Chapter Nineteen

759 24 5
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko. Nakakainis kasi yung kanina sa mall, ayoko namang mag-react agad dahil baka mamaya wala lang pala yun diba? Baka magmukha pa akong tanga.

"The subscriber cannot be reached , please try again later." Takte. Ano to? Panlimang beses ko na yatang tinawagan 'tong si Daniel tapos cannot be reach pa ren? Nagtext na nga din ako eh, tinadtaran ko sya. Mga 30 messages yung sinend ko sa kanya and still, walang reply kahit manlang isang period.

"Hoy babae! Nasan ka?" Ayan, tinawagan ko po si Kath at baka sakaling matulungan nya ako.

[Nasa bahay, baket?]

"Punta ka dito, pleaseee!" pagmamakaawa ko sa kanya.

[Eh. Tinatamad ako eh. Ano ba kasi kelangan mo?]

"Eh. Kasi si DJ eh." sabi ko.

[What?! Nambabae sya?! Asan na sya?! Pag nakita ko sua bubugbugin ko sya! Dadalin ko pa yung pinsan at bestfriends natin para back-up!] Opo, napaparanoid na po si Kath nyan.

"Gaga! Mas OA ka pa pala sa akin. Hindi pa naman sure eh."

[Ay ganon?! Sorry naman. Ano ba kasi kelangan mo at nambubulabog ka?]

"Ah. Diba may number ka ni DJ? Pakitawagan naman oh. Hindi kasi sumasagot sa akin eh."

[Meron. Ano ba sasabihin ko? 'Daniel pinatawagan ka sa akin ng girlfriend mo, sabi nya kasi hindi ka sumasagot sa tawag nya eh naje-jelly tuloy' ganon ba?]

"Gaga! Syempre hindi pahalata. Kunwari nagkamali ka lang ng napindot na name sa contacts mo kaya sya yung natawagan mo. Ganun!"

[Hay nako, pasalamat ka at bestfriend kita kundi. Hayst! Osige, tatawagan nalang kita for updates!]

At ayun, binabaan na ko ng bruha. Pero salamat nalang din at nandito ang bestfriend ko. Ano ba yan,bakot kinakabahan ako?!

--

(Best Calling...)

"Hello? Oh, Kath ano na balita?"

[Ayun, sumagot sa tawag ko.]

"Ansabe? Tarantado na yun, ba't sayo sumasagot?"

[E-ewan ko eh. Tinanong ko kung nasan sya.]

"Tapos? Ano ba yan Kath, napaka-cliff hanger mo naman!"

[Ehkasinganasamalldawsyataposyon,maynarinigakongbosesngbabae!]

"Teka! Kalma! Wala akong naintindihan dre! Hinayhinay lang at baka di ka na makahinga nyan."

[Eh kasi naman, nasa mall daw ang boyfriend mo. Tapos, narinig kong may tumawag sa kanyang babae tapos narinig ko ring nagtatawanan sila tapos binabaan na ako.]

Napatigil ako. WHat the fuck? So, totoo nga? Lokohan pala ang gusto nya ah. Baka akala nya gwapo sya, mas gwapo kaya si Quen sa kanya. Kafal nya ah.

"So totoo ngang kumakaliwa ang landas ng boylet ko? Pasalamat sila at hindi pisikalan ang revenge ko. Kundi nako, baka kanina pa walang buhok yung babaeng yan."

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon