamin lamang at sambitin ang orasyong makakabukas sa kanya." Narito yung orasyon, ito siguro yung ginawa ni Ritz."

THE CLUB II: REVELATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon