Chapter Four

2.2K 40 12
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••
Tag Teams?
Daniel

[The Day After]

Nandito ako sa harap ng gate ng school namin at hinihintay na ang girlfriend ko. Aba syempre dapat magpaka-gentleman, para mas mapabilis ang pagkapanalo ko!

Inagahan ko na talaga ang pasok ko para makasalubong ko ang babe ko. Alam nyo na, tinataguan ako parati saka itatanong ko sa kanya kung game na sya sa deal namin para claro na lahat. Last week kasi diba, parang wala lang sa kanya?

Few minutes passed at natatanaw ko na sya. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha nya pero nang mapansin nya ako bigla nalang syang nagmood swing! Tsk! Bipolar!

Pumunta sya sa harap ko na may smile sa labi pero alam kong peke.

"Babe! Talagang hinintay mo pa ako? How sweet naman!" Pasweet nyang sabi. Hinila ko naman sya. Teka, teka! More on kaladkad pala ang ginawa ko!

"Teka! Teka! San mo ko dadalin?" Sabi nya sa akin. Aba nagtanong pa, hindi ko nga rin alam kung saan kami pupunta eh!

Ayun, dinala kami ng mga paa namin sa may isang building na nirerenovate. Bihira lang kasi pumunta mga estudyante dito eh kaya safe sya para mag-usap kami.

"Ano ginagawa natin dito?" Takang tanong ni Ms. sungit este Babe pala!

"Pag-uusapan natin yung deal natin, okay? I just wanna clear things up!" Sabi ko at nag-nod naman sya.

"Ready ka na ba sa deal natin?" Sabi ko ulit. Di naman sya nagsalita eh!

"Oo, ready na ready ako, kahapon pa!" Sabi nya. Tss! Hindi nya sinabi sa kin kahapon na ready na sya, gulo kausap!

"Okay, gagawa tayo ng rules natin para clear na ang lahat, okay ba?" Sabi ko at tumango ulit sya saka ko sya kinaladkad papunta sa cafeteria.

Pagkadating namin dun, syempre konti lang ang tao kasi nga maaga pa, diba? Umupo na kami sa medyo tagong parte ng cafeteria kasi alam nyo na, may mga usi sa paligid!

Naglabas ako isang notebook. Bumili pa talaga ako ng bagong notebook para dyan! Tapos naglabas nadin ako ng ballpen.

"Oh, ikaw ang mauna. Isulat mo ang mga rules na gusto mo dyan!" sabi ko sabay hagis sa kanya nung notebook at ballpen. Actually hindi naman talagang hagis na malakas, yung mahina lang. Wala naman akong galit sa kanya eh, saka baka matamaan yung maganda nyang mukha.

Julia

Ayan, nagsusulat na ako ng rules para sa deal namin. Syempre, mahirap na! Casanova yata etong kasama ko baka kung anong gawin sa kin neto!

Anyway, wanna know kung ano ang mga sinulat ko?

Three Month Rules

1. Bawal lumapit sa ibang babae bukod syempre sa akin.

2. Kailangan walang mangangaliwa or bawal makipag-date at flirt sa ibang babae as long as on-going pa ang deal, just like number 1.

3. Kailangan nating umarte na parang totoong mag boyfriend and girlfriend lalo na sa harap ng mga tao para hindi sila maghinala sa deal.

4. Bawal ang PDA . Tulad ng holding hands (depends on the situation), hugs and kisses (lalo na sa lips).

5. Last but not the least, bawal ang ma-inlove.

Yan! 5 rules pero nandyan na lahat ng gusto kong mangyari sa deal namen. Ayoko naman na free syang gawin lahat ng gusto nya sa akin.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon