III- Finding RitzII

1.6K 101 3
                                    

Girl's Dorm

Room 303

Tahimik na binabasa ni Marie ang isa sa mga paranormal books ni Anne sa kanyang study table na nasa tapat ng bintana. Iniiwasan na niyang magbasa ng mga ganoon pero ewan ba niya at pagpasok niya ng kuwarto'y eto agad ang kinuha niya sa shelf ng kaibigan.

Napatingin siya sa labas ng bintana at napabuntong hininga. Ayaw na talaga niyang gamitin ang kakayahan ngunit hindi niya maiwasang makonsensiya dahil kahit paano naging kaibigan na rin niya si Ritz. Pero natatakot ako. Paano kung hindi kanaisnais ang makita ko? Naalala pa niya nang una niyang matuklasan ang kakayahan. Ang mga nakita niya..

"Hoy!" Panggulat sa kanya ni Jin. "Tulaley?"

"Kanina pa kayo diyan?"

Hindi niya namalayang nakapasok na pala sina Iah at Jin.

"Enough para makitang tulaley ka, girl." Biro ni Jin.

"Iniisip mo pa rin ba?" Nag-aalalang tanong ni Iah sabay upo sa kama nito malapit sa study table ni Marie.

Tumango-tango si Marie. "Gusto ko mang tumulong pero natatakot ako."

Iah sigh. "Naintindihan kita. Ang pagiging Liwanag natin ay maaaring magdala sa atin sa kapahamakan."

Jin smirked. "Maaari? As far as I can remember muntik na tayong matsugi at malapa ng mga aswang."

"Sa tingin niyo ba dapat kong gamitin ulit para mahanap si Ritz?"

Nagkatinginan sina Iah at Jin. "Marie, makakatulong talaga ang kakayahan mo pero kung sa tingin mo'y masama naman ang epekto sa iyo, huwag mong pilitin."

Napaisip si Marie sa mga sinabi ng kaibigan. Napatingin siya sa labas ng bahay at napansin ang nakatayo sa may puno. Nakatingin ito sa dako niya.

Napakunot ang noo niya.
Anong ginagawa niya doon?

Mas lalo siyang nagulat nang lumusot toh sa puno at nawala.

Hindi naiwasan ni Marie ang magreact. "What the-"

"Hey guys! Wanna eat some ice cream?" Masiglang bati ni Anne na kararating lang at may bitbit na supot na may gallon ng icecream.

--------------------------

Room 304

Hating gabi na at tanging ilaw lamang ng table lamp ang nagsisilbing liwanag sa kuwartong yaon.

Pabaling-baling si Elle sa kanyang higaan. Tanging siya lamang ang naroon.

Kanina pa siya may hinihintay.

Maya-maya ay may narinig siyang kumakatok sa bintana.

Napabangon siya at dali-daling binuksan ang glass window nang mapagsino ang naroon.

Agad namang pumasok ito, sinara ang bintana at inayos ang makapal  na kurtina.

"You can open the lights now." Mababakas ang kasiyahan sa himig nito.

Sinunod naman ni Elle ang sinabi nito bago muli itong harapin. "Pumunta ka nanaman?! Pasalamat ka wala rito si Phoebe."

"Hai.. Hindi mo maiiwasan yun, Elle."

"Paano kong may makakita sa iyo, Lin, habang pinapahaba ang sangay ng puno at gumagapang ka na parang gagamba papunta rito?!"

"Chillax lang Elle." Natatawang sagot ni Lin sabay kuha ng towel. "Walang nakakita sa akin at alam mo rin naman ang ginagawa ko sa mga cctv."

THE CLUB II: REVELATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon