Tatlo. Tatlong sunod sunod na pagkamatay.
I need to do something. Dali-daling kinuha ni Iah ang back pack at palabas na ng kuwarto nang makasalubong si Marie sa pinto.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Marie at napadako sa news paper na nilipad sa sahig.
"Diyan lang." Sagot agad ni Iah na ikinatango ni Marie bago tuluyang pumasok ng kuwarto.
Palabas na si Iah ng pinto nang muli itong magsalita na ikinatigil niya saglit.
"Iah." Ani ni Marie na nakatalikod. "Mag-iingat ka."
Hindi na nilingon ni Iah ang kaibigan at tuluyang umalis.
-------------------------------------------Muling tinitigan ni Iah ang simbahan.
Colonial times pa ang simbahan. Halos wala na ang dating kulay nito. Kalahati pa lang ang nirerenovate ngunit ipinatigil muna dahil sa nangyari.
Inikot niya ang simbahan at naghanap ng puwedeng pasukan.
Napailing-iling siya dahil wala siyang nahanap.
Tumalikod na siya sa pinto na nasa pinakalikod ng simbahan at akmang aalis nang may marinig.
Lumangitngit ang unti-unting bumubukas na pinto.
Napalunok siya at nilingon ito. Kaagad niya nakita ang maputlang kamay mula sa awang ng pinto galing sa knob. Unti-unti rin itong nawala sa dilim.
Nilakasan niya ang loob niya at inihakbang ang mga paa.
Ipinalibot niya ang mga mata sa luma at sirang simbahan.
Walang katao-tao..
Nagtungo siya sa hagdang patungo ng tore.
Maingat siyang umakyat dahil mukhang bibigay na ang kahoy na hagdan.
It was a twirling stairs.
Nasa taas na siya nanh biglang may humila sa kanya at tumakip sa kanyang bibig!
---------------------------------Hindi mapakali si Mike sa kanilang kuwarto.
Alam niyang may mali.
Pero paano?
Kakayanin ba niya itong mag-isa?
Bahala na!
At dali-dali niyang kinuha ang kanyang jersey jacket at lumabas.
-------------------------Dapit hapon na nang makarating siya ng simbahan.
Ang lumang simbahan kung saan nagpakamatay ang estudyanteng yun.
Naghanap siya ng maaaring pasukan. Isang bintana ang nakaawang. Medyo kataasan pero dahil matangkad siya'y nakayanan niya itong akyatin.
Mukhang kusina ang napasukan niya.
Naninilaw na ang dating mga puting tiles ng pader at sahig. Isamg mahabang mesa na yari sa kahoy ang nasa gitna.
Inilibot niya muli ang mga mata ngunit nang ibalik niya ang paningin sa mesa'y nagulantang siya sa nakita.
Isang babaeng nakayuko at natatabunan ng hindi kahabaang buhok ang mukha.
Napako siya sa kinatatayuan.
Unti-unting umangat ang kamay nito..
------------------
Please don't forget to vote po kasi next ud baka humingi na ako ulit ng no. Of votes. Thank you sa patuloy na bumoboto at nagbabasa. God bless!
BINABASA MO ANG
THE CLUB II: REVELATION
ParanormalKamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kanila? Sino ba ang dapat nilang pagkatiwalaan kung bawat isa sa kanila'y may tinatagong sikreto? Maging...