Chapter Two

2.7K 43 11
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Kath and Quen

Julia

Nasa school na ako ngayon. Oo, maaga pa naman at konti palang ang mga estudyante. Gusto ko lang na magkaroon ng peace of mind ngayon kahit isang araw lang. 1 week na kasi simula nung DEAL thingy na yan eh. Bwiset!

The day after kasi nun, ipinagkalat na ng mukhang kwago na Daniel na yan na BOYFRIEND ko sya. Like, eww! As in Yuck! Pagnaririnig ko pa nga lang na Boyfriend ko daw sya, masuka-suka na ako eh! Tapos ano nalang iisipin nung mga tao sakin? Na yung pahard to get na si Julia, sa casanova lang babagsak? Nakakababa ng pagkatao.

Tapos isipin nyo pa pinagtitripan ako nung mga fan girls nya na mukhang clown sa sobrang kapal ng make-up. Minsan nga may pa-akbay akbay pa syang nalalaman eh! Tss! Buhay casanova nga naman. Pagkakalat na may syota sya pero may fling na iba? Ibang level na ang kalandian nya.

Kaya nga gusto ko nang matahimik yung buhay ko eh. Sobrang dami ko nang problema ngayon, tapos dadagdagan pa ng kwago na mukhang patpat na yun saka nung mga pesteng fan girls nya na parang mga linta!

Naglalakad ako ngayon hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa garden ng school. Malaki sya saka konti lang naman ang nagpupunta dito eh, kaya umupo ako sa isang bench doon.

Nag-isipisip muna ako ng mga bagay bagay, yung mga problema ko. Gusto nyo malaman? Well sige na nga. Yung Mom ko kasi nagdala na naman ng lalaki sa bahay namin eh. Oo, LALAKI as in Lalaki. Bakit? Kasi iniwan kami ng bastardo kong tatay. Sya ang puno't dulo ng lahat at kahit maraming years na ang nakalipas mula nung iniwan nya kami, galit parin ako sa kanya. Now you know why I hate most of the boys, especially that bastard casanova Daniel. Ayokong matulad sa mom ko.

Speaking of that casanova, isa rin sya sa problema ko. Dahil sa kanya majority of his fan girls are sending me hate mails na kesyo malandi daw ako, mang-aagaw tapos kung anu-ano pa. Bakit feeling ba nila, ginusto ko lahat yon? Di sila nalang makipag-deal. Kung alam lang nila kung gaano ako nasusuka at naaalibadbaran sa mukha nya tuwing makikita ko sya, grabe gusto ko nang matapos yung 3 months! Kung hindi ko lang pinapahalagahan ang pride at ego ko.

So dahil tambak nga yung problema ko, nagmuni-muni muna ako. Ang sarap ng hangin dito kasi puro plants eh, kaya nga garden diba?

Day dreaming ang drama ko ngayon na tipong..

*You and me sitting on a tree,

K-I-S-S-I-N-G*

Oo, yun nga! Yung commercial ng isang brand ng ice cream. Hahaha!

Okay na sana ang dram ko ng may sumira ng moment ko. May tumawag sa akin.

"Julia!" napalingon ako sa pinanggagalingan nung pamilyar na boses at nakita ko si--

Daniel.

Joke! Wag kayo assuming, hindi no!

Kasi sya si---

ENRIQUE!

Oo, si Enrique Gil. Crush ko yan! Sabi ko sa inyo kanina diba, dahil sa tatay ko kaya MOST of the boys ang ayaw ko? So meaning, hindi lahat. kaya nga most diba? Crush ko yan kasi ang pogi nya, ang bait pa, varsity player pa, matalino pa at lahat pa ng merong pa! Nasa kanya na ang lahat.

Parang kanta lang.

"Oh bakit Quen?" sabi ko. Oo, Quen nick name nya. Close kami, walang basagan. Bakit aangal kayo?

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon